Chapter 22 - Karen

9 0 0
                                    

KOH: CHAPTER 22

KAREN POV

"Ayos ka lang ba?" Bigla akong natauhan sa tanong niya.

Tumango ako. "Pasensya na napagod lang ako. Nag pinta kasi kami ni Terrious kanina."

"Yeah, that explains sa paint na nasa damit mo." Napatingin ako sa damit ko, may dumi nga. "Pahinga ka muna. Mag-o-order ako para sa dinner natin."

Umalis na ako roon at bumalik sa k'warto ko. Sumalpak ako sa kama at dumapa. Niyakap ko ang unan at pumikit. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Bumalik lahat ng sakit at galit na naramdaman ko no'ng araw na 'yon. Bakit sa lahat ng tao siya pa? Sa dami ng tao sa mundo, bakit kami nagkasalubong? Bakit kami nagkakilala ng anak niya? Ano bang plano ng tadhana sa 'min?

Nalilito ako. Kakalimutan ba ang nangyari dati at isipin na lang ang pagmamahal ko kay Marlo? O ang gumanti tulad ng plano ko dati?

Alin ba ang mas matimbang? Ang pagmamahal ko sa kaniya? O ang galit ko sa ama niya?

Ano bang gagawin ko? Tangina nalilito na ako!

Mama bumalik ka na, pakiusap.

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa pag-iisip. Nagising na lang ako ng maramdaman na may sumusuklay sa buhok ko. Saktong pagmulat ko ng mata ay nakita ko kaagad ang asul niyang mata.

"Umiiyak ka habang tulog." Tinuyo niya ang luha sa gilid ng mata ko. Agad akong umupo at nag-iwas ng tingin sa kaniya para alisin ang mga luha ko. "Are you okay Karen? You look pale."

"Ayos lang ako." Tumayo ako at inayos ang higaan. Tahimik lang kaming kumain ng dinner dalawa. Sinubukan niya akong kausapin, sinubukan ko namang umakto ng normal sa harapan niya.

Pagkatapos ay nanuod kami ng TV dalawa. Nakayakap siya sa gilid ko habang ako rito ay nakaupo sa tabi niya.

"Kumusta naman ang pinuntahan mong hospital?" Sinuklay ko ang buhok niya.

"Wala akong nakuhang info, parang blinock lahat. Nakakapagtaka pa dahil hindi kilala ang owner. Nanatiling misteryo."

"Bakit ba curious ka sa Mtrio Hospital?" takang tanong ko sa kaniya.

"Gusto ko d'yan magtrabaho."

Natawa ako. "Napaka advance mo naman. Graduating pa lang tayo sa senior high hoy!"

Tumawa naman siya. "Alam mo rin bang may plano na ako sa 'ting dalawa? Gusto ko kapag kinasal tayo sa Sunshine Resort, ayos lang naman sa 'yo 'yon diba? Saka gusto ko lima o pito 'yong anak natin."

"Ang dami! Hindi ako baboy Marlo!" Pinalo ang braso niya at tinulak siya palayo sa 'kin. Pero para lang siyang boomerang na bumabalik.

"Ayaw mo? Apat na lang?"

"Dalawa," sagot ko.

"Fine! Tatlo!" Matigas na sabi niya. "Deal na 'yan. Saka pangako ko Karen, mananatili kang virgin hanggang sa makasal tayong dalawa. Hindi kita gagalawin."

"'Yong bibig mo mas'yadong bulgar." Tinampal ko ang bibig niya.

"Aray! Sumusobra ka na, hindi porket mahal kita sinasaktan muna ako," pagmamaktol niya.

"Masyado kang OA." Tinulak ko siya palayo sa 'kin.

"Yeah, over attractive." Kumindat siya sa 'kin.

Naging busy kami pagdating sa lunes hanggang sa biyernes. Kaya no'ng weekend nagplano kaming mamasyal. Pero dahil tinatamad ako ay hindi natuloy.

"Turuan mo 'ko magpinta Karen."

"Hindi ito madali, Marlo." Pangunguna ko sa kaniya.

Ngumiti siya. "Alam ko naman, gusto lang kitang landiin."

Pinalo ko ang braso niya, natawa naman siya dahil sa ginawa ko. "Ang galing ni Terrious magpinta 'no? Napaka attractive niya tingnan."

"Attractive ampota. Hindi ka type n'on pero type kita, kaya sa 'kin ka lang."

"Anong hindi type? Mukhang mga ka-edad ko ang tipo niya sa babae."

"Isa Karen," pikon niyang sabi. Doon ko na nailabas ang kanina ko pang pinipigilang tawa at niyakap siya.

"Kalma, sorry." Hinalikan ko ang baba niya. "What the?" Napatigil ako ng pinahid niya sa mukha ko ang paint. "Marlo!" Kinuha ko ang paint brush at hinabol siya.

Ngunit hindi niya hinayaan ang sariling dakipin ko. Kaya nagpahanggap akong nadapa. Agad naman siyang lumapit sa 'kin at tiningnan ang tuhod ko kung nasugatan ba.

Natawa ako ng natagumpayan kong gumanti. Imbes na mainis ay natigilan ako ng makita ang ngiti na nakaukit sa labi niya. Hinawakan niya ang pisnge ko at hinaplos ito.

Napatigil ako at napakuyom ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Naramdaman ko ang lambot ng labi niya. Lalo na nang gumalaw ito.

Pumikit ako at pinulupot ang kamay ko sa batok niya para palalimin ang halik. Ramdam ko naman ang kamay niyang hinaplos ang bewang ko. Umupo siya sa sahig at hinila ako paupo sa kandungan niya.

His sinful tongue ang nagpapawala sa 'kin sa sarili. Lumayo lang ako sa kaniya ng maubusan ako ng hininga. Pero ng agad makabawi ay sinakop niya ulit ang aking labi.

Nang tuluyan na siyang tumigil ay niyakap niya ako. "Mahal na mahal kita Karen." Napapikit ako, pinigilan ang sariling maluha. Patawad Marlo.

Nang gumabi na ay dumating si Echo may dalang lechon. Sarap na sarap naman kaming kumain. "'Yong painting ko pala, kailan niya ibibigay?" tanong ko kay Echo ng matapos kaming kumain. Nilapag naman ni Marlo ang tig-iisang cup ng ice cream para sa dessert.

"Hindi ko pa alam, masyado na kasi siyang busy lately."

"Passion ba niya ang pagpipinta?" hindi ko mapigilang tanong sa kaniya.

"Hindi, marami pa siyang kayang gawin. Pero mas nag-e-enjoy siya sa math solving. Engineer siya at saka Math Professor."

Wow.

"Pakisara 'yong bibig mo," pagmamaktol na naman ni Marlo. "Mas magaling ako do'n."

"Ng math solving?" gulat na tanong ni Echo halatang inaasar ang kapatid niya.

"Shut up Kuya."

Iniwan ko muna sila roon para puntahan ang k'warto ng ama nila. Umupo ako sa kama habang hawak ang litrato.

"Hindi ako makapaniwalang anak mo ang mga mababait na lalaking 'yon. Pero hindi ako santos, Mon. Tingnan natin kung sino ang uuwing luhaan." Pinigilan ko ang sariling basagin ang litrato. Bago ko pa iyon magawa ay lumabas na ako roon at binalikan ang dalawa.

Ngayon naman ay nasa sala na sila, nanunuod ng movie. "Sa'n ka galing?" Bulong ni Marlo ng makaupo sa tabi niya at inakbayan ako.

"Nag CR lang." Sagot ko at tumango naman siya.

"Nga pala Karen." Tumingin ako kay Echo na nakaupo sa isang sofa. "Hihiramin ko muna si Marlo sa 'yo, may importante lang kaming gagawin. Kailangan ko ng tulong niya sa business na 'to. Ayos lang naman siguro sa 'yo?"

"Oo, ayos lang."

Ayos lang na mawala kayo sa harapan ko. Dahil puno ng galit ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko kayo.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now