Epilogue

6 0 0
                                    

KOH: EPILOGUE

MAR LORENCE ATIENZA POV

"Pres, I just want to ask you if na bigay muna ba sa head ang isang event proposal?" Napatigil ako sa pagbasa sa research paper namin dahil sa tanong ni Amira.

"Mamaya," sagot ko.

Tumango siya bago umalis na. Nanatili akong nagbabasa nang natapos ako ay kinuha ko sa isang drawer ang proposal paper bago na umalis sa office.

Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ay napatigil ako ng makita ang isang babaeng nakasuot ng hoodie jacket na tumatakbo papunta sa gawi ko.

Nanlaki ang mata ko at tumabi pero sakto ring tumakbo siya sa gilid kung nasaan ako hanggang sa bigla nalang niya ako nabangga at nagkalat ang mga papel na hawak ko sa sahig.

Yumuko ako at pinulot ang mga gamit ko, tinulungan naman niya ako kahit na halatang nagmamadali siya.

"Hay naman!" Napatigil ako dahil sa inis na singhal niya sa 'kin. Dali dali niyang binigay ang mga papel kong nahulog bago siya tumakbo paalis.

Napakunot ang nuo ko sa inasta niya. Bakit parang siya pa 'yong galit? Ako ba ang bumangga?

Napailing na lang ako at inayos ang pagkasunod sunod ng mga papel. Napatigil ako ng makita ang isang nakabuklat patalikod na sketchpad. Pinulot ko ito at sinara. Hindi ko alam ang ginagawa ko pero sinundan at hinanap ko ang babae pero hindi ko siya natagpuan kahit saan.

Kaya dumiretso ako sa principal office at nilapag doon ang proposal paper. Hindi naman ako ang nakaisip ng event, ang mga ibang officer ang nagplano ng lahat ng iyan. As a president sa palagay ko maganda naman ang naisip nila. Nilinis ko na lang ang iba na kung saan may makikita akong butas bago sinubmit.

Nagpaalam na ako at umalis na ako roon. Late ako umuuwi sa bahay, wala namang naghihintay o maghahanap sa 'kin kahit na hindi pa ako umuwi.

Tatlong araw ang nakakaraan hindi ko na rin napapansin ang babaeng nakabangaan ko. Na curious ako bigla sa kung anong laman ng sketchpad niya.

Kahit na alam kong bawal pakialaman ang mga bagay na hindi sa 'yo ay binuksan ko pa rin ito para makita ang mga drinawing niya.

I saw random faces, napatigil ako ng makita ang mukha ko. Ito 'yong araw na nagpapahangin ako dahil napagalitan ang team namin dahil sa palpak na plan na binigay namin.

Sa next page ay ito ang araw na gusto ko lang mapag-isa. And the rest mga mukha ko na ang nando'n.

Ano 'to? What if death note niya ito?

"Ay stethoscope!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng makarinig ng pagkabasag. Agad akong tumakbo at nagtago sa malapit na puno bago siya sinilip.

Nakita ko pa ang taranta sa mukha niya bago siya tumakbo at iniwan ang vase na nabasag niya.

She's the girl. 'Yong babaeng bumangga sa 'kin.

I smirked. Let me scare you.

Napatigil ako ng mapansin ang sarili sa labas ng room nila. Kung bakit ko nalaman kung nasaan ang classroom niya ay hindi ko rin alam. I just investigate at bigla ko na lang nalaman.

I am childish? Bakit ko siya aasarin dahil lang sa vase na nabasag niya?

But I want to see her reaction.

And she didn't dissapoint me. Na satisfy ako sa emosyon na pinakita niya sa 'kin. I really don't know kung bakit palagi ko siyang inaasar at natutuwa ako sa tuwing nagtatagumpay ako.

Hinatid ko siya sa bahay nila, nagtaka ako kung bakit sa ibang bahay ko siya inihatid but I still chose to be silent. Pinark ko sa medyo kalayuan ang kotse ko at nagtungo sa tindahan na katapat ng bahay nila.

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now