Chapter 20 - Blessing

6 0 0
                                    

KOH: CHAPTER 20

KAREN POV

Pinanlakihan ko ng mata si Marlo ng ilang beses na niyang sinubukan na hawakan ang kamay ko. Jusko! Nasa school kasi kami. Pero sa huli ay nahawakan niya rin at ayaw ng bitawan. Wala na rin akong nagawa kun'di ang hayaan siya.

"Pres na pass mo na ba 'yong proposal?" Agad kong naitulak si Marlo ng wala sa oras ng biglang lumitaw sa harapan namin si Amira. "Ayos ka lang?" gulat niyang tanong ng makitang muntik ng matumba si Marlo.

"Yes, I'm fine." Tumayo ito ng pormal. "Na-pass ko na," sagot nito.

"Okay," mahabang sagot niya. Bago umalis na harapan namin.

Sinamaan ko ng tingin si Marlo ng sinubukan na naman niyang hawakan ang kamay ko. Ngunit nahuli niya ulit ito. Pinanlakihan ko siya ng mata para sabihing, bumitaw siya. Ngunit mas lalo lang itong humigpit.

"Karen... O my god!" Agad napatakip si Grace sa bibig niya ng matumba si Marlo. Napakagat labi ako at nag-iwas ng tingin. Kasalanan naman niya kasi e. "Ayos ka lang pres?"

"I think I'm not," humaba ang nguso niya. Pinagpagan niya ang naduming damit ng makatayo siya.

"Sorry." I mouthed.

"It's fine," bulong niya.

"Ba't mo tinulak?" pasinghal na bulong sa 'kin ni Grace. "Pero seryoso, kayo na ba?"

"Ha? Kami? Sino? Ha ha. Wala ha." Umuna na ako ng lakad pero agad ding napabalik sa p'westo ng hilahin ni Grace ang dulo ng buhok ko.

"Nakita ko 'yong paghawak kamay niyo. Ano 'yon trip lang?" Bwesit!

"Kumati kasi kamay ko, kinamot lang niya."

Tumaas lalo ang kilay niya dahil sa naging sagot ko. Pero napatigil din ako ng hawakan ni Marlo ang kamay ko. "What? Bitaw," bulong ko.

"Ayaw mo ba?"

"Hindi sa gano'n pero nasa school tayo."

"Kinakahiya mo 'ko? G'wapo naman ako ah." Pinigilan kong matawa sa pagmamaktol ni Marlo ng makitang seryoso ang mukha niya.

Binitawan niya ang kamay ko bago siya nag-excuse kay Grace at iniwan ako rito. Nagulat ako sa ginawa niya, bakit ba siya umaakto ng gano'n? Parang bata.

Kahit no'ng uwian ay tahimik lang kami buong byahe. Sinusubukan ko siyang kausapin pero hindi siya sumasagot. Sign na talagang nagtatampo siya.

"Ano bang problema?" Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya ng makapasok kami sa loob ng bahay.

"Sinagot mo lang ba ako dahil kay Kate?" Napatigil ako sa tanong niya.

"Pinagsasabi mo?" hindi ko mapigilan ang inis ko sa kaniya.

"Natatakot ka ba na baka magkagusto ako kay Kate? Natatakot ka ba na baka maagaw niya ako sa 'yo kaya sinagot mo ako agad agad?"

"Pinagdududahan mo 'yong pagmamahal ko sa 'yo?"

"Hindi naman sa gano'n." Sinubukan niyang lumapit ngunit umatras lang ako.

Inis akong nagbuga ng hangin. Napailing ako habang nakatingin sa kaniya bago siya tinalikuran. "Matagal na kitang gustong sagutin, hindi ko lang alam kung pa'no. Oo nagseselos ako kay Kate, pero hindi ako natatakot. Mawala man sa 'kin ang tao, hindi ko kasalanan, wala akong kasalanan. Hindi dahil may pagkukulang ako, o hindi dahil matagal kitang sinagot. Dahil desisyon iyon ng taong 'yon. Tama man o mali, pagsisihan man niya o hindi. Desisyon niya pa rin 'yon. Desisyon niyang umalis, talikuran at iwan ako. Hindi dahil kasalanan o may pagkukulang ako. Ewan ko Marlo, isipin mo ang gusto mong isipin." Umalis na ako.

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now