Tama si Damian, hindi lang responsibilidad ng Alpha ang bagay na ito kundi ng buong pack niya. Kung mawalan man ng kontrol ang kanilang Luna ay sila na mismo ang pipigil dito nang samasama dahil iisang pack sila.
"Pwede maisilong saglit?" Napalingon si Damian at Calix nang makita nila si Mainard na papalapit sa gazebo at mukhang pagod na pagod na. Kanina pa kasi sila nag tetraining ni Elara at ngayon tanghali ay medyo sumisikat na ang araw dahilan para manlambot siya at kailanganin magpahinga.
"Tsk," sumagitsit si Damian, hindi niya pa rin gusto si Mainard at malaki ang galit niya sa mga bampira kaya ganito siya umasta pero si Calix naman ay naiintriga sa kung pano namumuhay ang isang bampira kasama ng isang pack ng mga lobo.
"Pwede magtanong?" Lumalaki ang kuryosidad ni Calix at alam ni Damian na matagal tagal na usapan ang mangyayari sa kay Calix at Mainard kaya tumayo na siya at naglakad papunta kay Elara.
"Maiwan ko muna kayo, puntahan ko lang ang Luna ko sagot ni Damian at iniwan na si Calix na panay ang tanong kay Mainard.
Naglakad si Damian papunta kay Elara at hindi pa siya ganong nakakalapit ay naamoy niya na ang malakas na pheromones nito. Napatakip sa kaniyang ilong at bibig si Damian, ramdam niya ang panlalambot ng kaniyang mga tuhod kaya napahakbang siya papalayo kay Elara.
Iniisip na kung lumapit pa siya ng apat na hakbang ay baka hindi niya na mapigilan ang sarili niya na dambain at angkinin si Elara dito mismo sa training ground.
"Damian! Medyo mapanganib lumayo ka ng unti," utos ni Beta Emmanuel at doon na pansin ni Damian na walang ljmalapit kay Elara. Kaya pala si Mainard lang ang kalaban nito simula pa kanina dahil walang makalapit na he-wolf sa kaniya dahil lahat sila ang magiging intoxicated kung lalapitan nila si Elara.
"Anong nangyayari? Bakit ang lakas ng pheromone niya? Bakit ngayon? In heat ba siya?" Tanong ni Damian dahil hindi niya alam kung nagiging in heat ba si Elara lalo na't hindi pa naman nagigising ang wolf nito.
"Nasa eighty percent na ang lakas niya, unti na lang ay lalabas na ang wolf niya o kung markahan mo siya ngayon ay pwede na magising ang wolf niya. Isa sa mga sign na magiging ganap na siyang lycan ay ang pagiging in heat niya, pero para sa kaalaman mo, sobrang mapanganib ang mga Lerian kapag in heat kami," sagot ni Emmanuel sabay hawak sa kaniyang noo dahil hindi niya maiwasan na mahiya dahil naranasan niya rin ito nung kinokontrol niya ang kapangyarihan niya.
Napalunok si Damian nang marinig ito sabay tanong ng "gano kapanganib?"
"'Yung fated mate ko noon ay hindi nakatayo ng isang linggo nung nag mate kaming dalawa, ewan ko lang kung makakayanan mo ba." Nang marinig ni Damian ang bagay na iyon ay lalo siyang kinabahan pero may part sa kaniya na hindi maiwasan ma excite. Kung hindi siya makakalakad ng isang linggo dahil sa sarap ay hindi na siya talo.
"Alam mo, imbes na kabahan ka mukhang excited ka pa. Tandaan mo bawal mo siyang mabuntis," paalala ni Emmanuel dahil mahihirapan sila kontrolin si Elara kung magbubuntis ito.
Biglang napasimangot si Damian, nang hihinayang na hindi niya magagawa ang lahat ng gusto niya dahil kilangan nilang pigilan ang isa't isa.
"Umiinum ako ng contraceptive drugs, tingin mo ayos lang 'yun?" Tanong ni Damian at napatingin sa kaniya si Emmanuel na parang nagulat at hindi makapaniwala.
"Alam mo ba ang pwede gawin sa'yo ng drugs na 'yan?" Tanong ni Emmanuel at tumango naman si Damian.
"Oo, alam ko at wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin basta maprotektahan lang siya, kaya wag ka mag-alala beta Emmanuel, hindi ka pa magkakaapo hanggat hindi ko namamarkahan ang Luna ko," sagot ni Damian at sinubukan na kontrolin ang sarili niya para makalapit kay Elara.
