Chapter 14 - Sketch

13 1 0
                                    

KOH: CHAPTER 14

KAREN POV

Hindi ko mapigilan ang saya ng matapos ko ang pagpinta. Ilang oras din bago ko ito tuluyang natapos. Ngayon lang kasi ulit ako nagpinta. More on drawings ako last year. Dahil mahal ang mga gamit sa pagpinta. Canvas pa lang lalagnatin na ako. Pa'no pa kaya ang mga kulay?

"Kumain muna kayo rito." Tatanggi na sana ako sa sinabi ni Mrs. Escalante ng makita kong lumabas si Marlo galing sa isang nakabukas na pinto. Hindi ko mapigilan ang tingnan siya mula ulo hanggang paa ng mapansing may suot siyang apron na kulay blue na may baby shark na design. May hawak pa siyang malaking sandok.

"Kain na tayo!" Hindi ko alam kung anong relasyon ni Marlo sa pamilyang 'to dahil kumportable talaga siyang gumalaw sa bahay na 'to. Kahit na nagtanong pa siya kanina kung nasaan ang kusina.

"Feel at home," bulong ni Mrs. Escalante bago sila nagtungo sa kusina na sigurado akong nando'n ang dining area.

"Tara na ate! Kakain na tayo." Ramdam ko ang malambot at maliit na kamay ng isa sa triplets. Hindi ko alam kung sino siya sa tatlo dahil magkamukha talaga sila. Hindi ko alam ang pagkakaiba.

Sabay kaming naglakad patungo sa isang pinto na pinasukan nila. Ang galit ko sa mayayaman unti unting natutunaw dahil sa mga pinapakita nila. Hindi ko dapat sinasabing lahat ng mayayaman, maaarte, lahat sila mga masasama. Pero ayaw ko ring mawala ang galit ko sa kanila dahil sa isang dahilan. Dahil kapag nakalimutan ko ang galit, parang binabalewala ko lang siya.

Napuno ng ingay at tawanan ang kainan. Ilang saglit lang ay nagpaalam na rin kami na aalis. Tahimik lang si Marlo sa tabi ko habang nagddrive. Tumikhim ako at tumingin sa bintana. Ramdam kong napabaling siya sa 'kin bago tumingin ulit sa daan para hindi kami madisgrasya.

"Nakita ko ang gawa mo, ang ganda," rinig ko ang galak sa boses niya. "Hep hep! Walang halong biro 'yon."

"Hindi mo ba tatanungin kung magkano ang binayad nila sa 'kin?"

"Bakit ko naman tatanungin? That's private you know." Ang arte na may pagkahusky talaga ang boses ng lalaking 'to.

"Ang binayad nila ay sakto lang para umalis ako sa poder mo."

"Huy!" Napahawak ako sa seatbelt ko ng bigla siyang prumeno. "Walang aalis! Walang lalayas!" Pabiro niyang sigaw bago tumawa. "Pero seryoso, gusto kita na nasa bahay ko. Parte ka na ng buhay ko. Pero you still have your freedom. Kung dumating man ang araw na magbalak kang umalis, sabihin mo lang."

Tumango ako. Napamahal na rin ako sa buhay na meron ako ngayon. Simple lang, kahit na hindi simple ang mga taong nakakaharap ko araw araw. Sa sobrang yaman nila hindi ko aakalain na isa sila sa nakalista sa "the most rich man in the Philippines." Baka nga in the world e.

Kahit na mayayaman sila, hindi sila magara gumalaw. Kaya lang minsan hindi ko siya mapipigilan na gumastos ng malaki. Dahil na rin siguro sa pinanganak siyang may maraming pera na. Pero ramdam ko namang dinidisiplina siya ng Kuya niya. Alam ko ring dinidisiplina ni Marlo ang sarili niya.

Nang makauwi kami sa bahay ay natulog na kaagad ako dahil na rin sa pagod. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to. Lalo na ang sinabi ng mag-asawa.

"Ang ganda! Look hon!" May galak ang boses niya habang sinisilip ang tapos ko ng pagpinta. Hindi ko mapigilan ang paglambot ng puso ko dahil sa sinabi niya. Ang saya lang sa pakiramdam na nagustuhan nila.

Napatingin naman ako sa Asawa niya. Nakangiti lang ito habang tanaw ang pininta ko. Yumakap siya mula sa likuran nito. Sumandal naman si Mrs. Escalante sa dibdib ng Asawa niya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa posisyon nila. Ang sweet nilang tingnan dalawa. Mahahalatang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now