Chapter 36

 

 

“Anak. Pwede mo ng gamitin ang apelyido ng papa mo”

“okay na?” binaling ko ang atensyon ko sa papa ko “so tinanggap mo na ako ng tuluyan?” ngumisi ako at saka nagpatuloy sa pagkain.

Ngayon nalang ulit kami nagsalo-salo sa hapagkainan. Nandito ngayon si papa para sabihin iyon. Ang sabi nila inayos na nila ang mga papeles na kelangan ayusin. Hindi siya adoption paper dahil anak naman niya talaga ako.

“Edi maayos, may mana din ako tulad ng anak mo sa asawa mo” Hindi nagsasalita si papa. Hindi ko din alam kung anong naisipan niya noong nakaraang buwan para biglang sabihing ipapagamit na niya ang apelyido niya saakin.

Isa sa naging kasunduan namin ni papa na hwag ako maging pabaya sa pag-aaral. Kasama na din nito ang pagiging matino kaya naman laking takot ko nalang noong nakuhanan kami ng video ni Andie na naghahalikan. Buong akala ko talaga malalaman niya iyon. Iyon din ang panahong hindi ko pa alam ang tungkol kay Andie.

“Pa---“

“maghanda ka, ipapakilala kita sa lahat” nagulat ako sa naging rebelasyon niya

“Aaron! Wala sa napagkasunduan natin iyon! Hwag mong sabihing ilalayo mo ang anak ko saakin?”

“kapag naipakilala ko na siya sa lahat, mananatili siya sa bahay. Hindi na siya pwede dito. Hindi pwede ang ginagawa niyang hindi pag-uwi uwi at kung saan saan napapadpad!”

Ngayon ko nalang ulit sila nakitang nagtatalo ng dahil lang saakin.

Napakagat ako ng aking labi. Kapag tumira ako doon, hindi na ako malaya. Magiging sunod-sunuran lang din ako tulad ng half-sister ko.

“Ayoko”

“Andrea!”

“kung binibigay mo ang apelyido mo kapalit ng pagiging sunod-sunuran kong anak, ayoko” inilapag ko ang kubyertos sa plato ko. Nawalan na ako ng gana.

“hindi mo yan sinabi saakin dati kaya hindi ako papayag” tuloy ko pa saka enekis ko ang mga kamay ko habang si papa naman ay kumakain pa din. Paano siya nakakain sa ganitong sitwasyon?

“ayokong iwanan si mama” hindi pa din siya nagsasalita.

Pumayag ako sa kagustuhan ni mama na sumunod kay papa pero hindi ko naman inaasahan ang gustong mangyari ni papa. Pumayag ako para kahit papaano matuwa si mama, para kahit papaano may halaga din kami kay papa. Lagi nalang niyang sinisira ang tiwala ko sakanya. Sira na nga, lalo pang sinisira.

Matagal na pumikit si papa bago siya umayos ng upo. Hindi ako nagsasalita dahil hinihintay ko ang sasabihin niya. Si mama naman ay kanina pa nananahimik. Ganito naman parati, kapag inaaway ko si papa tahimik lang si mama pero pagkaalis ni papa saka ako pagagalitan ni mama. Cycle lang naman. Nakakasawa.

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!