NO PROLOGUE

Chapter 1

 

Isang masakit na sampal nanaman ang natanggap ng kanang pisngi ko. Sampal galing sa babaeng nanggagalaiti. Sampal ng isang mala-anghel na mukha ng babae. Isang babae na hindi dapat nagpapaloko sa mga gagong lalaki, katulad ng lalaking inagaw ko.

“Kaya pala nawawalan na ng oras ang boyfriend ko! MANG-AAGAW KA!” hihilain pa sana niya ang buhok ko pero humarang na ang boyfriend niya. Ang lalaking inagaw ko.

“Sofia tama na” pathetic. Iiwanan ba niya talaga ang girlfriend niya para sakin?

“ANO? IPAGTATANGGOL MO PA YANG B*TCH NA YAN? CARL ANO BA!”

“Sofia TUMIGIL KA NA SABI E!” hinawakan niya ang girlfriend niya para pigilan ito sa muling pagsugod saakin.

“Bakit mo ba ginagawa saakin to Carl?”

“Sofia I’m breaking up with you”

Ganito parati ang eksena. Panigurado lalong magngingitngit sa galit ang babae mamaya. Pero sa hitsura niya, give up na siya. Isa siya sa mga babaeng matitino. Mga babaeng inaagawan ko. Hindi ko alam kung kelan ako nag-umpisang maging ganito. Hindi ko na matandaan. Dalawang taon na akong ganito. Psycho na nga ang tawag saakin ng mga nakakakilala saakin.

Habang nagdadrama silang dalawa sa gitna ng daan umalis na ako. Isang eskandalo nanaman ang napasukan ko. Hindi ko alam pero sa tuwing may naghihiwalay natutuwa ako. Masama na kung masama pero kung ganun ang asta nila sa isa’t-isa walang patutunguhan ang relasyon nila. Marupok ang mga lalaki at mahina ang mga babae. Parehong tanga, iyan ang tingin ko sa mga babae’t lalaki. Nabubuhay sa mundong punong-puno ng kasinungalingan.

Wala akong pakialam sa mga bulong-bulungan ng mga tao sa paligid ko ngayon. Alam kong nandidiri sila saakin. Alam kong iba ang tingin nila saakin. Alam kong masama ang tingin nila saakin. Pero wala akong pakialam! Hindi nila ako kilala at hindi ko din sila kilala. Sila ay sila at ako ay ako.

Mga matang nanlilisik sa galit, mga mukhang nandidiri saakin, mga taong awang-awa sa babae. Sanay na ako sa mga naniningkit na titig. Sanay na sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon. Sanay na ako sa malulutong na mura at masasakit na sampal at ang halos kalbuhin ka dahil galit na galit sila.

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!