Chapter 9 - Sunshine Resort

14 1 0
                                    

KOH: CHAPTER 9

KAREN POV

Nagtaka ako kung bakit nga niya ako pinag-impake. "Papalayasin mo na ako?" takang tanong ko sa kaniya.

"Dalhin mo ang panligo mo. Aalis tayo sa umaga, papunta sa Sunshine Resort."

"Nakapag-ipon ka na?" Nanlaki ang mata ko at lumapit sa kaniya na nakatayo sa may pinto.

"Sakto lang para sa 'ting dalawa. Si Kuya Terrious naman ang may-ari kaya may discount ako."

Hindi naman niya ako papalayasin kaya pinagpatuloy ko na ang pag-iimpake. Nang matapos ako ay siya na ang naghila ng bagahe ko. May pasan siyang malaking bag na sigurado akong mga gamit niya ang laman.

Nang makalabas kami ng bahay ay may isang kotse ang nakaparking sa harapan namin. Nakacross arm na nakasandal si Echo roon. Nang makita niya kami ay tumayo ng maayos at tinulungan si Marlo. Nilagay nila sa back compartment ang mga bagahe. Binuksan naman ni Marlo ang pinto sa backseat kaya pumasok na ako at umupo ng maayos.

Akmang uupo si Marlo sa tabi ko ng biglang bumusina si Echo. "Gagawin mo akong driver?" Nagdabog na umalis si Marlo at tinabihan ang Kuya niya.

Tahimik lang ako rito habang ang dalawa sa harap ay pabulong na nagbangayan. Tinapik ko ang likod ng upuan ni Marlo, napalingon naman siya sa 'kin. "May kailangan ka? Gutom ka na ba?"

"May headset kang dala? Nakalimutan kong dalhin 'yong akin." Tumango naman siya at may hinalukay sa bag na nasa kandungan niya. Nang makita niya ang hinahanap ay binigay niya sa 'kin.

"Matutulog ka ba? Kumain ka kaya muna."

"Saka na, pagkarating natin." Tumango siya at binigay sa 'kin ang neck pillow niya. Tinanggap ko naman ito.

Pumikit na muna ako, hindi ko napansin na nakatulog ako. Nagising na lang ako ng wala na sa harapan si Echo at Marlo. Tatayo na sana ako ng mapansin kong may nakahawak sa kamay ko.

Nakasandal ako sa balikat niya habang ang kamay niya ay nakahawak sa kamay kong nagpapahinga sa may hita ko. Nang gumalaw siya ay magtutulog tulugan pa sana ako ng napatingin siya sa 'kin. Tumikhim ako at umayos ng upo. Gano'n din ang ginawa niya.

Napatingin siya sa kamay namin bago niya ako binitawan. "Sorry. Gising ka na pala. Tara na."

"Nasa'n si Echo?" Tanong ko sa kaniya habang tinatanggal ang unan sa leeg ko. Binalik ko na rin sa kaniya ang headset. Bago pa siya makasagot ay nakita ko na si Echo na papalapit sa 'min.

"Nando'n na sa kwarto niyo ang mga gamit. Lumabas na kayo d'yan. Aalis na ako." Pagpapataboy niya sa 'min.

Lumabas na kaming dalawa sa kotse. Bago pa siya makaalis ay sumilip muna si Marlo sa bintana at kinausap ang Kuya niya. "Sunduin mo kami ha." Nang tumalikod na kami saka namin narinig ang pag-alis ng sasakyan niya.

Mukhang hindi lang ito ang isang beses na nakapunta siya rito dahil siya na ang naging tour guide ko sa lugar na 'to. Habang ako naman ay nilibot ang tingin sa lugar.

Naagaw ng atensyon ko ang mga niyog. Ang ganda ng kurba ng mga ito. Lalo na ang kulay asul na dagat at kalangitan. Kahit na ramdam ko ang mainit na galing sa sikat ng araw ay natatalo nito ang lamig ng hangin sa lugar na 'to.

Pumasok kami sa parang mansion. Kahit na malayo ka sa bahay mo ay hindi mo mami-miss ito dahil home ang theme rito. Para ka lang nasa bahay. Hindi na namin ginamit ang elevator papunta sa kwarto namin dahil gusto kong makita kung gaano kaganda ang lugar dito. Mukhang nabasa na ni Marlo ang iniisip ko dahil siya pa ang nanguna sa mahabang hagdanan. Hindi rin naman masyadong mataas ang aaakyatin namin dahil sa 3rd floor lang naman ang kwarto.

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now