Chapter 23 - 3 days

12 0 0
                                    

KOH: CHAPTER 23

KAREN POV

Bukas pa aalis si Marlo para samahan si Echo sa business na gagawin nila. Hindi na ako nagtanong about saan iyon. Hindi naman ako interesado sa kung anong gagawin niya roon. Kahit na maghanap pa siya ng iba. Ay talaga ba Karen?

Subukan lang talaga niyang mambabae, putol sa 'kin 'yang kaligayan niya. "Nakaimpake ka na?" tanong ko sa kaniya.

Kumunut ang nuo niya sa sinabi ko. "Bakit ako mag-i-impake?"

"Dahil aalis ka bukas?" patanong na sagot ko.

"Bakit parang minamadali mo ang pag-alis ko? Do you have plan sa loob ng tatlong araw na wala ako?"

"I don't have," sagot ko. "I'm just asking, ba't parang paranoid ka?"

"Maiiwan kita rito sa bahay, ayos lang ba sa 'yo 'yon? I'm worried. I'll miss you." Lumapit siya sa 'kin at malambing na yumakap.

Mahina akong natawa dahil sa paglalambing niya. "Anong p'wede nating gawin? Aalis na kasi bukas." Napaisip naman ako sa tanong niya.

"Gawin kitang subject," sagot ko.

"For what?"

"Need ko kasi ng model for my nude painting," simpleng sagot ko.

"A-ayos lang sa 'yo?"

"Hindi ba dapat ako ang magtanong?" mahina akong napatawa ng nanlaki ang mata niya. "Sa itaas lang naman ang nakahubad," ngumiti ako. "Kung ayaw mo naman, p'wede ko namang i-ask nalang si Titus? Mukhang, yummy 'yong katawan niya." Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi.

Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay dahil sa sinabi ko.

"Ahh, sige," sarcastic niyang sabi.

"Joke lang, ano ka ba." Nilapitan ko siya at malambing na niyakap. "Ano? Payag ka na?"

"Kailan ba ako tumanggi sa 'yo, hmm?" Malambing naman niyang sabi.

Nagtungo kami sa study room. Nakaharap ako ngayon sa canvas ko habang siya ay nasa harapan ko. Naghila siya ng upuan pero nakatayo lang siya habang nakatingin sa 'kin.

"Upo ka na." Turo ko sa upuan.

"Babe, anong gagawin ko?" peke siyang ngumiti. Natawa ako dahil mukhang hindi talaga niya alam ang gagawin.

"First, maghubad ka," utos ko. Tumango siya at naghubad sa harapan ko. Tumikhim ako nang naging mabagal ang paghubad niya sa damit. Kinagat ko ang ibabang labi habang nakatingin sa abs niya. Inilagay niya sa gilid ang damit niya, natuon naman ang atensyon ko sa muscle niyang nagpiflex sa tuwing gumagalaw siya.

"Sunod?" Pinanlandas ko ang tingin sa adams apple niya pababa sa dibdib, pababa sa abs. "Babe Karen?" Tumikhim ako at natauhan ng marinig ang pagtawag niya.

"Ikaw, anong gusto mong posisyon." Turo ko sa kaniya. Nanlaki ang mata ko ng marealise kung anong sinabi ko. "I mean, mag posing ka."

Kumunut ang nuo niya sa 'kin at tumango. Shit, bakit nawawala ako sa tamang pag-iisip?

Umupo siya sa upuan. Ibinuka niya ng kaunti ang hita. Itinukod niya ang kaliwang siko sa kaliwang hita. At pinahinga niya ang baba sa nakakuyom niyang kamao. Natigilan ako ng seryoso siyang tumingin sa 'kin. Ang mata niyang nakakaakit.

Tumikhim ako at nagsimula na. "'Wag kang gagalaw."

"Okay," sagot niya.

Ako ang naaakit sa kaniya. Bakit ba ang g'wapo ng boyfriend ko? Nagiging possessive bigla ako. Ayaw kong may umangkin na iba sa lalaking pagmamay-ari ko.

