Chapter 34 - Childhood Bestfriend

11 0 0
                                    

Hi Rochelle Briones, thank you for reading my stories, hope to meet you soon. Next year pa sana ako mag-u-update pero ang kulit ni Noriel, charorot. Enjoy reading~

KOH: CHAPTER 34

KAREN POV

Tumayo ng maayos si Marlo ng may pumasok na dalawang waiter. Umupo na kaming dalawa habang siniserve ang pagkain na hindi ko naman inorder. Sigurado akong si Terrious ang may kagagawan nito.

Tahimik kaming kumain dalawa, napapabaling ako sa kaniya na tahimik lang na kumakain sa tapat ko. Nang matapos kaming kumain ay may dumating pa na dessert.

Tumayo kaming dalawa para magpatunaw ng kinain. "Libre ko sana pero mukhang binayaran na ni Terrious ang mga pagkain."

Natawa si Marlo at tumingin sa 'kin. "Gan'yan talaga si Kuya Terrious. Next time ako manglilibre sa 'yo."

"Hindi pa nga kita nalilibre!" pagmamaktol ko sa kaniya dahilan kaya mas lalo siyang natawa.

Dumaan ang sobrang habang katahimikan. Pareho kaming nakatitig sa city lights. Napatungo ako at pinaglaruan ang daliri ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ramdam ko ang pagtingin niya sa 'kin bago niya ulit pinagmasdan ang mga city lights.

"Hinintay kita." Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng mabilis sa puso kong nanahimik. "Alam kong galit ka sa 'kin, mabait si Daddy kaya medyo nagulat ako sa sinabi mo. Alam ko rin na hindi ka nagsisinungaling, maybe you misunderstand the situation. Iyon ang nasa isip ko no'ng mga araw na 'yon. Pero, kahit naintindihan ko ang sitwasyon hindi ko pa rin mapigilan ang masaktan. Sabi ko no'n, iiwan niya ako. Iiwan na naman ako."

Napakagat labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya ng makita ang pamumula ng mata niya.

"Hinintay kita, pero hindi ko aakalain na aabot ng limang buwan bago tayo maging maayos ulit."

"S-sorry."

"May natutunan ako bigla." Humarap siya sa 'kin, sinubukan kong tumingin sa mga mata niya dahil sigurado akong masasaktan ako kapag nakita ang lungkot at sakit dito. Pero nakampanti ako nang nakangiti na siya ngayon. "Naalala mo, hindi naman tayo nag-usap tungkol sa nangyari pero nagkabati na tayo," natatawa niyang sabi. Napangiti tuloy ako sa sinabi niya. "Bigla kong natutunan na, hindi pala palaging importante ang salitang sorry. Ang panahon ang maghihilom sa sugat sa nakaraan, hindi ang salitang sorry."

"Tama, pa-feeling close kasi ako. Nagkabati tuloy tayo." Natawa siyang umiling.

"Alam mo kung bakit madali lang tayong nagkabati?" Ngumiti ako at umiling. "Dahil hindi ka pa lang humihingi ng tawad, pinatawad na kita. Gano'n kita kamahal."

"M-Marlo." Napatingala ako at pinaypayan ang mata ng maramdaman ang luhang gustong bumagsak.

"Sorry, ang saya na sana ng mood dahil niyaya mo akong mag-date e. Panira talaga ako parati ng mood."

Umiling ako at niyakap siya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko dahil bahagya siyang natigilan. Pero kalaunay nakabawi rin at niyakap ako pabalik. Hinaplos niya ang likod ko, hinayaan niya ako na umiyak sa bisig niya.

Pagkatapos naming magk'wentuhan ay umuwi na kami sa bahay at maagang nagpahinga. Nang magising ako kinabukasan ay sabay kaming kumain dalawa. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo kami sa may sala.

Inabot ni Marlo sa 'kin ang isang pack ng fishda at nilapag ang isang basong juice sa mesa sa tapat ko.

Nanuod kami ng tahimik sa morning show, at mga cartoons. Napatigil kami pareho ng marinig ang pagtunog ng doorbell. Tumayo si Marlo, tumayo ako at sumunod din sa kaniya.

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now