Chapter 5

 

 

“oi ate!” ayan nanaman siya. unti-unti na din naman akong nasasanay sa presence ni Zydn. Yung biglang pagsulpot sulpot niya.

“halaaa! Zydn! Bakit ka nanaman nandito sa room namin? Bawal kayo ditong mga lalaki!” suway ni Ivy sakanya habang papalapit ng papalapit si Zydn sa upuan ko.

“namamasyal lang naman saka isa pa wala daw mga teachers ngayon! tara alis tayo!” yaya ni Zydn saamin. Napansin kong magulo ang buhok niya at medyo gusot gusot ang uniform niya. Masyado pang maaga para magusot ng ganyan ang uniform niya.

“Anong ginawa mo?”

“hah?” yan nalang ang nasagot niya sa tanong ko

“magulo ang uniform mo. Medyo basa at magulo din ang buhok mo” Kumento ko. Napansin ko din ang pagtango ni Ivy.

“haha! Pinatakbo kasi ako sa quadrangle kanina. Late kasi ako sa flag ceremony” paliwanag niya saka niya inilagay ang kanyang mga kamay sakanyang batok. “Ano na? sasama ba kayo?” tumingin siya saakin kaya naman sumagot nalang ako ng “oo” saka ako tumingin kay Ivy ang kaso umiling siya sign na hindi siya sasama.

“o tara na” Bigla niya ako hinila patayo at agad tumakbo! Sheez! Bakit ba napakahyper ng taong ito?

“Zydn! Wait!”

Tumigil kami sa pagtakbo nung makalabas kami sa campus. Madami na din pauwi, sa totoo lang halos lahat ng mga lalaki pauwi na. Yung mga babae naman naiwan pa sa campus. Lagi naman kasing may lakad ang mga lalaki. Nagkakasundo lalo sila sa mga computer shops, at sa kung saan saan pa.

“pasalamat ka at hindi madami ang dala ko” Tumigil kami sa lugar kung saan madaming nagkalat na street foods. May fishball, yung tinatawag na kwek kwek and etc. down the line. Name it!

“so? Bakit naman dito tayo tumigil?”

“nagugutom na kasi ako ‘di pa ako nagbreakfast. Pahingi naman ng pera hahaha” bumuntong hininga nalang ako.

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!