Chapter 5 - Hot

12 1 0
                                    

KOH: CHAPTER 5

KAREN POV

Galing ako sa paaralan, pauwi na sana sa bahay ng mapansin na nasa labas nang bahay ang mga gamit ko. Napatakbo ako sa loob, doon ko nakita si Tiya Linda at Lilay na prenteng nakaupo sa luma nilang sofa.

"Bakit nasa labas ang mga gamit ko?" hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses dahil sa inis na nararamdaman ko.

"Kasi lalayas ka na?" patanong na sagot ni Lilay.

"What?"

"Kailangan bang ulitin? Lumayas ka na sa bahay namin."

Napasinghal ako. Nagpadyak-padyak ako na umalis doon. Kinuha ko ang mga gamit na nagkalat sa labas ng bahay. Agad kong hinanap ang perang tinago ko ngunit hindi ko iyon mahanap. Hindi ko mahanap ang kahon. Napatayo ako ng tuwid ng marinig ang tunog ng barya. Doon ko napansin na hawak ni Lilay ang kahon na pinag-ipunan ko.

Panatag na sana akong hindi niya iyon mabubuksan ng mapansin kong nawawala din ang susi. Binuksan niya ito sa harapan ko. Akmang lalapit ako ng sinamaan ako ng tingin ni Tiya Linda. Kinuha nila ang laman no'n. Ang mga inipon ko.

Napakuyom ang kamao ko. Gusto ko silang sabunutan. Napapikit ako ng itinapon nila sa 'kin ang kahon na wala nang laman. "Umalis ka na."

Ang bag ko sa paaralan at isang bag na puno ng damit ko ang dinala ko lang at iniwan na ang iba roon. Nang makalayo ako ay nanghina akong napaupo sa gilid ng kalsada. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. May naririnig akong malakas na iyak at hikbi. Doon ko lang napansin na ako pala ito. Sinubukan kong tiyuin ang luha ko pero patuloy pa rin ito sa pagbuhos kasabay no'n ang malakas na kulog at malakas na pagbuhos ng ulan.

Wow, parang nasa drama lang ha.

Napatawa ako ng pagak at umalis na roon. Naglalakad sa gitna nang malakas na pagbuhos ng ulan. Ramdam ko narin ang panginginig ng katawan ko sa lamig. Yakap yakap ko ang bag na puno ng notebooks dahil baka mabasa ito.

Saka ko narinig ang phone ko. Nang mapansin na si Pres ang caller.

"H-hello? May k-kailangan ka?" pilit kong pinasigla at pinataray ang boses ko para hindi niya iyon mahalata.

"Nasa'n ka?" seryoso niyang tanong.

"Nasa bahay syempre," napatawa ako. "Ang lakas kaya ng ulan bakit ako lalabas?"

"Nasa'n ka? Pupuntahan kita."

"'Wag mo na akong puntahan. Nasa bahay lang ako. Bukas mo nalang ulit ako parusahan at asarin. Wala ako sa mood. Bye."

"Naririnig ko ang panginginig ng boses mo. Ang malakas na buhos ng ulan na sigurado akong nasa labas ka at wala sa bahay." Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang paghikbi. "Saktong-sakto ba ang pagtawag ko?"

Nakarinig ako ng pagbusina. May humintong sasakyan sa gilid ko. Napatigil ako ng bumukas ang bintana habang nakasilip si Marlo na nakadikit ang phone nito sa tainga.

"Sakay na."

"Basa ako. Ayos lang."

Nanlaki ang mata ko ng makitang lumabas siya sa kotse niya at hinawakan ako para pumasok sa loob. Nilagay niya ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan bago siya pumasok na at nag-drive.

"Pa'no mo nalaman?" Napabuntong hininga siya sa tanong ko.

"Wala lang. No'ng bumuhos ang ulan para kasing ang bigat. Napapansin ko kasi na kapag masaya ka, maganda ang kalangitan. Kapag malungkot ka, bumibigat ang hangin. Ngayon napansin ko na umuulan. Baka kasi, umiiyak ka." Hindi ko mapigilan ang mapatawa sa lahat ng sinabi niya. Nagpapasalamat ako dahil doon, gumaan ang pakiramdam ko kahit k'unti.

"Nanuod ka na naman ba ng korean drama?"

Napanguso siya. "Chinese drama ang pinanuod ko." Hindi ko mapigilan ang mapatawa.

"Naniniwala ka bang lahat ng tao sa mundo may misyon?" Tila nag-isip siya ng isasagot sa tanong ko.

"Oo, ang misyon ko sa mundo ay ang asarin ka." Pinalo ko ang braso ni Marlo na ikinatawa naman niya. "Marami tayong misyon sa mundo. 'Yong iba hindi mo pa alam. 'Yong iba naman ay misyon na gagawin mo pero hindi mo alam. Ang misyon nating lahat ay pagbabago. Magbago para sa sarili. Pagbabago na gagawin natin sa iba. Ngayon, hindi ko pa alam kung anong misyon ko. Well, ang misyon ko ay alamin kung anong silbi at misyon ko sa mundo." Tumango ako.

Nang makarating kami sa malaki nilang bahay, nagtimpla kaagad siya ng kape at binigay sa 'kin. Kumuha siya ng roba at binigay sa 'kin. Pumasok ako sa isang kwarto at tinungo ang banyo para roon maligo. Nang matapos ako ay napansin ko ang isang kulay light blue na pares na pantulog na nasa kama. Napangiti ako at sinuot ito. Biglang namula ang mukha ko ng mapansin ang isang pares na underwear.

Lalabas na sana ako ng matapos magbihis ng pumasok si Marlo suot din ang kulay dark blue na pantulog niya. "'Yong underwear-"

"What?" inosente niyang tanong. Umiling lang ako para sabihing wala.

"Salamat pala. Ngayong gabi lang ako rito."

"Basa ang mga damit mo kaya 'yong damit ko ang suot mo. Maliit na sa 'kin kaya mabuti naman at sakto lang sa 'yo. Hindi naman kita minamadaling u-umalis. Wala ka pang matitirhan kaya ayos lang na dito ka muna."

"Hindi na. Nakakahiya."

"Masyadong malungkot ang bahay. Masyadong malaki para ako lang mag-isa ang nakatira." Sumandal siya sa nakasarang pinto.

"'Yong Kuya mo?"

"Hindi dito natutulog si Kuya. Umaalis siya lagi. Paiba-ibang lugar ang mga project niya. He's Engineer by the way," kita ko ang kislap sa mga mata niya ng banggitin ang trabaho ng Kuya niya.

"Sobrang proud ka siguro sa kaniya."

"Sobra." Nakangiti siyang tumango bago ito nawala ng mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya. Tumikhim siya at umayos ng tayo. "M-matulog kana. L-labas na ako."

"Hmm, goodnight."

Kita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Lumapit naman ako sa kaniya, bahagya siyang umatras hanggang sa wala na siyang maatrasan. Napasandal siya ulit sa may pinto.

Rinig ko ang paglunok niya ng idinikit ko ang likod ng palad ko sa nuo niya. "Are you cold? Bakit ka namumula?"

"Kasi hot ako." Nagmamadali siyang lumabas. Nakarinig pa ako ng kalabog sa labas. Nang sumilip ako ay nakita ko siyang nadapa bago tumakbo papunta sa kwarto niya. Napatawa nalang ako at napailing bago pinatay ang ilaw para matulog na.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now