Chapter 4 - Sukli

15 1 0
                                    

TOH: CHAPTER 04

KAREN POV

Napagsasabay ko naman ang pag-aaral ko at ang pang-iinis ng tarantadong taga-STEM na 'yon! Akalain mo 'yon, parang bata! No'ng unang kita ko naman sa kaniya akala ko pa naman ay seryosong tao. Mas may saltik pa pala 'yon sa baliw sa may kanto.

"Ano na naman ba?!" Inis kong sigaw sa kaniya. Gusto ko nang umuwi Mama ko!

Oo nga pala. Wala na pala si Mama, umalis na at nag-ibang bansa. Naiwan ako kay Tiya. Aba malay ko bang may tiya pala ako, ang alam ko lang naman ay kami lang dalawa ni Mama magkasama simula no'ng namatay si Papa sa sakit niya.

"Kailangan ko nang umuwi!" Tinulak ko pa siya palayo sa 'kin.

"Ihahatid na kita." Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papasok sa sasakyan niya.

Napairap ako. Bahala na siya. Ayos na rin 'to. Tipid pamasahe. Nang makarating na kami ay akmang lalabas ako ng ni-lock niya ito. Napatingin ako sa nakabuka niyang palad.

Namula ang pisnge ko at napalunok. "Amh, kailangan ba?" Tumango siya. Inangat ko ang kamay ko at ipinatong sa kamay niya bago ito pinagsiklop. "Aray!" Bigla nalang niya akong pinalo.

"Bayad mo. Mahal ang gas ngayon."

"Aba, potangina-"

"Minumura mo ako?"

"Potangina ang gwapo mo." Hinaplos ko ang pisnge niya bago ko kinuha ang bente sa bulsa ko at binigay sa kaniya bago ako lumabas na. Panira ang bwesit na 'yon.

Nagmano ako kay Tiya ngunit iwinaksi lang niya ang kamay ko. Amoy alak siya, mukhang lasing na naman.

"Maghugas ka ng mga plato. Burikat ka. May pahatid-hatid pang nalalaman. Ano mo 'yon? Sugar Daddy mo? Gan'yan na ba kayo kadesperada ng Mama mo?"

Kinagat ko ang ibabang labi. Pinigilan ang sariling may masabing hindi maganda sa kaniya. Napahawak ako sa braso ko ng tinulak niya ako at natama ito sa mesa.

"Pa-harang-harang. Pwe!"

Napatingin ako sa lababo at mesa. Sobrang daming hugasin. Wala man lang tinira na ulam at kanin. Nakangiting nakatingin sa 'kin ang anak ni Tiya Linda na si Lilay. Masaya siya sa paghihirap ko. Ang tanging bumubuhay lang sa 'kin ay ang kinikita ko sa pagw-waitress. Ang perang pinapadala ni Mama ay hawak nila. Gusto ko mang sabihin iyon kay Mama ay hindi nila ako hinayaan na kausapin siya.

Pinatunog ko ang leeg ng matapos ako sa hugasin. Mukhang nasa kwarto na ang mag-ina. Lumabas na muna ako para bumili ng makakain. Napatingin ako sa pitaka ko ngunit fifty pesos nalang ang perang natira.

Napakunot ang nuo ko ng mapansin si Pres na nakatayo sa tapat ng bahay namin. Doon sa may tindahan. May kagat kagat siyang straw ng softdrinks. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay tumawid siya papunta sa gawi ko.

"Bakit nandito ka pa?" Pagtataray ko sa kaniya.

"Well, nagugutom ako."

"Edi umuwi ka sa inyo." Iniwan ko na siya roon. Pupunta ako sa malapit na karenderya para bumili ng makakain.

"Tinatamad ako. Kain tayo?" Tatanggi na sana ako ng hinila niya ako may braso. Winaksi ko ito dahil sa hapdi. "Ayos ka lang ba?"

"O-oo. Saka nga lang. Kumain ka mag-isa mo. Pagbabayarin mo rin ako sa kakain ko."

"Nah. Hindi." Inakbayan niya ako. "Libre ko." Kindat niya.

