Chapter 13 - First Customer

12 1 0
                                    

KOH: CHAPTER 13

KAREN POV

Ilang linggo rin kaming nanatili roon sa resort, kung ano anong ginagawa naming adventure. Minsan naman sinasamahan kami ni Terrious. Kahit na halata sa mukha nito na ayaw niyang sumama ay mukhang may pumilit sa kaniyang samahan kami. Sino kaya ang pumipilit sa kaniya at hindi siya makatanggi?

Halos natikman na rin namin lahat ng pagkain rito sa mga restaurant sa resort. May mga bagong nakilala. Hindi nakakasawang tingnan ang pag-akyat at paglubog ng araw. Lalo na ang mga painting na gawa ni Terrious na nagpapaganda sa lugar.

Kaya ng makauwi kami ay hindi ko mapigilan ang ma-miss ang ganda ng lugar, ang simoy ng hangin at ang ingay ng alon.

Ilang araw nalang balik skwela na. Grade 12, parang ang bilis lang ng panahon. Graduating na kami, parang ayaw ko pa. Char, s'yempre gusto ko na. Nagddrama lang.

Sabay kaming naghanda dalawa sa paparating na balik skwela. Kaya nang dumating ang araw na iyon sabay kaming pumasok dalawa sa school. Dumiretso ako sa classroom namin, habang siya naman ay ginagampanan ang responsibilidad bilang SSG President.

As usual, sobrang ingay ng classroom. May nag-aasaran, malakas na tawanan at kuwentuhan. Habang ako rito sa may likod ay tahimik lang silang pinagmamasdan. Sinundan ko ang galaw si Shang ng naglakad siya papunta sa gawi ko.

Dahil wala namang nakaupo sa tabi ko ay doon siya umupo habang nakaharap sa 'kin. "Kumusta ang bakasyon kasama si Pres?" Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka may makarinig.

"Pa'no mo nalaman?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Hinuhuli lang kita." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Tsismosa talaga ang babaeng 'to. Natawa naman siya ng makita ang reaksyon ko.

Balik klase na, walang masyadong introduce yourself ang naganap dahil ang mga naging kaklase ko no'ng grade 11 ay kaklase ko hanggang ngayon. Ang ibang guro siguro na hindi kami na handle last semester ang nagpa introduce sa 'min.

Kahit na bagong balik klase pa lang ay ramdam mo na ang bigat. Sinasabi pa lang nila ang mga possibleng mangyari sa 'min ngayong semester ay parang kinakabahan na ako.

Sabay kaming umuwi ni Marlo. Hinintay ko pa siyang matapos sa mga ginagawa niya bago kami nakauwi. Hindi naman kami ginabi, hindi pa naman madilim.

"Parang pagod na pagod ha," pang-aasar ko sa kaniya.

"Binigay kasi nila sa 'kin ang mga lista sa mga magaganap na event this school year. Parang nakakamatay." Pagkatapos niya iyong sabihin ay tumawa pa siya. "Nga pala, may pupuntahan tayo."

"Saan naman?" takang tanong ko sa kaniya.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan kaya pumasok ako at nag seatbelt. Hinintay kong makapasok siya at makaupo. Pinainit niya muna ang makina bago siya nagmaneho.

"Secret. Sigurado akong magugustuhan mo." Kibit balikat lang ako sa sinabi niya.

Magugustuhan ko naman daw e. Hindi naman masyadong malayo ang pinuntahan namin. Huminto ang sasakyan sa harap ng malaki na kulay green gate. Sinalubong kami ng security guard, nag-usap naman silang dalawa ni Marlo. Kita kong tumango ito bago binuksan ang malaking gate para sabihin na pumasok kami.

Napahanga ako sa ganda ng lugar. Napaka linis ng paligid, ang sarap sa mata ang mga kulay berdeng kapaligiran. Naagaw ng pansin ko ang playground doon sa gilid. Umikot pa kami sa isang fountain bago pinark ni Marlo ang sasakyan. Sabay kaming lumabas dalawa.

