yung picture nila tignan niyo nalang yung cover photo ko sa aril daine :">

vote kung natripan. comment kung gusto XDDD

@aril_daine po ang aking twitter account


Chapter 3

 

 

“Pare si Andrea nga pala yung sinasbai ko sayo” pakilala niya saakin sa kaibigan niya. Mukhang hindi din mapagkakatiwalaan katulad niya.

“Sigurado ka ba sa pinasok mo Andie? Baka mamaya niyan malaman ng girlfriend mo. isa pa hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo Andrea? Hindi naman kayo ni Andie baka mamaya niyan---“ I butt in and said “Wala naman kaming commitment ni Andie, isa pa trip lang naman ito. Pure fun” tumango nalang sila nung pagkapaliwanag ko.

Pero sa totoo lang naiin-love na itong lalaking ‘to sakin. Soon, iiwanan na niya ang girlfriend niya para saakin. Nandito kaming tatlo ngayon sa isang restaurant. Mayaman naman kasi si Andie, nakilala ko siya nung araw na kinukulit ako nina Zydn at Ivy. Dalawang linggo na din akong kinukulit ng dalawnag yun. Patunayan? Hanggang ngayon wala pa silang napapatunayan saakin.

“ano? Tara muna sa bar?” yaya ni Andie saamin ni Rene. Ang kanyang kaibigan. Madami akong alam sa kaibigan niya dahil lagi naman nagkukwento saakin si Andie. Halos lahat alam ko na. Pati nga girlfriend niya kinukwento niya saakin. Kesyo boring daw ang girlfriend niya, conservative, hindi siya pinapayagan uminom, mahigpit, masyadong matalino para sakanya. Lahat kinuwento na niya. Mali din naman kasi yung babae sa ginagawa niya, pero hindi ko din sinasabing tama ang ginagawa ko.

“Ate Andrea?” may tumawag saakin pagpasok na pagpasok palang namin sa bar. Kung pagbabasehan palang ang tono ng boses at tawag saakin nakakasigurado akong si Zydn nanaman ‘to.

Inekis ko ang aking mga braso at tinitigan siya. “Anong ginagawa ng minor de edad dito?” pero imbes na sagutin ako ay nginitian lamang ako nito.

“sino siya Andrea? Kapatid mo?” tanong ni Andie, nauna na ding naghanap ng upuan si Rene na kanina pa yata uhaw sa alak.

“Hindi. Kaibigan ng kaklase ko”

Hinawakan na niya ako sa kamay saka niya ako dinala sa table namin kung nasaan si Rene.

“totoo bang minor de edad lamang yun? Bakit nandito yun? Saka kaklase mo? edi---“

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!