Chapter 18 - Christmas

7 0 0
                                    

KOH: CHAPTER 18

KAREN POV

Ilang buwan na ba ang nakakaraan simula no'ng tumira ako kina Marlo, ilang buwan na ang nakakaraan simula no'ng niligtas ako ni Marlo sa kamay ng mga bruha kong pamilya?

Naging busy kaming dalawa sa midterm exam. Wala ng oras para mag-usap tungkol sa nangyaring pag-amin niya. Hindi ko rin alam kung bakit iniiwasan ko siya.

Nang matapos ang midterm exam ay doon na kami pareho nagkaroon ng maluwag-luwag na schedule. Nagtataka na rin ako kung bakit hindi na dumadalaw si Echo rito. Ayos lang kaya siya?

Gusto ko ring tawagan si Mama, pero hindi ko alam kung ano ang number niya. Hindi naman siya mahilig sa social media kaya hindi ko mahahanap ang account niya kahit saan. Kumusta na kaya siya sa Japan? Maayos lang kaya siya? Gusto ko na siyang umuwi.

"Lalabas ako Karen, sa may Mall lang ako. Makikipagkita kay Titus, may pag-uusapan lang." Napatigil ako sa pagbaba mula sa hagdan ng makita ko siya sa may dulo nakatayo habang nakatingin sa 'kin.

Talaga ngang may lakad siya dahil bihis na bihis. Pero simple lang naman, sa bahay kasi mas more on t-shirt at short o 'di kaya'y pajama. Pero ngayon naka jeans siya at pink t-shirt, nakasuot ng black na may blue na rubber shoes.

Ito rin ang ikinatataka ko sa kaniya. Hindi naman ako nagtatanong pero sa tuwing nawawala siya sa paningin ko alam ko na kung saan siya pumupunta dahil bago siya umalis, sinasabi niya sa 'kin. Kahit hindi ko naman hinihingi ang update niya.

"Sige, ingat ka." Tumango ako sa kaniya.

"Gusto mo sumama?"

"Pwede?" Agad kong natakpan ang bibig ko ng masabi iyon. "'Wag na pala."

"Ayos lang. Magbihis ka na, aalis tayo mamaya."

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at naghanap ng maisusuot. Nakasimpleng jeans at hoodie black jacket at suot ang black rubber shoes. Ilang saglit lang ay umalis na rin kami at pumunta sa mall.

"'Wag ka d'yan sa likod ko." Napaigtad ako ng hawakan niya ako likod at pinatabi sa kaniya. Pero ng mapansin niyang nag-iba ang pagtayo ko ay agad siyang bumitaw. "Sorry."

"I'm bored. Ang tagal mo." Pinigilan ko ang sariling mapanganga ng makita ang lalaking nakaupo rito sa may bench, kumakain ng ice cream.

May libro sa hita nito. Nakasuot ng jeans at rubber shoes. White t-shirt naman ang suot niya pang-itaas. Hindi ko mapigilan ang mapahanga ng makita ng buo ang itsura niya. Napakamapayapa ng mukha niya, ang kilay at mata niyang nakakaakit. Ang manipis niyang labi. Ang sobrang tangos niyang ilong. Hindi pa iyon! Nang tumayo siya ay magkasing tangkad pa sila ni Marlo. Mukha tuloy akong duwende.

"Ang gwapo," bulong ko sa sarili.

"Mas gwapo ako sa kaniya." Agad akong napabaling kay Marlo dahil sa sinabi niya.

"Just accept the fact na mas g'wapo ang mga Zafueta sa mga Atienza," halata sa mukha niya ang mapagbiro habang nakatingin kay Marlo.

"'Wag kang feeling, k'wento ko 'to kaya mas g'wapo ako." Umangat lang ang labi nito at napailing sa narinig kay Marlo.

Pinagtitinginan kami habang nililibot ang buong mall. Let me correct it, pinagtitinginan ang dalawang lalaki sa tabi ko. Simple lang ang suot pero sumisigaw ang kagwapuhan.

Tahimik lang ako sa gilid nila. Hindi ko alam kung saan ba sila patungo, hindi na ako nagtanong pa, kahiya naman.

Agad akong napagilid ng may dalawang babaeng magkaibigan ang dumaan sa gilid ko. Panay pa ang sulyap nila sa dalawang lalaki, nagpapaluan pa habang tumatawa.

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now