Chapter 8

 

 

Wedding dress.

Nakatingin ako sa babaeng nakasuot ng wedding dress ngayon. Ako ba? Magsusuot ba ako niyan? O ang dapat ko bang itanong ay kung makakapagsuot pa ba ako niyan? Sa tingin ko hindi na. Sa pananaw ko palang sa salitang ‘love’ wala na. kaya imposible.

“ang ganda niya talaga” kumento ni Ivy na katabi ko lang. Friday ngayon at may kung anong meron dito sa campus. Akala ko ordinary day lang, hindi pala.

“sana sinabihan mo akong wala palang pasok ngayon” kako kay Ivy.

“wala kasi akong number mo ate, sorry” she clasped her hands and apologized sincerely kaya hinayaan ko nalang at pinanuod ang mga nagtatanghal sa stage.

Magaling ang mga nagtatanghal, halatang praktisado naman.

“alam mo bang niligawan yan ni Zydn noon?” napatingin nalang ako kay Ivy habang nagkukwento siya sakin.

“kababata kasi namin yan”

Kung ganun, dyan pala nagpapakatanga si Zydn, kawawa naman siya.

“anong nangyari?” sa lagi niyang pagbuntot saakin, natural na alamin ko na din ang mga pwede kong malaman tungkol sakanya. syempre pati na din kay Ivy.

“hindi ko din alam. Pero nung nakaraan lang yun. Bago magpasukan. Ang alam ko nga mahal na mahal talaga ni Zydn yang si Trixie. Magulo lang kasi ate dahil bigla nalang nagsabi na hindi daw niya mahal bigla si Trixie tapos si Trixie naman ang biglang naghabol”

“That’s how ironic life is. Parang umorder lang ng double cheeseburger, large fries and then a diet coke. Pero yang bestfriend mo may pakaweirdo din talaga” lumabas muna ako sa auditorium pagkasabi ko ng mga yun kay Ivy.

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!