Chapter 3 - European

20 1 1
                                    

KOH: CHAPTER 3

KAREN POV

Sa wakas ay natapos ko narin si Marlo-char. Natapos ko narin sa wakas ang bodega niyang buong buhay yatang hindi inalagaan. Nang malinis na ay lumabas ako at naabutan ko siyang nagbabasa ng makapal na libro suot ang eye glasses nito na nakapagdagdag karisma sa kaniya.

Nerdy Handsome Boy. . .

Lumapit na ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Bago ako sumilip sa binabasa niya. "Mag D-doctor ka?" gulat na tanong ko.

Hindi ko aakalain na doctor pala ang kukunin niya. Well, o baka curious lang siya kaya nagbabasa. Pero nagsasayang lang siya ng oras kung gano'n.

"Oo," simpleng sagot lang niya.

Wow! Doctor. Talaga ngang magdo-doctor siya. Ang hirap ng kukunin niya. Pero kung talaga ngang pangarap niya ito sigurado akong maaabot niya 'yon. Balita ko matalino siya. 'Yan ang sabi ni Grace sa 'kin-na kaibigan kong may crush kay Pres.

Iniisip ko palang. Parang... "Bagay sa 'yo." Napaangat siya ng tingin dahil sa sinabi ko. Ang uniform niya. Ang puti, tapos ang stethoscope na nasa leeg nito.

Nag-iwas ako ng tingin ng makaramdam ng pagkailang. Rinig ko ang pagtikhim niya.

"Nandito na 'yong pizza!" Nagpasalamat ako ng dumating si Echo. Kasama ang isang Delivery Boy. Tatlong box ng pizza ang dala nito. "Maupo ka Timothy," sabi nito sa delivery boy.

Nagtaka pa ako dahil kilala niya ito. Siguro madalas silang umorder ng pizza kaya gano'n. Ngunit nalaman kong kapatid pala si Timothy ng kaibigan ni Echo. Kaya close rin sila.

Nakaupo kami ngayon rito sa may garden. Naglapag sila ng picnic blanket at doon kami kumain. Hindi ko mapigilan ang 'wag tumingin kay Timothy. Ang gwapo kasi mga besh! Tayka? Kailan ka pa naging malandi Karen? Nagigising katunog muna si Shang.

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa pagpitik ni Marlo sa tainga ko. Napahawak tuloy ako roon dahil sa sakit bago siya sinamaan ng tingin.

"'Wag mong pagdiskitahan ang bata," pagalit na anito.

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain. Akala ko mga spoiled brat ang mga mayayaman. Walang mga modo dahil ginto ang kinakain. Walang mga hiya dahil maraming pera. Parang langgam ang tingin sa mga mahihirap dahil mas nakakaangat sila. Pero nagkamali ako, mali palang hinusgahan ko sila.

Hindi nga talaga tunay na masama ang mga mayayaman. Merong iba na oo pero 'wag lahatin.

Nalaman ko rin na Zafueta si Timothy. Kilalang kilala ang mga Zafueta lalo na ang Kuya nito na si Terrious. Wala talaga akong alam tungkol sa mga mayayaman pero dahil interesado naman si Grace doon ay naikukuwento niya sa 'kin.

Nagpaalam na rin si Timothy na aalis na daw siya dahil marami pa siyang pending order. Umalis na rin si Echo pagtapos dahil may pupuntahan pa raw siya. Kaya kami nalang tuloy dalawa ang naiwan rito.

No'ng hapon na ay umalis na rin ako. Pero dahil baka gabihin raw ako ay nagboluntaryo si Marlo na ihatid nalang ako.

"Nag cutting ako dahil sa 'yo." Paninisi ko sa kaniya habang nagd-drive siya.

Graduating pa naman ako. Buti nalang wala akong major subject ngayong araw.

"Bakit TVL-ICT ang strand na kinuha mo?" pambabalewala niya sa sinabi ko 'pagkat ay nagtanong nalang siya.

"Akala ko kasi pindut-pindut lang," natawa ako sa kabaliwan ko. "Utak mo pala 'yong pipindutin hanggang sa sumabog. Akalain mo 'yon Animation tapos Programming."

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now