Chapter 12 - New Feelings

10 1 0
                                    

KOH: CHAPTER 12

KAREN POV

Agad kong sinundan si Marlo ng umalis siya pero bago 'yon huminto muna ako sa gilid ni Terrious para silipin ang pininta niya. Nanlaki ang mata ko ng makita kung ano ang ipininta niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan niya bakit niya iyon ginuhit pero napahanga ako habang nakatingin doon. Parang totoo talaga. Ang ganda ng pagka mix niya ng kulay, lalo na at alam niya kung saan ang magandang angle.

Huminto siya ng mapansin ako, dahan dahan siyang lumingon sa 'kin. Ibinaba niya ang brush na hawak, nakipaglabanan ako sa tingin niya pero ako rin ang unang umiwas.

"Bakit iyan 'yong napili mong ipinta?" Hindi ko mapigilang tanong sa kaniya.

"May nag-utos lang," simpleng sagot niya.

"Sino naman?" takang tanong ko. Sino naman ang nag-utos sa kaniyang ipinta iyan?

"Bawal sabihin. Ikaw ba? Kapag naging fashion designer ka soon. Tapos may nagtanong sino ang nagpagawa ng gown na 'yan, sasabihin mo ba?" Pa'no naman niya nalaman na iyan ang pangarap ko?

"Hindi pwedeng sabihin ang information ng client," sagot ko.

"Iyan din ang sagot ko."

Malamig ang mga sagot niya pero hindi naman siya galit. Mukhang normal na emosyon lang niya ito. Masyadong masungit ang mukha niya pero hindi naman masyadong nakakatakot ang boses niya, nakakaakit siguro, oo.

"May nakita ka bang mali sa pininta ko?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko aakalain na manghihingi siya sa 'kin ng feedback.

Kibit balikat lang ang isinagot ko sa kaniya. "Maganda ang kulay, saka alam mo kung saang angle ka dapat mag pinta. Nafefeel ko rin ang emotion ng pinta mo. Wala akong nakikitang mali. Sa lahat ng nakita ko, hindi ko mapigilan ang humanga sa mga gawa mo." Tumango naman siya. Hindi ko alam kung nagustuhan ba niya ang sinabi ko sa kaniya, hindi inaasahan, o talagang alam na niya kung ano ang talent niya. "Magandang talento 'to, hobby mo lang ba? Ayaw mong gawing business? Or anything?"

Umiling siya at tumingin sa pininta niya. "Marami akong talento." Ang tuno ng boses niya ay hindi nagyayabang, parang normal lang sa kaniya na sabihin iyon. "Pero ang pagiging marunong ko lang sa math ang pinursue ko."

"Anong trabaho mo?"

"Professor at Engineer," sagot niya.

"Alam mo bang akala ko snob ka," tawa kong pag-amin sa kaniya.

"Totoo naman."

"Hindi kaya. Para ngang may maganda kang ugali na nagtatago sa kaloob looban mo. Ayaw mo lang ipakita sa ibang tao."

"Kinakausap lang kita na hindi sinusungitan dahil kinausap niya ako."

"Nino?"

Tahimik lang siya at tinapos ang pininta niya. Ayaw sagutin ang tanong ko. Sino naman kaya ang nag-utos sa kaniyang ipinta ako?

Nakaupo ako sa buhangin, maganda ang pagkapinta niya sa katawan at swimsuit na suot ko. Halos nakatalikod ako sa pinta niya, habang nakaharap sa papalubog na araw. Ang pagpinta niya sa niyog, ang asul na dagat, ang mapayapang kalangitan lalo na ang paglubog ng araw. Kung may pera lang ako, gusto kong bilhin ang gawa niya.

"Hala! Si Marlo pala." 'Yong gummy ko! "Alis na ako, Terrious o? Kuya Terrious?" Tumakbo na ako papasok sa loob, saka ko lang naalala si Marlo na umalis pala ito kanina... dala ang gummy ko!

Kumatok muna ako sa silid ni Marlo ngunit walang bumubukas, naka-lock din ang pinto. Wala akong choice kun'di ang bumalik sa k'warto ko. Umupo ako sa dulo ng kama. Napatingin ako sa balkonahe ng humangin ng malakas.

Tumayo ako at lumabas ng makitang nando'n si Marlo. Nakatayo roon habang nakatingin sa dagat. Nakikita ko mula rito si Terrious. Ngunit para na lang itong langgam sa sobrang liit dahil sa malayo siya banda rito. Kaya nang may lumapit na isang lalaki sa kaniya ay hindi ko iyon mamukaan. Lalo na nang kinuha niya ang pininta ni Terrious. Alam ko namang hindi niya iyon ninakaw dahil walang reklamo lang naman si Terrious. Nakapamulsa lang siyang naglakad paalis.

Bigla akong nakaramdam ng pagkabigo ng mapagtantong hindi pala si Marlo ang nagpapinta sa 'kin kay Terrious. Akala ko pa naman siya.

Pero kung hindi siya, sino naman? Wala naman akong masyadong kakilala. Siya lang naman.

"'Yong gummy ko." Pagbasag ko sa katahimikan.

"Naiinis ako." Natigilan ako sa sinabi niya.

"Bakit ka naman naiinis?"

"Hindi ko alam!" Bahagya pa akong napatalon sa gulat ng bigla siyang sumigaw. "Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Gusto kong ibalibag 'yong lalaking kausap mo kanina."

"Tayka! Tayka!" Pagpatigil ko sa kaniya ng mapansin ang galit sa mga mata niya. "Ano bang nangyayari? May nagawa ba ako? Galit ka ba?"

Nag-iwas naman siya ng tingin. Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. Nakatingin lang siya sa dagat, habang ako at nakatingin sa kaniya. Nag-alala sa mga kinikilos niya. Nag-alala rin ako sa magiging kalagayan ko kung sakali mang nagalit ko siya. Baka palayasin ako sa bahay niya, patay talaga ako nito.

"Gutom ka ba? Magluluto ako," pagsira ko sa katahimikan. Doon naman siya napabaling sa 'kin.

"Nasa table 'yong gummy mo," malumanay na sabi niya hindi sinagot ang sinabi ko.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Thank you, Doc!" Masigla kong sigaw sa kaniya at tumakbo papasok ulit sa loob. Nakita ko ang isang pack ng gummy sa mesa. Agad ko itong kinuha at kumain.

"Sa labas tayo kakain mamayang dinner." Tumango ako habang ngumunguya. Baka kapag nagsalita ako papagalitan pa ako.

Hindi na kaya siya galit?

Sana naman hindi na. Hindi naman sa natatakot ako tuwing nagagalit siya. May nararamdaman lang akong kakaibang emosyon. Ayaw ko siyang nakikitang nagagalit lalo na sa 'kin, ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.

"Ayaw mo ba sa kausap ko kanina?" Hindi ko mapigilang tanong. Napatigil siya at tumingin sa 'kin.

"Hindi naman sa ayaw ko. Hindi ko rin alam. Bago lang sa 'kin 'tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano 'yong tawag, hindi ko rin alam kung bakit ko ito nararamdaman."

"Galit ka ba?"

Ngumiti siya sa 'kin at umiling. "Hindi ako galit."

Mabuti naman at hindi siya galit. "Para kasing galit ka. Papalayasin mo na ba ako sa inyo?"

Kumunut ang nuo niya sa tanong ko. Bago siya tumawa, ramdam ko ang pagpisil niya sa pisnge ko. Sinuklay niya ang buhok ko. "Bakit naman kita papalayasin? Nasanay na ako sa presinsya mo. Hindi ko na yata kayang mawala ka sa paningin ko."

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now