Chapter 10

 

“Andrea tara dun” bigla nalang akong hinila ni Zydn papalayo sakanila. Sumunod nalang saamin si Ivy. Kahit kailan hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Paiba-iba din siya ng kinikilos. Hinila ko nalang ang kamay ko para makawala sakanya.

“pambabastos ang ginawa mo” kalmado at natural na natural pa din ang boses ko. Hindi naman kasi ako galit sa ginawa niya.

“yung ginawa mo kanina, makikipagkaibigan ka ba o---“

“sisirain ang relasyong meron sila” napapunas siya sa mukha na kulang nalang mabura ito dahil sa naging sagot ko sa hindi natapos na tanong niya.

“Andrea naman” ewan ko kung bakit ang big deal nito sakanya. Pero bakas naman sa hitsura niyang seryoso siya kaya naman napabaling nalang ang atensyon ko kay Ivy na parang nabibigla sa mga kinikilos ng bestfriend niya.

“anong problema mo Zydn? Ilang beses ko bang uulitin na buhay ko ‘to. Wala kang pakialam sa kung anong gagawin ko. Isa pa what the heck was that?”

“Concerned lang naman ako. yun lang” mahinang tugon niya. si Ivy naman minabuting tumahimik nalang sa tabi.

Ayokong pinapakialaman ako kaya naman iniwan ko nalang sila ni Ivy at mag-isang inikot ang university. Pumasok din ako sa mismong building nila. Maganda naman ito at maluwang, ramdam din talagang may event sila dahil sa mga dekorasyon at mga booth na nagkalat. May mga bakanteng silid pero meron din namang silid na mismong ginaganapan nung ibang booth.

“Andrea, nasaan sila?” Nakatayo si Andie ngayon sa harapan ko.

“ah?”

“sabi ko nasaan sila? Bingi ka na? hahaha” sinilip ko yung mga tao sa likuran niya. wala doon ang girlfriend niya.

“yung girlfriend mo?”

“Wala na. Umuwi na.May  emergency daw. Sabi” ewan ko pero sa sinabi niyang yun parang ‘di kapanipaniwala. Parang siya kasi mismo hindi naniniwala.

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!