e yung walang wenta ang UD ko TToTT. Feeling ko papangit ng papangit ang PMW XD magvite at comment kahit na alam kong di nanaman kayo magcocomment.


Chapter 44

 

 

Paulit-ulit kong nakikita ang imahe sa utak ko. Hindi ko siya maalis habang naglalakad ako. Wala na din akong pakialam sa hitsura ko ngayon kung miserable na ba akong tignan. Ang gusto ko lang matanggal na ang pangit na alaala sa utak ko. Ayoko nito.

“Sht! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo miss!”

Hindi ko pinapansin ang lahat ng nababangga ko. Naglalakad pa din ako kahit hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Kahit na hindi ko alam kung saan ako patungo.

“Ano ba! Tumingin ka nga sa daan. Bitch nito.”

Humawak ako sa ulo ko dahil sa mga naaalala ko. Ayoko nito.

“TAMA NA. please tama na…”

Humawak ako sa poste para suportahan ang sarili ko. Nanlulumo ako at nanghihina.

“Miss okay ka lang ba? May masakit ba?”

“Don’t fucking touch me!” Iwinaksi ko ang kamay ng taong nagmamalasakit saakin para tumulong. “Just please. Don’t touch me.” I plead. Nahihirapan na akong tumuloy pa dahil halos wala na akong makita sa daan. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa mga mata ko.

“Kung hindi ako nagkakamali. Ikaw si Andrea?”

Tumayo ako at naglakad papalayo sa taong nakakilala saakin. Natatakot ako.

“Andrea sandali! Tatawagan ko si Andie.”

“NO!”

“Yung kaibigan mo. Si Zydn?”

Hindi ko alam kung sino ang babaeng kumakausap saakin. Hindi ko siya kilala.

“No. No. Please No.”

“But Andrea. Hindi mabuti ang kalagayan mo. Sabihin mo nalang kung saan ang bahay mo. Samahan na kita.”

“NO!”

“Andrea.” Mala-anghel niya tawagin ang pangalan ko. Hindi ko alam kung sino ang babaeng ito ngayon. Wala din akong pakialam at balak tignan kung sino man siya. Ang gusto ko lang ay ang makalayo na para hindi na niya makita pa ang mahinang ako.

“Tatawagan ko si Zydn kung gusto mo sa bahay ka muna mag-stay. Mapapahamak ka lang kung mag-isa kang maglalakad dito ng ganitong oras. Nakainom ka pa.”

“I’m fine so just shut the fck up!” Nagulat ako nang lingunin ko siya. Hindi ko siya kaibigan at ni minsan hindi ko siya pinahalagahan.

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!