Chapter 17

 

 

Pinapanuod ko lamang ang mga nasa quadrangle. Na-late sila kaya naman naiwan pa sila sa baba.

“tignan mo siya, simula nung pumasok siya dito wala pa yang nagiging kaibigan talaga.”

“ano ka ba! Hindi mo ba alam yung usap-usapan?”

“ano naman?”

Nagbulungan pa sila kung ipaparinig din naman saakin.

“mang-aagaw yan ng boyfriend. Edi natural wala talaga magiging kaibigan yan”

Kinagat ko ang labi ko dahil sa narinig ko. Gusto ko silang sagutin pero hwag na. magsasayang lang ako ng laway, hindi din naman nila ako maiintindihan. Dapat nga nagpapasalamat sila saakin.

Umalis ako at hinayaan nalang silang magbulungan, that way malaya silang mapag-usapan ako.

Hindi ko pinasukan ang klase. Wala akong ganang pumasok ngayon. Gusto ko makausap si Andie pero busy siya at ayoko siyang maabala. Isa pa ayaw kong makita kami ni Henessey na magkasama. Ayokong sirain ang buhay ni Andie.

“bakit ka naman nandito? Wala kayong klase?” boses ni captain. Hindi na ako nag-abalang tignan pa siya.

“boring” I uttered

“sorry nung nakaraan akala ko naman kasi okay lang sayo kung magiging girlfriend kita”

“hindi lahat ng babaeng lumalapit at lalapit sayo, gusto ka. Suck it up.” Tumayo ako at saka iniwan siya. Ni pangalan mo hindi ko alam. Ang alam ko ng lang ikaw ang captain ng basketball team.

Sa di kalayuan nakita ko si Zydn kausap yung mga babae kanina. Seryoso ang mga mukha nila at parang pinapagalitan niya ang mga ito.

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!