Chapter 42

 

“Kahit papaano pala nakakamiss si Zydn nu? Hihihi!” Sabay hampas saakin ni Ivy kaya tinignan ko siya ng masama.

“heto naman! Hindi na nabiro! Pero alam mo bagay kayo! AYIEEEE!”

“Pero sabi mo may pag-asa siya. So gusto mo ulit siya?” Nandito kami ni Ivy sa isang kainan. Sinamahan ko na siya dahil wala din naman akong gagawin.

“Hindi naman nawala ang pagtingin ko sakanya.”

“Pero nalamangan siya ng iba” sabi niya habang ngumunguya.

“kailangan ko ng umuwi”

“Hala naman! Oi joke lang yun!”

“Nandito na ang sundo ko.” Tumingin ako sa labas at nakita ko ang sasakyan ni Andie. Hindi ko alam kung bakit siya nandito ngayon. Pero nakatingin siya sa direksyon ko kaya alam kong ako ang pinunta niya dito. Heto ang paraan niya para makalimot.

Lumabas ako at pinuntahan siya.

“Akala ko hindi ka na lalabas.” Nakangiti niyang bungad saakin. Hindi ko alam kung bakit siya ganito ngayon. Hindi ko siya maintindihan. Nung isang araw sinabi lang niya saakin na galit siya. Ngayon nandito siyang nakangiti saakin.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Sinusundo ka. Uuwi na tayo.” This time, nawala na ang mga ngiti niya. Bumalik nanaman siya sa pagiging cold niya saakin.  “Si Zydn?”

“Bakit mo saakin tinatanong?” Tumingin ako sa cellphone ko na kanina pa nagvivibrate. Mga text lang naman si Zydn kaya hindi ko pinapansin. Panigurado nangungulit lang siya katulad ng madalas niyang gawin.

“Bakit hindi mo siya kasama?”

“Dahil may ginawa siya.”

Awkward ang pagbalik namin sa bahay. Walang nagsasalita pagkatapos ko siyang sagutin.

TIngin ko ganito parati ang mangyayari. Bantay sarado niya ako.

“Kung may malaman ka. Matatanggap mo na kaya ako?” Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa tanong niyang iyon.

Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot.

Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tignan.

Buti nalang biglang tumunog ang cellphone ko kaya nakaiwas ako sa tanong niya.

“Zydn.” Bungad ko. Napansin kong humigpit ang hawak ni Andie sa manibela.

(Nagtetext ako pero hindi mo ako nirereplyan. Nasaan ka?)

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!