Nang malapit na akong matapos ay kita kong gumalaw siya ng k'unti, mukhang nahihirapan na. "K'unti na lang babe," sabi ko sa kaniya.

"Amh, yeah. Okay." Ngumiti siya.

"'Wag kang ngumiti, balik mo sa dating emosyon kanina." Tumango siya at sinunod ang sinabi ko.

Nang matapos kami ay hindi ko hinayaan na makita niya ang gawa ko. Kahit na panay pa ang kulit niya sa 'kin. Nag-order na siya para sa kakainin namin for dinner. Nang matapos kaming kumain ay tinulungan ko na siya sa pag-impake ng mga damit niyang gagamitin sa loob ng tatlong araw.

"'Wag na 'yong toothbrush." Inalis niya ang nilagay ko sa bag niya. "May toothbrush na bago ro'n. I just need a formal business suit." Napanguso ako at sinunod na lang ang sinabi niya. Siya lang naman ang nakakaalam kung anong mga dadalhin niya.

Nang matapos kami ay humiga kaming dalawa sa kama. Nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap sa kaniya.

"Hindi mo ba tatanungin kung anong gagawin namin?" biglang tanong niya sa mahabang katahimikan.

"Kailangan ko bang malaman kung anong gagawin niyo? Hindi ba about business lang naman? May tiwala ako sa 'yo kaya 'wag kang mag-alala. Maghihintay ako sa 'yo."

"Maraming mga babae ro'n," mahinang sabi niya.

Itinukod ko ang siko sa kama at tiningnan siya. Hinawakan ko ang pisnge niya at pinaharap sa 'kin. "Sa 'kin ka diba?"

May gumuhit na ngiti sa labi niya. "Sa 'yong sa 'yo."

"Edi wala na akong dapat ipag-alala. Because I know na sa 'kin ka. And hey babe, kung sakali mang maagaw ka ng iba. Hindi dahil hindi mo sinasadya, kun'di talagang hinayaan mong maagaw ka. Babe, hindi ko na binibigyan ng second chance ang mga nanloloko sa 'kin. So, be careful." Hinaplos ko at pisnge niya.

"I won't cheat." Iniangat niya ang ulo. Ramdam ko ang kamay niya sa batok ko at hinila ako pababa. Napapikit ako ng maramdaman ang malamig at malambot niyang labi. Iniangat ko ang katawan at dumangan sa kaniya ng lumalim na ang halikan.

Habol hininga kami parehong bumitaw. Tumikhim ako at umayos ng higa ng mapansin ang posisyon namin.

Kinabukasan maagang pumunta rito si Echo, nag-agahan muna kami bago sila aalis na. Dala dala ni Marlo ang bag habang ako ay sinundan sila sa labas. Huminto si Marlo ng marating na naman ang kotse ni Echo. Humarap siya sa 'kin at ngumuso.

"Three days akong mawawala. 'Wag kang gagawa ng kabalastugan, babae." May pagbabanta niyang sabi habang nakangiti.

"Oo na, hindi po. Alis na kayo." Pagtulak ko sa kaniya paalis dahil kanina pa naghihintay ang Kuya niya sa kaniya.

"Kiss ko?" Lumapit siya sa 'kin at ngumuso. Napatingin ako kay Echo at tinakpan ang bibig ni Marlo.

"Tumigil ka nga," bulong ko sa kaniya. Natawa ako sa pagiging cute niya. "Alis na kayo, kapag hindi ka pa umalis pipigilan kita." Pagbabanta ko.

"Please, pigilan mo 'ko." Itinaas niya ang kamay at inabot sa 'kin para hawakan ko.

"Tangina, bakit ako naiinggit sa love life ng teenager?" rinig kong bulong ni Echo sa sarili niya at natawa. "Tara na nga, ang OA niyo." Pumasok na siya sa loob.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now