Chapter 8 - Bakasyon

17 1 0
                                    

KOH: CHAPTER 8

KAREN POV

Tinambakan kaming lahat ng Performance task, malapit na rin ang 2nd semester final exam. Lalo na ang Practical Research na pinakamahirap sa lahat. Kaya naging busy kami. Madali lang naman para sa 'kin ang Animation dahil marunong naman akong gumuhit, sa lahat ng subject iyon lang ang nagbigay sa 'kin ng interes. Mahirap nga lang minsan dahil hindi pa masyadong sanay na sa computer mismo guguhit. Pero kahit gano'n na-try ko naman nang mag digital art.

Binasa ko ang Research namin, Chapter 1 hanggang Chapter 3. Malapit na ang Research Defense na ikinakaba ko.

"Kumain ka na ba?" Napaangat ako ng tingin ng makita si Pres sa may pinto ng kwarto ko. Napasandal ako sa upuan at sinara ang laptop na gamit ko.

"Mamaya na," sagot ko.

"Bawal ang mamaya na. Tumayo ka na d'yan at kakain na tayo." Napatayo ako sa gulat ng makita si Echo sa likod niya.

Wala akong choice kun'di ang sumunod sa kanilang dalawa. Naghila ng isang bangko si Echo, mukhang sa baba niya iyon kinuha dahil dalawa lang naman ang nandito. Tahimik lang kaming kumain na tatlo, nakapagtataka at nandito siya dahil hindi naman siya masyadong dumadalaw rito. Sa magdadalawang buwan ko rito ngayon lang ulit siya dumalaw.

"Goodluck sa exam niyo," ani Echo ng matapos kaming kumain.

Si Pres na ang naghugas ng mga pinggan. Hinatid ko naman sa labas si Echo, nakaharap siya ngayon sa 'kin habang nakangiti.

"Salamat at sinamahan mo siya rito," nakangiti niyang ani. "May binabantayan lang ako, hindi ko pwedeng iwan." Natigilan ako ng bigla niyang ginulo ang buhok ko na parang aso. Napakurap ako habang hindi mapakali ang tibok ng puso ko. Parang luminawag siya bigla sa mga mata ko. "Alis na 'ko." Wala sa sarili akong napatango.

Nagising na lang bigla ako sa reyalidad ng may tumapik sa balikat ko. Napalingon ako kay Pres na nagtatakang nakatingin sa 'kin.

"Ang gwapo talaga ng Kuya mo 'no?" nakangiti kong sabi.

"Magkapatid kami kaya gwapo rin ako," kita ko ang pag-irap niya.

"Kadalasan kasi, ang mga panganay ang may itsura," kalmado kong sabi sa kaniya.

"So ano ako? Walang itsura?" Natawa na lang ako at iniwan na siya roon para bumalik sa kwarto ko at pinagpatuloy ang ginagawa kanina.

Dumating ang Second Semester Final Exam. Nakakaramdam ng kaba pero ayos lang, nag-study naman ako. Dumaan ang araw, sinalubong kami ng Research Defense. Buti na lang talaga at may naisagot ako sa tanong ng panelist.

Hustle naman sa clearance signing, kung saan saan na lang kami. Paikot-ikot, naghahabol ng teacher. Nang tuluyan nang nagtapos ang Grade 11, nag enroll na ako for Grade 12.

Nang nagbakasyon ay nagpart-time job nalang muna ako para hindi ako pabigat kina Pres. Ngunit mukhang maling hakbang yata ang ginawa ko, dahil nag-apply din siya ng trabaho sa pinapasukan kong Cafe Shop.

Napapahanga pa rin ako. Kahit na mayaman siya ay hindi siya maarte. Hindi siya umaaktong spoiled brat. Kahit na minsan ay bossy, ayos lang naman. Napagtitiisan naman ang ugali niya.

"Sabay tayo uuwi mamaya," rinig kong bulong niya bago niya hinarap ang bagong dating na costumer.

"Magkaiba tayo shift oi," mahinang bulong ko sa kaniya. "Mamayang 9 pa ako uuwi, hanggang 6 ka lang."

"Hihintayin kita," seryoso niyang sabi. "Thank you po Ma'am," pagpapasalamat niya sa costumer bago ito naghanap ng upuan.