Paghakbang niya pa lang papalapit at naamoy ang nakakaakit na pheromone ni Elara ay agad na nag init ang buong katawan niya, bumilis ang tibok ng kaniyang puso at lumalim ang kaniyang paghinga. Nagsisimula na rin umikot ang kaniyang isipan, parang nilalamon ang pagnanasa na hawakan at habkan ang kaniyang Luna pero pinigilan ito ni Damian dahil kailangan niyang alalayan si Elara.
"Elara, kaya mo bang tumayo?" Tanong ni Damian at patingin pa lamang sa kaniya ni Elara ay kitang-kita niya na ang lust sa mga mata nito.
"Damian, umiinit ang katawan ko na parang nagbabagang apoy. Hindi ako makahinga, natatakot ako," sagot ni Elara sa pagitan nang paghahabol niya sa kaniyang bawat hininga.
"Natatakot na rin sila sa'yo hahaha, kaya pala si Mainard na lang ang nakakalapit sa'yo kasi in heat ka ag sobrang lakas ng pheromones mo," sagot ni Damian at inalalayan na makatayo si Elara, paghawak niya pa lamang sa kamay ng kaniyang Luna ay dumaloy na ang kuryente sa katawan niya na para bang nagbibigay sa kaniya ng kakaibang init at uhaw sa katawan.
Pero pinilit ni Damian na akayin si Elara pabalik ng kwarto para doon makapagpahinga at maginhawaan. Hindi niya pwede ipakita sa ibang he-wolf ang kalagayan ng Luna niya dahil baka mawala lang din sila sa kontrol at mag-away-away pa.
"In heat siya no?" Tanong naman ni Mainard habang tinitignan si Damian na akayin si Elara papasok ng pack house.
"Sino?" Tanong naman ni Calix at doon lang na amoy ni Calix ang matamis na scent ni Elara na humahalo sa hangin. Napatakip ng ilong si Calix at tumango kay Mainard.
"Oo in heat nga ang Luna. Delikado 'to," sagot ni Calix at napatingin naman si Mainard sa iba pang he wolf na nag tetraining. Lahat sila ay iniiwasan ang pwesto ni Elara kanina ay bumalik na sa pag eensayo.
"Hahaha kaya pala walang may balak pumalit sa akin kanina, buti na lang at hindi tumatalab sa amin ang pheromone niyo," sagot ni Mainard dahil mukhang nakakatakot iyon, ayaw niyang maadik at makulonh sa tawag ng kaniyang laman lalo na't loyal siya sa kaniyang minamahal.
"Pabigat lang samin mga lycan at werewolves ang cycle na 'yan. Pero hindi namin maiiwasan dahil iyon ang calling namin para magparami," sagot ni Calix, instinct pa rin nila ang mating dahil mga lycan sila at hindi isang mortal.
Iyon din ang naisip ni Damian ngayon, kung sumakto lang sana na complete na nila ang mission nila na makontrol ni Elara ang wolf niya ay kaya niyang maging all out sa mating cycle ni Elara ngayon pero dahil hindi pwede ay magiging pabigat ito sa kaniya, parang isang parusa.
Napakagat si Damian sa kaniyang bibih nang makita niya si Elara na nakahiga sa kama at nakatitig sa kaniya ng may pagnanasa. Pinagmamasdan niya ang dibdib nito na tumataas at bumababa dahil sa malalim niyang paghinga, ang pawisan nitong balat at ang mga mata nitong naluluha na dahil sa pagnanasa at uhaw sa kaniya.
"Elara, you're really testing my patience," sagot ni Damian habang nakatitig sa kaniyang Luna, hindi niya maalis ang tingin niya kay Elara.
"Pakiramdam ko ay kailangan kitang dalhin sa isang lugar na tayong dalawa kang, delikado kung maamoy nilang lahat ang pheromone mo," sagot ni Damian, pinipilit na mag-isip pa rin ng tuwid kahit na unti-unti na siyang nababaliw habang tumatagal siya sa gabi ni Elara.
"Hindi ka pwede rito, tara at kailangan natin umalis sa pack house."
TO BE CONTINUED
AN: Guys ang next chapter ay R18 at hindi siya suitable sa mga minor na magbabasa. Kindly skip the next chap at maging responsable sa inyong pagbabasa.
YOU ARE READING
Revenge of a Rejected
WerewolfEMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung ni reject mo ang fated mate mo para sumama sa chosen mate mo? Ngunit nagkamali ka dahil ang chosen ma...
CHAPTER: 94
Start from the beginning
