Chapter 32

 

­

“Maganda girlfriend mo a”

“ah! Ang kulit! Hindi ko nga kasi girlfriend” nasa reception kami ng kasal ng pinsan ni Zydn. Kain lang ako ng kain habang nagpapakapagod naman na magpaliwanag si Zydn sa pinsan niya.

Suot-suot ko ang green dress ng kapatid niya.

“Hindi mo ba talaga boyfriend si Zydn?” tinignan ko ang lalaking nagtatanong. Kahawig ni Zydn. Marahil pinsan din niya.

“not your business” sagot ko saka nagpatuloy sa pagkain   

 

“tss edi hindi mo nga boyfriend! Ayos!” tinabi ko ang plato ko at saka nagsalita “are you flirting with me, Zydn’s cousin?”

“haha! I like your humor”

Hindi ko siya pinansin at saka tumayo para umalis na sa lugar na iyon. Naiinis lamang ako. Bakit ba ako sumama pa?

“hey. Andrea.” Umirap ako at hindi din siya pinansin. He won’t even eat with me! I knew it. He’s disgusted. I should have not told him.

“Andrea” malumanay na ang pagtawag niya saakin. Malamang nahihiya na siya dahil madaming tao ang napatingin saamin.

Mayaman talaga sila. Lahat ng tao dito mukhang may pinag-aralan. Lahat sila mukhang edukado’t edukada. Puro mamahalin ang mga suot nila at lahat sila mga kutis mayaman.

“aalis na ako”

“where to?”

“I don’t know.”

“dapat kasi inaalagaan mo yang kasama mo Zydn. Bakit ka ba kasi nandun ka sa pinsan mo. Kay miss Singson ka nalang muna.” Hindi na ako nabigla ng pumagitna ang tita niya saamin. Kanina pa naman siya pumapagitna at halatang gusto niya ako para sa pamangkin niya. “ang girlfriend dapat inaalagaan hijo”

“Tita! Di nga kasi.”

“aalis na ako.”

“aish! Andrea sandali” sinundan lamang niya ako hanggang makalabas sa reception.

“bumalik na tayo sa loob”

“hindi mo ako kinakausap. Nandidiri ka na ba saakin?”

“hindi, saan mo naman napupulot yan? saka kinakausap naman kita a”

Sa isang hotel ginaganap ang reception ng kasal.  

“bakit ang yaman ng pamilya niyo?” tanong ko nang mapansin kong sinusundan pa din niya ako kahit na nasa labas na ako ng hotel.

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!