Chapter 50

 

“Okay ka lang? Kanina ka pa tulala a,” Tumigil siya sa paglalakad at saka ako hinarap sakanya. “May problema ba? May sakit ka ba?”

“Nakita ko si Andie. Pumunta siya dito.” Halos hindi ako makatingin kay Zydn habang sinasabi iyan.

“Anong sinabi niya?” Ngumiti lamang ako at saka ko siya sinagot.

“Kuya. Tawagin ko raw na kuya si Andie.. Dahil iyon ang nararapat. Iyon ang tingin ng batas. Dahil iyon ang tama.”

“Mahal mo pa rin ba siya?” Hinawi niya ang buhok ko at saka hinawakan ang parehong kamay ko. “Mahal mo pa ba?”

“Hindi ko alam. Zydn, I wasn’t expecting that from him.”

“Na nagpapatawag siyang kuya? Paano kung sabihin ko sayong paraan yan para makuha ka niya ulit? Paano kung---“

“AYOKO!” Ayokong marinig pa ang mga susunod niyang sasabihin. “Pinagtatabuyan mo na ba ako? Iniisip mo bang iiwanan kita dahil nakita kong muli si Andie? Iniisip mo bang hindi kita pinapahalagahan?”

Sa dalawang taon na kasama ko si Zydn. Hindi na ako sigurado pa kung kaibigan nalang talaga ang turing ko sakanya.

Alam kong may mali.

Alam kong may mga hindi pa rin siya nasasabi.

Tumawa lang ng bahagya si Zydn at saka niya ako niyakap nang mahigpit.

“Kailan kita tinaboy? Kailan kita pinabayaan? Kayo ni Shin? Kailan?”

Alam kong habang tinatanong niya ako ay nakangiti pa siya. Alam kong gustong-gusto niya ang naging reaksyon ko. Matigas lang ako pero hindi ako manhid para hindi ko maramdaman ang mga ito.

“Tara na nga.” Sabi niya nang may ngiti pa sa mukha at saka hinawakan ang kamay ko. Holding hands kung tawagin ng mga magkasintahan.

“tss. Saan mo ba ako ide-date?” Tanong ko sakanya.

“Ang totoo niyan hindi ko din alam. Pero nasubukan mo na ba sa mall? Sa mga quantum, tom’s world basta mga ganun?” Umiling lang ako at saka siya ngumiti nang pagkalapadlapad. Malapad pa sa noo ng lola ko. -.-

I’m still bothered pero dahil kasama ko si Zydn, feeling ko ayos lang ang lahat. Feeling ko okay naman.

Tingin ko mahirap makipag-ayos kay Andie at tingin ko tama ang sinabi ni Zydn kanina.

“Hoy. Ano? Magdadance revo ka?”

“Hah? Ayaw.”

“Dali na!” Hinila nalang ako ni Zydn bigla at saka siya nagdance revo. Hindi ko alam pero natatawa ako sa ginagawa niya.

Masayang kasama si Zydn dahil pinaparanas niya saakin ang mga bagay na hindi ko nasubukan. Mga bagay na dapat ginagawa nang isang teenager.  Mga bagay na sinubukan kong talikuran dahil sa mga nangyari saakin. Pinilit kong maging iba para makalimot. Pinilit kong sumubok nang ibang bagay para mapangatawanan ang mga sinasabi nila. Pero si Zydn lang ang hindi sumukong ibalik ang dating ako.

Hindi kami madalas na ganito ni Zydn.

Ang lagi niyang inaalala ay si Shin. Si Shin ang laging dinadahilan niya kapag dumadalaw. Si Shin pa din ang dahilan niya kapag nagbibigay ng regalo. Lahat si Shin. Ni minsan hindi niya ipinilit ang sarili niya saakin.

Oo, nagsasabi siya minsan nang nararamdaman pero sadyang magulo lang talaga ang babaeng napili niyang mahalin.

Naglalakad na kami pabalik sa bahay. May binili nanaman siyang gamit para sa anak ko. Madalas iniisip ng mga kapitbahay na anak talaga ni Zydn ang anak ko. Madalas nahuhusgahan na din siya kasama ko. Pero ni minsan hindi niya pinakita saakin na apektado siya.

Wala siyang pakialam sa kung anong sabihin ng iba sakanya.

“Bakit mo ako nagustuhan?” Napakagat ako sa labi ko nung tinanong ko siya.

“Bakit mo minahal ang katulad ko?

“Zydn---“

Hindi na niya ako pinatapos pa at saka siya sumagot.

“Katulad ng sinabi ko sayo noon, dati pa kita nagustuhan.”

“Minahal kita kasi maganda kang ngumiti. Kasi hindi mo namamalayan nakakatulong ka na. Minahal kita dahil ikaw si Dee at hanggang ngayon mahal pa rin kita dahil ikaw si Andrea.”

Hindi ko mapigilang mapangiti nang sinasabi niya ang mga iyan. Gusto kong magtanong nang magtanong. Ang dami kong gustong malaman ngayon.

“Saan mo ako unang nakita? Paano ako nakakatulong? Hindi ko maintindihan.”

“Gusto mo ba talagang ikunweto ko sayo ang lahat?” Nakangiti niyang tanong saakin.

Ngumiti lang din ako at saka sumagot ng oo.

Dahil gusto kong malaman kung sino nga ba ulit ang dating ako.

Dahil gusto kong malaman kung bakit gusto pa din ako ni Zydn.

At kung paano niya ako nagustuhan ulit kahit na iba na ako.

“Nag-umpisa yun nung……”

---end of book 1---

Sarreeh. Imam cut here! hahahahahaha

Zydn’s POV. BOOK 2! BENG BENG BENG!

Hindi ko pa alam title. Baka HOW TO PROVE nalang.

Madami pang moment ang Andreen at Zyreen. Kailangan natin ng SPARK. Nasobrahan na sa drama ang PMW e. Chemistry naman lels.

Alam ko ending nalang pero kinuripot ko pa kayo. sorry na ToT. Di ko kasi talaga genre ito. you know. pang cliche story lang ako hahahaha. Dami pa untold stories. lels.

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!