Inalis ko ang pagkaakbay niya at umuna na. Dahil libre naman daw niya ay sumama na ako sa kaniya. Kumain kami sa karenderya. Napahawak ako sa t'yan ng mabusog ako. Napatingin ako sa libong inabot niya sa 'kin.

"Bakit ka sa 'kin magbabayad? Doon o." Turo ko sa may-ari.

"Bayad na. B-bigay 'yan ni Kuya. Salamat daw sa paglinis sa bodega."

"Sabihin mo 'wag na."

"Tangapin muna. Arte mo." Binuka niya ang palad ko at nilagay roon ang tatlong libo. Tumayo na siya at kinuha ang bag niya. "Saka, 'wag mong hahayaan na matalo ka. Magpakatapang ka, Karen." Tumalikod na siya at umalis.

Anong ibig sabihin no'n?

Napailing nalang ako at umalis na. Ngunit hinabol ako ng may-ari dahil may sukli pa. 753 pesos. Yayamin si pareng Pres.

Niligpit ko ang mga pera. Hindi ko hahayaan na makita ng mga bruha ang pera ko. Maaga akong pumasok kinabukasan, sakto namang nakasalubong ko si Pres. Ngumiti siya sa 'kin at iniwan ang kasama niyang babae na daldal ng daldal.

"Bakit 'di ka naka-uniform?" Inirapan ko siya.

"Paki mo ba?" Umuna na ako ng lakad. Suot ko lang naman ang isang hoodie at jeans saka rubber shoes. Ramdam ko naman ang pagsunod niya at ang mga tingin ng mga estudyante sa 'min. "Tumigil ka nga. Ayaw ko ng issue. Ano bang kailangan mo?"

"Nagugutom ako. Bili mo 'ko, sandwich saka lemonade sa canteen." May inabot siya sa 'kin na limang daan. "Dalhin mo sa-"

"Oo na. Oo na. Tumahimik ka na. Ang boses mo ang pinakahuli kong gustong marinig." Rinig ko ang tawa niya ng tinalikuran ko siya.

Binili ko na ang inutos niya at pinuntahan siya sa Office niya dito sa school. Ang swerte ng nakakainis na lalaking 'yon. Binigay ko sa kaniya ang sandwich at lemonade pati na rin ang sukli ngunit ang pagkain at inumin niya lang ang tinanggap niya, hindi ang sukli.

"Sayo na." Uminom siya.

"40 pesos ang lemonade. 10 lang ang sandwich. Kalmahan mo lang pres ha. 450 ang sukli, malaking pera 'to."

"Sa 'yo na kasi, kulit mo."

"Hi pres." Napatigil kami pareho sa pumasok. Nagpacute pa siya sa harapan ni Pres na ikinangiwi ko. Kadiri 'to.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" inis na tanong nito. Ayan! Naka-score.

"Sorry. Hindi kasi naka-lock."

"Hindi naman talaga ako nagl-lock."

"Y-yeah." Nahihiya niyang sabi. "Sorry."

"Naparito ka ba?" Napasandal siya sa upuan niya. Sobrang lamig ng titig niya sa babae. Ito pala ang sinasabi nilang ugali ni Pres. Pero bakit pagdating sa 'kin sobrang nakakainis lang siya sa pagiging makulit niya?

"Pinatawag ka ni Dean." Nanlaki ang mata ko at tumalikod nang mauntog ako sa dibdib ng nasa harapan ko. Pag-angat ko ng tingin ay doon ko napansin si Pres. Bampira ba 'to?

"Saan ka naman pupunta?"

"Amh, lalabas?" patanong na sagot ko.

"Narinig mo lang ang salitang Dean nataranta ka na?" bulong niya. "'Wag mong sabihin na may nagawa ka na naman habang lutang ka?"

"Wala!" Nagtaas ako ng kamay. "Wala talaga."

"Okay." Tumango siya. "You can leave, pumunta ka rito mamayang uwian."

"'Yong sukli." Inilahad ko sa kaniya ang pera.

"Sa 'yo na."

"Bakit?"

"Bayad sa pagiging maganda mo." Napatigil ako, napalunok dahil sa malakas na pagkabog ng dibdib ko.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now