"Ang taong mapagkunwari, magulo ang pakiwari. Buhay ay tataningan, ihahanda ang hukbong sandatahan."


"Guys, dinudugo ako. Masyadong malalim. Tissue please!" Biro ni Divine.


"Ano iyan? Taong hindi kayang magpakatotoo?" Turan ni Jerwel.


"Isa siguro iyang manloloko. Dapat lang sa kaniyang mamatay." Giit ni Thirdy.


"Huwag kang ganiyan! Baka nagsisisi na iyan sa mga nagawa niyang kasalanan." Paliwanag ko.


Sa gitna ng aming pagpapahayag ng aming kuro-kuro, biglang nagliwanag muli ang aklat at ito'y lumipat sa ibang pahina.


Mga tao'y niloloko,

Sa pagsasabi ng hindi totoo.

Masyadong abusado,

Kilos ng bawat isa'y sa kaniya'y gisado.


Hakbang dito,

Hakbang doon.

Sa kaniyang pagparito,

Gamit niya'y nakasuson.


Humayo't magpakarami,

Mag-anak ay dumadami.

Dahil sa maling katuruan,

Maraming naliligaw ng daan.


Akala mo'y malinis,

Iyon pala'y sadyang nagmamalinis.

Tuktok na makinis,

Nahapyawan ng buno't walis.


Huwag susubo,

Kung hindi kayang lunukin ng buo.

Maghinay-hinay lang,

Baka pulutin ka sa parang.


"Seriously guys? Naiisip niyo ba ang naiisip ko? Haha!" Bungad ni Divine humahalakhak sa pagtawa.


"Hoy Dibina! Kababae mong tao huwag kang ano! Haha!" Biro ni Jerwel.


"Grabe, hindi ko kinaya ang pag-iisip mo Divine. Iyon talaga unang pumasok sa isip mo 'no? Haha!" Panunuya ko.


"Ayokong isipin ang mga iniisip niyo. Ayokong magkasala." Giit ni Thirdy.


"Ehen, huwag ka nang magmalinis tsong! Haha!" Pambubuska ni Jerwel sabay tapik sa braso ni Thirdy.


"Hay, ewan ko sa inyo haha!"


"Pilit talagang ginugulo ng ABaKaDa yung mga utak natin. Tuyo na nga utak ko sa kakaisip." Pahayag ko sabay silid ng libro sa loob ng aking bag.


"Asus, may utak ka pa pala sa lagay na iyan? Haha!" Pang-aalaska ni Jerwel.


"Huwag ka nga! Malamang may utak ako 'no!" Giit ko.


"Naku, kapag dumaan siguro yung zombie, lalagpasan ka lang. Haha!" Dugtong naman ni Thirdy.


"Bakit naman nila ako lalagpasan? Wala ba akong ka-poist-poist?" Ani ko.


"Hindi sa ganun. Wala ka kasing utak! Haha!" Turan ni Thirdy.


"Wala silang mapapala sayo haha! Congratulations!" Pambubuska nung dalawang bugok at nag-apir pa.


"Divine! Ipagtanggol mo naman ako!" Pagpapaawa ko.


"Labas ako diyan. Kaya mo na iyan. Haha!" Anito habang paimpit pang tumatawa.


"Hay naku, imbes na iyan ang pag-usapan natin, ang misteryo muna sa ABaKaDa ang ating lutasin." Giit ko sabay irap sa kanilang tatlo.


"Opo, madam!" Pagsang-ayon nilang tatlo.


Sino nga kaya ang sunod na mabibiktima nito? Sana naman, magtagumpay kami para iligtas siya.


"Tara na sa loob ng simbahan. Baka abutan pa tayo ng ulan dito sa labas. Makulimlim na oh." Turan ni Thirdy.


Kung natalo kami sa una, kailangan naming bumangon at bumawi ngayon. Kaya namin ito!

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now