"Bakit ba? Umuwi ka na lang, magpahinga ka tapos magluto na rin. Tir'han mo 'ko ha."

"Order na lang tayo. Sabay tayong uuwi, gabi ang shift mo. Delikado sa daan. Alam mo namang pinagbawalan tayo ni Kuya mag kotse."

Napaismid ako. Dahil naman sa kaniya 'yon kaya pinagbawalan kami mag kotse. Muntik na kasi niya itong mabangga ng nagmamadali siyang puntahan ako rito. Malay ko ba sa kaniya kung bakit nagmamadali siya, parang tanga lang.

Pinayagan siya ni Echo na magtrabaho kasama ko pero tinanggalan naman siya ng pera ngayong bakasyon. Gamitin daw niya ang sweldo niya. Saka na babalik ang allowance niya kapag balik klase na.

"Order na naman, may pera ka ba ha? May pera ka? Meron? Ha!" singhal ko sa kaniya. "Sa 'ting dalawa mas may pera ako. Kada araw ka gastos nang gastos. Matutu ka ngang magtipid."

Kinamot niya ang tainga at masama akong tiningnan. "Maka sermon naman 'to. Sorry na Mama ha," sarcastic nitong sagot.

Kahit na tapos na ang shift niya ay nagtrabaho pa rin siya para sabay kaming dalawa umuwi. Kaya ang ending we ended up eating pancit canton for dinner. Nagtitipid kami.

"Ano bang pinag-iipunan mo?"

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niya. "Nothing, iniipon ko lang para kung may emergency, may kailangan sa school ay may pera ako. Kapag may gusto akong bilhin, may pera ako. Sakit kaya sa ulo kapag wala kang pera." Akmang magsasalita siya ng dinuro ko siya. "Can't relate ka, mayaman ka kasi."

"Araw araw kaya akong walang pera. Can relate ako."

"Araw araw?" tumaas ang kilay ko bigla.

"Wala naman talaga akong pera, black card lang meron ako." Pinigilan ko ang sariling itapon ang kutsilyo sa kaniya.

Kalma Karen, tiis tiis muna.

"Mag-iipon na ako Karen!" Iyan kaagad ang sumalubong sa 'kin pagkatungo ko sa kusina nang magising ako sa umaga. Naka apron siya habang may dalang sandok.

"Ano namang pinag-iipunan mo?" Kumuha ako ng baso at pitcher na nasa ref bago nagsalin at uminom.

"Magbakasyon tayo?" Parang bata siyang lumapit sa 'kin. Kita ko pa ang pagkislap ng mata niya.

"Kapag talaga 'yang bibig mo bumuka. Delikado na. Dahil alam kong gastos na naman iyan." Tinalikuran ko na siya at umupo sa may sofa bago in-on ang TV.

"Mag-iipon ako! Tapos punta tayong dagat!"

"Bakit kailangan pang pag-ipunan? Dagat lang naman. Kaya lang naman natin bumyahe papunta roon sa may Naga para maligo. 'Di na kailangan pag-ipunan 'yan."

"Karen," seryoso niyang sabi. Bigla siyang tumayo sa harapan ko at nakapameywang. Gusto ko siyang sipain, nakaharang siya sa pinapanuod ko. "Nakalimutan mo yatang na-banned tayo sa kotse ni Kuya. Kaya commute malala tayong dalawa. Saka kailangan natin ng pera 'no! Anong akala mo, maliligo lang tayo? Pa'no ang pagkain? Iinom lang tayo ng tubig dagat? Gano'n?"

"Alam mo ikaw, pilosopo ka. Tumabi ka nga d'yan! Nanunuod ako." Hinubad ko ang isa kong tsinelas at tinapon sa kaniya ngunit tumakbo lang siya palayo.

Loko-loko talaga.

"Sa isang resort tayo magbabakasyon, kaya kailangan kong mag-ipon. Basta ha! Bakasyon tayong dalawa!" sigaw niya habang tumatakbo palabas.

Bahala ka d'yan. Pera mo 'yan. Nanunuod na lang muna ako dahil mamayang hapon pa ang shift ko.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now