Chapter 16

 

 

“bakit di mo dinadala si Henessey dito?” pinapapak ko yung popcorn na hinanda niya kanina. Nakataas pa ang mga paa ko sa sofa at feeling ko bahay ko ‘to.

“sabihin na nating nirerespeto ko kasi siya”

“Lalaki ka ba talaga o bakla?” nilipat ko sa ibang channel yung pinapanuod namin. Nilagay ko sa palabas kung saan puro pambata.

“hahaha. Bakit mo naman natanong yan? Kakaiba ka din mag-isip e” nakaupo siya sa sahig at kumakain din ng popcorn. Kakatapos lang niya maligo at naamoy ko pa yung sabon at shampoo na ginamit niya. Nakasando lang din siya na puti at shorts na blue.

“wala lang. baka kasi bakla ka kaya di ako naiinis sayo”

“HAHAHAHA”

“o kaya naman babae ka talaga at nagparetoke ka lang” kinapakapa ko pa yung dibdib niya saka siya umiwas para tawanan ako.

“ano may nahawakan ka bang dibdib? Hahaha” sumubo nalang ulit ako ng popcorn at pinanuod siyang tumawa.

“wala kang dibdib, siguro flat lang talaga” saka ako umirap na lalo niyang tinawanan at dahil ayaw niyang tumigil sa kakatawa naglagay ako ng isang dangkal ng popcorn sa bibig niya.

“ayan, mabilaukan ka sana psh”

Hinintay kong ubusin niya yung popcorn na nilagay ko sa bibig niya kasi parang may sasabihin pa siya.

“haha loko to! Bakit mo ginawa yun haha” tumatawa pa din siya. Para na siyang baliw.

“baka gusto mong punuin ko ulit yang bibig mo?” pinandilatan ko siya at ayun nanahimik na siya

“pero seryoso bakit mo nga natanong? Hindi ba ako mukhang lalaki? Ahaha. Kakaiba ka din talaga mag-isip. patay na patay saakin ang mga babae tapos ikaw…”

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!