May dalawang mag-asawa naman ang lumabas galing sa bahay at sinalubong kami. Mukhang inaasahan na nilang darating kami. Si Marlo na ang humarap sa mag-asawa. Habang ako ay nasa likuran niya. Nahihiya sa kanila.

"Hello Mr. and Mrs. Escalante." Nagkipagkamayan si Marlo sa mag-asawa.

"Siya ba ang tinutukoy mo?" Napunta sa 'kin ang atensyon nila. Hindi ko mapigilan ang mapahawak sa braso ni Marlo dahil sa kaba. Bakit sila sa 'kin tumitingin? "Pasok kayo." Nauna na ang mag-asawang pumasok sa loob.

"Ibebenta mo ba ako sa kanila? Ayaw mo na ba sa 'kin?" Humigpit ang paghawak ko sa braso niya ng humakbang siya para sumunod sa mag-asawa.

Napahinto siya at napabaling sa 'kin. Rinig ko naman ang malakas na tawa niya. "Kung ibebenta kita, hindi ka nila afford. 'Cause you're priceless." Agad akong napabitaw sa pagkahawak sa kaniya ng maramdaman ang panlalambot ng kamay ko. Ramdam ko ang kuryenteng bumalatay sa buo kong katawan. "Tara na? Hey, don't worry. Hindi kita ibebenta. Sa 'kin ka lang dapat."

Nauna na siyang pumasok sa loob. Agad naman akong sumunod sa kaniya. Tumambad sa 'kin ang malawak na bahay. Marami akong mga pinto na nakikita. Hindi ko alam kung ano ano. May malaking gold chandelier. Naagaw ng pansin ko ang tatlong makukulit na bata na nakaupo sa isang malaking sofa na ginawang parang trono.

Napabaling ang atensyon ko kay Marlo ng hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa harap ng malaking canva. Tiningnan ko isa isa ang mga brush lalo na ang mga kulay ng paint.

Nang sinilip ko ang mga bata. Nakaupo na ang mag-asawa roon. Nakaupo sa hita ni Mrs. Escalante ang isang batang lalaki, ang isa pang batang lalaki ay nakaupo sa hita ni Mr. Escalante habang ang ikatlo naman ay nasa may uluhan ng ama niya. Sobrang laki ng ngiti nito habang sinasabunutan ang Ama.

Ang cute ng triplets. Kay gagwapong bata, siguradong habulin ng babae pagkalaki nila.

"Sila ang Triplets ng Escalante. Si Mino, Niro at Mico. Ang pamilyang Escalante ang first client mo." Unti unting pumasok sa isipan ko ang lahat.

Ang pagdala niya sa 'kin dito, ang magpamilyang nasa harapan ko, lalo na ang mga gamit na pang pinta. Hindi ko mapigilan ang saya sa puso ko. Hinaplos ko ang canvas bago nagsimula nang magpinta. Tiningnan ko muna ang angle nila.

"Nasa'n po ang kusina niyo rito?" Rinig kong tanong ni Marlo sa mag-asawa habang ako ay busy sa pagpinta.

Tumingin ako sa tabi ko ng wala na akong marinig na ingay. Saka ko lang napansin na wala na si Marlo roon. Binalewala ko na lang ang paglaho niya at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Alam mo bang si Marlo ang recruit sa 'yo?" Napatigil ako sa paglagay ng kulay ng chandelier ng marinig ang sinabi ni Mrs. Escalante. Inilayo ko ang brush sa canvas ng nagsimula ng manginig ang kamay ko. "He said, magaling ka raw. Dahil ka business partner ng Asawa ko ang Kuya niya, nagtiwala kami sa kaniya. Basi sa reaksyon mo, mukhang hindi mo alam."

Talagang hindi ko alam!

"Maswerte ka, nabihag mo ang isa sa Atienza."

"Po?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Lumaki ang ngiti niya bago umiling. Binalewala ko na lang iyon at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Nabihag ko ang isa sa Atienza? Sino naman? Anong ibig niyang sabihin?

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now