short update.  nagtatanggal ako ng stressed sa katawan :(

Chapter 35

 

 

“aalis ka na?” hinila ko ang dulo ng uniform niya. kasama ko si Andie ngayon sa tapat ng eskwelahan. Hinatid niya ako kaninang nakita niya akong naglalakad. Hindi naman dito ang daan niya kaya sigurado akong pinuntahan talaga niya ako.

“late na kasi ako.” Nakangiti niyang paliwanag saakin.

“bakit kailangan mo pang pumasok? Hwag ka na kasing pumasok” humigpit ang pagkakahawak ko sa uniform niya. kung aalis man siya, tiyak na mapupunit ito. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Masasaktan ko lang din naman siya. Hindi ko naman sinasadya. Nagkataon lang naman.

“baby, you okay?” sincere siya pero heto ako hindi alam kung anong ginagawa.

“katulad ng sabi mo, late ka na.” nginitan ko nalang siya at saka hinalikan na ikinagulat naman niya. For me, kissing someone is normal but what I have done to him isn’t normal. “bye” This isn’t normal.

I’m not my normal self anymore.

“COREEN! OMG! Sobrang nag-alala ako sayo! Saan ka ba nagpunta? Grabe! Lahat ng teachers ako yung tinatanong kung napaano ka ba. Kasi hindi ka namin macontact. Tapos ilang araw kang wala. Tapos—“

“si Zydn?” kailangan kong mabalik sakanya yung sapatos. Hindi ko ito pwedeng tanggapin.

“e? ang haba-haba ng sinasabi ko tapos si Zydn ang hinahanap mo? Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Tapos—“ niyakap ko siya katulad ng gusto niya.

“nasaan si Zydn?” tanong ko ulit. Nasa klase na ako at kanina pa nakaalis si Andie.

“eeeh! KJ ka talaga. Sige na nga dahil nandito ka na, hindi na kita tatanungin. Ahm nasa classroom lang nila yun. Hindi yun lumalabas masyado kapag ganitong oras. Maliban nalang pag nangungulit. Puntahan natin?” tumango nalang ako at sumunod kay Ivy. Sa baba lang ng floor namin ang klase nila. Magulo at puro sila lalaki.

Yung mga lalaki akala mo ngayon lang nakakita ng babae na dumadaan sa floor nila.

“Dito sila” huminto kami sa masasabi kong pinakamagulong klase sa floor na ito. Dito pala siya. Kung sabagay halata naman sakanya. Makulit at magulo.

“Hello? Si Zydn?” tanong ni Ivy sa mga estudyante sa loob.

“Oi Zydn tawag ka ni Ivy!” pansin ko medyo kilala si Ivy ng mga lalaki at parang okay lang sakanya na pumupunta sa floor na ito. All this time, nakahawak lamang ako sa braso niya. Ayoko dito.

Humihikab na lumapit si Zydn saamin. Hindi pa niya ako napapansin dahil parang wala naman siyang ganang pumunta dito. Isa pa nasa likod lamang ako ni Ivy.

“ano nanaman?” nagulat siya ng makita niya ako. “Andrea?” halos hindi makapaniwalang tawag niya saakin.

Nilabas ko ang ibinigay niya saakin kagabi “ibabalik ko lang ito”

Hinila ko na si Ivy para umalis na. Hindi ko na kayang manatili pa sa lugar na iyon. Nandidiri ako.

“Andrea, sandali!” sinundan lang niya kami ni Ivy hanggang sa makaakyat na kami sa floor namin.

“Hindi ko alam kung bakit ang dami mong alam tungkol saakin.” Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang kaarawan ko. hindi ko alam kung bakit ang dami-dami niyang nalalaman tungkol saakin. Hindi ko alam.

“Sino ka ba talaga, Zydn?”

***

 “Bakit gusto mong makipag-usap saakin?” naiilang niyang tanong saakin. Hindi pa din siya nagbabago. Plain and simple pa din siya.

“Henessey.” Dahan dahan siyang tumingin saakin na para bang naiilang. “Hindi ko sinadyang agawin si Andie”

“why are you telling this? Andrea, I’m trying to move on. Hindi ko naman kayo ginugulo diba?”

“alam ko.” napakagat ako ng labi ko. Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa.

“mahal ka ni Andie, Andrea” nakatingin lang siya sa tea sa table naming dalawa.

“alam ko” halos binulong ko nalang sakanya ang mga ito. “kaya nga ako nakipagkita sayo ngayon” tumingin ako sa relo ko. Malapit na din ang uwian ni Andie. Maya-maya lang pupuntahan na niya ako sa school para sunduin.

“hindi kita maintindihan” maganda siya at napakainosente ng mukha niya at katulad ng mukha niya inosente din siya. Mabait siya. Walang-wala ako kumpara sakanya.

“gusto ko si Andie.” pagtatapat ko sakanya.

“bakit mo ba sinasabi saakin ang mga ito? Hindi kita maintindihan” bakas sa mukha niya ang sakit na nararamdaman niya. Mahal niya si Andie at ramdam ko iyun.

“Henessey, Hindi ko siya pwedeng mahalin. Kaya kapag nasaktan ko siya, Please, ingatan mo siya dahil hindi siya katulad ng iba. He doesn’t deserve to be treated this way.”

“A-ano? Andrea?” tumayo ako at iniwan siyang gulong-gulo ang isipan.

Gamit si Andie, makikita ng taong yun ang kasalanang ginawa niya. Makikita niyang maling-mali siya.

****

yeah. bipolar si Andrea. :p

vote and comment. sorry busy e XDDD

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!