Chapter 24

66.8K 1.2K 383

Chapter 24

Kahit pa rebelde ako at hindi matinong anak, ayoko pa ding magalit sila saakin ng sobra-sobra. Lalo na si mama. Siya lang ang pamilyang meron ako. Kahit pa ayaw ko sa papa ko, kahit pa napilitan lang siyang ibigay ang pangalan niya saakin, kahit pa itinatago niya kami, kahit pa kinalimutan niya kami ng ilang taon, mahal pa din siya ni mama at si mama lang ang tanging meron ako. Kaya sa ayaw ko man at sa gusto ko hindi pwedeng mawala ulit si papa sakanya. Baka sa pagkakataong ito, hindi na niya kayanin. Kahit pa sabihin nating naka ilang boyfriends na siya pagkatapos nila ni papa.

"sigurado ka bang hindi mo na kailangan ng sasama sayo sa loob? Yung papa mo? Mama mo? Paano kung nakita na nila yung video?" nag-aalalang tanong saakin ni Andie habang nasa loob kami ng kanyang sasakyan.

"Relax. Sigurado akong di pa nakakarating ito kay papa. Saka baka wala siya sa loob. Hopefully." I'm about to get outside his car when he brought out a certain topic.

"About last night. Saka yung nasabi ko kanina" tila hinihintay niya akong magsalita o ang magiging reaction ko sa sinabi niya.

"Andie, you said you like me and I like you as well but you have issues and I have mine too"

"Alam ko. Naisip ko lang kasi si Henessey. Nung mga araw na lagi kitang nakakasama kahit kami pa tapos kagabi yung halik kahit na ilang araw pa lang kaming nagkaroon ng closure."

"You didn't cheat on her. You never did. And there's nothing wrong with savoring a kiss." I smirked. "After all it was just a kiss. I never regret kissing you either kahit pa lasing ako. I'm glad that you were the one I kissed and not just someone"

"And one more thing Andie. Like I've said I like you----"

"Gusto din naman kita. And I think baka pag lagi kitang kasama---"

"Cut it out Andie! I'm warning you, I don't know how to love. No one thought me how."

"It's alright. I'm not pressuring you. We can both wait and take our time together. Hindi naman ibig sabihin---"

"Let's try then" I butt in before he can finish what he's saying. Tumingin ako sa mukha niya. Halata naman sakanyang nagulat siya. "Like I've said before, I want you to prove me wrong. I only want you to do that. Well, unless you're not interested. It's not like I'm pressuring you too."

Bumaba na ako sa sasakyan niya. Wala ang sasakyan ni papa kaya maaring nandyan siya, maaring wala. Pero usually kapag ilang araw siyang nasa bahay, hindi niya dinadala ang kotse niya to avoid conflicts with his legal wife.

"Andrea teka" agad siyang bumaba sa sasakyan niya para harapin ako. "yung sinabi mo?"

"sabi ko subukan natin kung gusto mo. Pero kung ayaw mo---" hinawakan niya ako sa braso ko kaya ako napatigil at saka siya sumagot bigla.

"sige"

"what?" my jaw dropped because of his sudden answer. "Andie, are you sure? I'm not like the other girls and definitely not Henessey"

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!