Chapter 31 - Boarder

5 0 0
                                    

KOH: CHAPTER 31

KAREN POV

Halatang nagulat siya ng makita ako pero wala naman akong narinig na reklamo mula sa kaniya. Sabihin na ko na lang na, hindi niya ako kinakausap. Kaya wala akong naririnig mula sa kaniya.

Gustuhin ko man siyang kausapin ay hindi ko alam kung paano. Napakatahimik. Dahil sa sobrang laki ng bahay, nararamdaman kong parang ang layo na naming dalawa.

Kaya ko ba itong simulan? Makakaya ko ba itong ipagpatuloy?

Pumunta ako rito na walang plano, para lang akong nakisali sa g'yera na walang dalang kahit ano.

Hindi siya mas'yadong lumalabas ng k'warto niya simula no'ng araw na lumipat ako rito. Halatang iniiwasan niya. Halata sa mga galaw niya na ayaw niyang nandito ako. Wala man siyang sinasabi, pero nararamdaman ko.

Nagtungo ako sa may harden dala ang sketchpad ko. Nalaman ko kay Echo na matagal ng walang tumitira rito pero nang makita kong malinis ang lugar ay mukhang inaalagaan pa rin ito. O baka si Marlo ang naglinis ng lugar. Malay ko sa kung anong nangyari sa limang buwang paghihiwalay namin.

"Marlo." Tawag ko sa kaniya ng mapansing pababa siya ng hagdan. Nakapang lakad siya na damit.

"Bakit?" tanong niya.

Inaayos niya ang suot na polo, tinupi niya ito hanggang siko kaya hindi siya nakatingin sa 'kin. Hindi ko mahanap ang salitang gusto kong sabihin sa kaniya bigla akong naputulan ng dila habang nakatingin sa nakaayos na si Marlo. May date kaya siya?

Nag-angat siya ng tingin ng mapansin na hindi ako nagsasalita. Tumaas ang kilay niya para sabihing ano ang gusto kong sabihin sa kaniya bakit ko siya tinawag. Pero hindi ko mahanap ang salitang gusto kong sabihin.

"Aalis ako, kapag sobrang gabi na hindi pa rin ako umuuwi pakisara ng gate." Naglakad na siya paalis. Narinig ko pa ang pag-alis ng sasakyan niya.

Napaupo ulit ako sa sofa at niyakap ang tuhod ko. Sa tuwing sinusubukan kong gumawa ng paraan na magkausap kami, para akong hinarangan ng tadhana at sinasabing wala na akong karapatan.

Talaga nga bang wala nang pag-asa na magkabati kami?

Nang matapos akong kumain ay nagtungo ako sa k'warto ko rito sa mansion. Humiga ako sa kama at nagpa music. Pumikit ako habang pinapakinggan ang Magbalik by Callalily.

Mabilis na lumipas ang oras. Alas diyes na ng gabi, pero hindi pa rin siya bumabalik. Pabalik balik ako ng tingin sa may balkonahe, baka sakaling umuwi na siya.

Bumalik ako ulit sa loob at umupo sa kama. Nang nakarinig ako ng tunog ng sasakyan ay agad akong tumayo. Akmang bubuksan ko ang pinto nang mapatigil ako.

Baka aakalain niyang naghintay ako sa kaniya.

Naghintay ako ng ilang minuto bago ito binuksan. Pareho kaming natigilan ng makita ang isa't isa sa harapan. Nasa ere ang nakakuyom niyang kamao na mukhang kakatok. Halos lumuwa na ang mata niya sa laki nang makita niya ako sa harapan niya.

Binaba niya ang kamay at umayos ng tayo. Tumikhim siya, tumingin pa sa kanan niya at inayos ang buhok bago tumingin ulit sa 'kin.

"G-gising ka pa pala."

"Nagising lang ako, iinom lang ako ng tubig." Turo sa baba para tukuyin na tutungo ako sa kusina.

"May maliit na ref ang k'warto mo," biglang sabi nila.

Tumikhim ako at tumango. Tinuro ang sa loob. "Pasok na ako."

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin, nang hindi siya sumagot ay pumasok na ako sa loob. Yumuko ako ng k'unti at sinara ang pinto. Ngunit pinigilan ito ng kamay niyang nakahawak sa pinto.

"Gusto mo nang gummy?"

My mouth slowly parted. Tumikhim ako at tumango.

"Gummy worms nga lang."

"It's fine, as long as it's a gummy."

"Nasa k'warto ko, kukunin ko lang." Umalis siya saglit para kunin ang gummy worms, pagkarating niya may dala siyang garapon at binigay sa 'kin.

"Thank you."

"You're welcome. Amh, tulog ka na?" Tumango ako at ngumiti.

Shit! This is awkward.

Sinara ko na ang pinto. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang yakap ang garapon ng gummy. Nilapag ko ito sa may bedside table bago binuksan ng k'unti ang pinto para sumilip sa kaniya.

Kinagat ko ang ibaba kong labi ng sumayaw sayaw siyang naglalakad patungo sa k'warto niya, bigla pa siyang tumalon at sumuntok sa ere, ngunit biglang nawalan ng balanse ang paa niya kaya muntik na siyang natumba, buti na lang at nakahawak siya sa may railings. Tumikhim siya at tumingin sa may pinto ng k'warto ko.

Mabilis akong pumasok ulit sa loob habang ang kamay ko ay nasa dibdib dahil sa kaba. Nakita niya kaya ako?

Nakatulog ako habang yakap yakap ang garapon na may laman na gummy na bigay ni Marlo. Nang nagising ako kinabukasan ay wala na siya. Mukhang umalis na naman. Pagkatungo ko sa kusina, may nakita akong nakatakip kaya kinuha ko ang takip para tingnan ang pagkain.

Napangiti ako ng makita ang adobo at gummy sa isa pang platito. Nang matapos akong kumain ay lumabas na muna ako sa bahay at nagtungo sa harden dala ang mahiwaga kong sketchpad.

Sabado na ngayon, sa lunes na ang first day of school. Medyo kinakabahan ako na na-e-excite sa paparating na klase, may bago akong makikilala, may mga bago akong maguguhit.

Napatayo ako sa bench na inuupuan ko ng makarinig ng pagtikhim. Nakatayo si Marlo sa likod ko nang makita ko siya pagharap ko.

"S-si kuya, amh, si kuya hinahanap ka." Tumango ako at nauna nang pumasok sa loob.

Nakita ko sa may sala si Echo, umiinom ng juice. Nang makita niya ako may patagong ngiti na nakaukit sa mga labi niya. Nilapitan ko siya at palihim na kinurot. Napasigaw naman siya sa sakit kaya pinalo ko ang braso niya para patahimikin siya.

Nilibot ko ang tingin sa loob, napatikhim ako at napaayos ng upo ng makita kong nakatayo sa may pintuan si Marlo habang nakasandal.

"Why are you here?" tanong ni Marlo sa kuya niya.

"Tinitingnan ko lang kung maayos lang ba ang boarder ko."

Kumunut ang nuo ni Marlo sa narinig mula sa kuya niya. "Akala mo papahirapan ko ang boarder mo?"

"Hindi naman, may tiwala naman ako sa 'yo. Sa kaniya lang hindi."

"Echo!" pabulong na singhal ko sa kaniya. "Magkakampi tayo baka nakakalimutan mo." Pinanlakihan ko siya ng mata.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now