Chapter 27 - Let it go

6 0 0
                                    

KOH: CHAPTER 27

KAREN POV

Sinubukan kong maging busy kasama si Grace at ang jowa niya kahit na lagi akong third wheel sa kanila. Nagpapasalamat din ako kay Shang dahil hindi niya binabanggit sa 'kin si Marlo. Wala na akong balita sa kaniya. Wala na rin akong planong alamin pa.

Hindi ko alam na malalampasan ko pala lahat ng pagsubok sa senior high. Nakakatuwa lang. No'ng una, sobrang excited pumasok sa school. No'ng tumagal tagal k'unti nalang gusto nang sumuko. Hanggang sa nag grade 12.

Naiiyak sa paggawa ng system, sa oral defense sa 3I's lalo na sa oral defense sa computer programming. Masasabi mong hindi mo kaya pero mapapangiti ka nalang kapag tapos na. Nakaya ko pala, kaya ko pala.

Kung sumuko na ako, wala ako sa katayuan ko ngayon. Kung sumuko lang ako, marami akong magiging regret pagdating ng panahon.

Kinabahan para sa entrance exam for college. Kinabahan sa interview. Pero ang lahat ng kaba, nalampasan. Dahil kahit na may pagdududang kaya ko ba? Ay hindi pa rin tumigil hanggang sa nasabi ko na lang na kaya ko pala.

Sinampal ko ang sarili dahil sa iniisip ko. Mas'yado akong madrama. Umiling iling ako at inayos na lahat ng gamit ko. Nag research ako tungkol sa magiging college life ko.

Sabi nila kung mahirap sa senior high, mas million times ang hirap sa college. But hey, nakaya ko nga, saka pa ba ako susuko?

No'ng araw ng graduation namin, tinawag ang pangalan ni Marlo. Pero hindi ko nakita kung nando'n ba siya. Dahil iniiwas ko ang sarili sa kaniya.

Malapit na ang first day life ko sa college. Nakaka excite, magkakaroon ng bagong kakilala. Mapapasabi na lang talaga ako na, 'Malayo na, pero malayo pa.'

Malayo na ang narating ko, pero malayo pa ang patutunguhan ko.

"Karen! Nandito na si Grace!" Tumingin muna ako sa salamin bago tumakbo pababa.

Ngumiti ako ng makita si Grace, pero nawala kaagad iyon ng dumiretso siya sa kusina. Halatang kakain. Inirapan ko siya at sumunod sa kaniya.

"Nandito ka ba para makita ako o nandito ka para makikain?"

Binelatan lang niya ako habang natatawa naman si Mama sa 'ming dalawa. Kumain na rin ako kasabay siya.

May lakad kami mamaya, bibili kami ng mga gagamitin naming dalawa for college.

"Magkakalayo na kayo." Napatigil ako ng marinig ang sinabi ni Mama.

Napanguso naman si Grace at tumigil din katulad ko. "Kaya nga po, gusto ko sanang samahan si Karen. Kaya lang wala talaga akong hilig sa pag design ng mga damit at sa paggawa. Baka first day ko pa lang do'n iiyak na ako."

"Aalis ka ba talaga?" mahinang tanong ko kay Grace.

Napabuga siya ng hangin at dahan dahan na tumango. "Sa states ako papaaralin ni Mama. 'Wag kang mag-alala, pag nagkita tayo ulit. May pastry shop na ako." Napangiti ako sa narinig.

"Ine-expect ko na 'to. Lahat naman tayo, mag-iiba rin daan. May kaniya kaniya tayong tatahakin."

Tumayo si Grace at yumakap sa 'kin. "Bukas na ang alis ko, please see me off."

"I will," nakangiti kong sabi.

Kinabukasan, hindi ko mapigilan ang malungkot ng makita kong hila hila ni Grace ang maleta niya. Nakatalikod na siya sa gawi ko, naglalakad papasok sa loob. Huminto siya at humarap sa 'kin at kumaway.

"Grace!" Napatigil ako ng marinig ang malakas na sigaw na 'yon.

May malaking tao ang tumakbo palapit sa gawi ng kaibigan ko. Binitawan ni Grace ang maleta at sinalubong ang nakatalikod na lalaki sa gawi ko.

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now