PHASE 1 - tsup ^^

Magsimula sa umpisa
                                        

***

Maya maya pa’y binigay na rin nila ang gift nila para sakin.. yeheay, ito ang fav. part ko…. Hahahaha ^.^

Isa-isa nilang ibinigay sakin ang mga gifts nila hanggang sa….

tumingin kaming lahat kay Lester

“Oh Bakit?” –siya. Parang wala lang eh

“Asan yung gift mo para kay Janice?” –Jarene

“Bakit ko bibigyan ng gift yan?..... nasa kanya naman ang lahat, kayaman-yaman eh”

“Mafeeling ka! FYI hindi ko aasahang bibigyan mo ako noh,” nakakainis talaga!!!

Lokong yun….. bwisit talaga, ano yun, dumalo lang para makikain? Hindi na nahiya, kahit naman na hindi ko sinabing bigyan ako ng gift, nagbigay pa rin sana….. hmmp, kainis siya T_T

Keribells….. pake ko kung walang gift mula sa kanya, happy na ako sa mga gift nina Maxie. At wala naman talaga akong aasahan sa kanya .

On second thought… wala nga ba?

WALA!! I’m sure of that!

Nagkwentuhan pa kami, tawanan dito, tawanan doon.. haha, ang saya ng b-day ko…. Maya-maya’y napansin ko na lng na tumayo tong si Lester, saan naman kaya to pupunta? Hmmp keribells…. Wala akong pakialam >.<

Lester’s POV

Birthday niya ngayon at inaasahan kong hindi nya ako iimbitahan. Sa sukdulan ba naman ng pagkasuklam niya sakin, iinvite pa ako?....... pero kahit ganun, pupunta pa rin ako syempre, magkakasakit ako pag nag liban ng isang araw sa pang-aasar sa kanya. ^_^

Ano ba ang babaeng to, napakaburara!!! Ang cellphone nasa sofa pati ung PSP na kulay blue. Tsk. Favorite siguro siya ng mga akyat bahay gang…. nilibot ko ang mata ko, all in all maayos naman talaga, yun lang cellphone niya at PSP na matiwasay na nakahiga sa sofa >.< siguro yun lang ang mga kinakalikot nya pag mag-isa sya……. Nakapa-ordinary nya na ewan……

Napansin ko yung cp nya, ang casing kulay blue. I guess blue ang favorite nitong kulay, bakit kaya hindi pink? Para mas bagay, dba? Tinop ko yung screen, halla hindi pa naka lock, wala rin atang code…… tsk…. Napansin ko yung wallpaper niya, ang cute niya sa picture na to ^.^ naka peace sign na todo ang smile… I wonder kung ganito lang siguro palagi ang mukha niya, siguro ang dami ng nainlove…… bakit kaya wala pang bf ang loka? Tinanong ko yan kay Maxie, tama nga ang hinala ko, alang naglalakas loob na manligaw sa kanya, most daw naiintimidate sa kanya…. Kilos pa lang kasi kita na, sa bunganga pa lang turn off ka na… hahaha, buti naman para magtandang dalaga, hihihi… evil smile…..

Siguro madami siyang pictures na ganito ang pose… ganun naman ang mga babae diba? Mahilig magpacute sa pictures…. :P….. ang dami niyang folders, wow huh,,, siguro kapag mawala ang cellphone nito, mababaliw siya…. Baka pa pagpiestahan ang nga pictures niya….. karamihan mga pics nila ni Maxie, bestfriends nga talaga, may mga pics din na kuha nung hayskul…… at sa last may napansin akong folder entitled: “Funny me:P” syempre inopen ko agad, isa-isang nag pop up yung mga pics. In a thumbnail form. Inisa-isa ko rin… grabeh kung mag-isa lng siguro ako, mangiyak-iyak na ako sa kakatawa…. May ganitong side din pala siya ://>,…. Pero all in all ang cute, ewan ko ba pero parang gusto kong ibluetooth, hahaha, hindi naman niya malalaman eh, ako pah ^^ nakakatawa ung Dora version nya nung bata siya, haha, kakaiba rin kung mag evolve ang mukha ng babaeng to. Ewan ko ba pero parang gusto kong gawing wallpaper. Haha. Para kapag ioopen ko ang cp ko may tatawanan ako….

At para rin inisin siya, iniba ko rin ang wallpaper nya…

.

.

Messing Up with Mr. AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon