Chapter 19 - Her Answer

11 0 0
                                    

KOH: CHAPTER 19

KAREN POV

"Kailan mo ako sasagutin?" Agad akong napamulat ng mata at hinarap siya.

Kailan ko siya sasagutin? Kailan ba siya nanligaw?

"Nanligaw ka ba?"

"Joke lang."

Sabay kaming nagsalita. Hindi ko nga alam kung narinig ba niya. Pero mukhang narinig niya. Halatang natigilan siya ng marinig ang tanong ko.

"What did you just say?" Nalilitong tanong niya. "Sasabihin ko pa sana sa 'yo na nagbibiro lang ako. Gusto ko lang ma-try 'yong mga kabataan ngayon. 'Yong manliligaw daw pero sila na. 'Yong isang accept lang ng friend request magc-chat agad na mahal ka na raw. Karen! Nanliligaw ako, bakit 'di mo alam?!" Nagsimula na siyang magmaktol. Umatras siya at lumayo sa 'kin bago niya ako inirapan.

"Malay ko ba?" Hindi ko mapigilan ang matawa sa pagiging isip bata niya. Napakaseryoso niya sa school, maybe because President siya and he needs respect from the students even though magka-edad lang sila. Gusto ko ako lang. Gusto ko ako lang ang makakakita ng ganitong side niya. Dapat ako lang.

"Lagi akong naglalagay ng bulaklak sa k'warto mo. 'Wag mong sabihin sa 'kin na iba ang iniisip mong nagbigay n'on?" Nakanguso niyang reklamo.

"Ikaw pala?" pagmaang-maangan ko.

Hindi ko na napigilan pa ang pinipigilan kong pagtawa. "Karen!" Nagpadyak-padyak siya habang sinigaw ang pangalan ko dahil sa pagkapikon. Inirapan niya ako bago mabibigat ang paghakbang na pumasok ulit sa loob. Iniwan ako rito sa may balkonahe.

Napailing nalang ako at hindi siya sinundan sa loob. Tumingin ako sa labas at tumingala sa kalangitan. Napakatahimik ng pasko, pero napakasaya. Dati kasi, tuwing nagcecelebrate kami ng pasko ni Mama. Sobrang ingay talaga namin. Kapag sumapit ang alas dose, hawak na ni Mama ang kaldero at panandok. Nag-iingay siyang tumatakbo sa labas ng bahay. Ginigising ang mga kapitbahay. Pinanganak kasi si Mama sa araw ng pasko. Kaya hindi dapat wala kaming selebrasyon.

Ito ang unang pasko, at kaarawan, isama ko na ang bagong taon na hindi kami magkasama dalawa. Gusto ko na siyang makita. Gusto kong sabihin sa kaniya na ayos lang ang nag-iisa niyang anak. Gusto kong sabihin sa kaniya na 'wag siyang mag-alala.

"Karen! Bakit 'di mo 'ko sinundan?" Napatingin ako sa likuran ko ng bumukas ang sliding glass door at lumabas si Marlo. Ngunit agad siyang napatigil at napatingin sa 'kin. "Are you okay? Why are you crying?"

Agad kong hinawakan ang pisnge ko saka ko lang napansin na umiiyak pala ako. Hindi ko man lang namalayan.

"Wala 'to." Kumunut ang nuo niya bago lumapit sa 'kin. Pinahirap niya ako sa mga fireworks bago niya ako niyakap sa likuran.

Tahimik lang siya pero ramdam ko ang pagmamahal niya. Sinasabing nandito lang siya lagi sa tabi ko.

"Marlo," malambing na pagtawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?" He hummed softly.

"'Wag mo 'kong iwan ha. Kahit anong mangyari, 'wag mo 'kong bibitawan. Patuloy mo lang hawakan 'yong mga kamay ko kahit na pagtabuyan pa kita. Kung sakali mang ayaw ko na. Basahin mo 'yong puso ko, malalaman mo kung nagsasabi ba ako ng totoo."

Tumango siya at sumiksik lalo sa leeg ko. Magkasama lang kaming dalawa sa pasko, sa bahay nagkukulitan. Hindi dumalaw si Echo, mukhang wala talaga siya tuwing pasko at bagong taon. Kasi no'ng dumating ang bagong taon. Kami lang magkasamang dalawa.

Kahit wala naman kaming mas'yadong ginagawa. Nag-e-enjoy pa rin ako dahil kasama ko siya.

"Happy New Year. I'm grateful that I spend my Christmas and New Year with you," nakangiti niyang salubong sa 'kin paglabas ko sa k'warto. Kakatapos ko lang magbihis.

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now