Chapter 28 - Kuya Echo

7 0 0
                                    

KOH: CHAPTER 28

KAREN POV

"Do you still want to revenge?" Natigilan ako sa naging tanong niya. Kulang pa ba? Kailangan ko pa ba? Nagawa ko na ba? Tapos na ba? "I want to wake you up. Wala silang kasalanan."

Umiling ako. "Alam ko, pero patay na si Sir Mon. Alangan namang hukayin ko siya at suntukin diba?" Natawa siya sa sinabi ko. "Mama naman!"

"Seryoso, wala talaga silang kasalanan. Namatay ang Papa mo kasi pinili niya. Walang may kasalanan. Ano bang sinabi ni Jose sa 'yo?"

Ano bang sinabi ni Papa sa 'kin? "Mama." Naiyak ako ng maalala ang lahat. Natawa naman siya at niyakap ako.

"Sinabi niyang 'wag kang magtanim ng sama ng loob kahit na kanino. Marunong kang magpatawad. Dahil sa oras na may galit ang puso mo, ang galit ang kukuntrol sa 'yo. Mon sons are innocent Karen. Si sir Mon din."

Nagsimula nang magpaliwanag si Mama sa mga nangyari dati para gisingin ako sa katutuhanan na mali ang ginawa ko.

"Namatay sa Cancer si Mon. Humingi ng tawad sa 'min si Echo dahil kailangan niya kaming tanggalin lahat sa trabaho. May last pay siyang binigay sa 'min. Sinabi ko iyon sa Papa mo. Pero pinili niyang 'wag na siyang gamutin. Ilang beses ko siyang pinilit na magpagamot. Pero ayaw niya. Dahil ang perang natitirang naipon ko, ay gamitin ko na lang sa pag-aaral mo. Wala silang kasalanan, naging mabait sila sa pamilya natin."

Mas lalo akong naiyak ng malaman na mali ako. Sinaktan ko ang taong mahal ko dahil lang sa maling akala ko. Nabulag ako sa galit, kaya nakalimutan ko lahat ng mabubuting ginawa ng magkapatid sa 'kin.

Kinupkop nila ako no'ng araw na tinaboy ako ng mga kadugo ko. Pinatira nila ako ng libre, pinakain. Wala akong sumbat na narinig mula sa kanila.

Ni minsan hindi sila nagreklamo dahil nakatira ako sa bahay nila. Malaki ang tiwala nila sa 'kin, pero pinili kong sirain iyon, dahil lang sa galit ko.

Napaka immature ko.

"Mag-ayos ka na. Kakain na tayo." Tumayo na si Mama at lumabas sa k'warto ko.

Nagtungo ako sa banyo at naligo. Nang makapag-ayos na ako ay nanatili muna akong nakatayo sa harap ng salamin. Halata ang pamamaga ng mata ko. Napabuga ako ng hangin at lumabas na.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko para maging maayos kami. Alam kong hindi na nila ako mapapatawad dahil sa ginawa ko.

Nang makababa ako ay dumiretso ako sa kusina. Napatigil ako ng mapansin ang isang tao na nakaupo sa isang upuan habang nakaharap kay Mama.

"Anong g-ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

Agad naman siyang napatayo ng makita ako. "Gusto kitang makausap."

"Tungkol saan? Pagbabayarin mo ako sa pagtira ko sa bahay niyo at sa mga nagastos niyo sa 'kin?" Tumayo ako sa harapan niya at tumayo kay Mama.

"Kusang loob ka naming pinatira at pinakain. Bakit kita pababayarin?" Tama nga naman. Wala akong utang na loob sa kanila dahil kusa silang tumulong. Pero kahit na! Dapat pa rin akong magpasalamat sa ginawa nila.

"Anong gusto mong pag-usapan?" Naghila ako ng upuan at umupo sa tapat niya. "Maupo ka." Sumunod naman siya.

"Naka move on ka na ba? Wala na bang pagmamahal na natira sa puso mo para sa kapatid ko?"

"So, ang pag-uusapan natin ngayon ay si Marlo? Tama ba Echo?" Tumango siya. Tumayo ako at aalis na sana ng hawakan ni Mama ang braso ko at umiling.

"Listen anak, sige na."

"Nakikiusap ako sa 'yo. Pakinggan mo muna ako." Tumayo siya at lumapit sa 'kin.

"Maiiwan ko muna kayo."

"Bakit ikaw ang nandito? Bakit hindi siya?" Kapal ng mukha ko, siguro nasaktan si Marlo sa nangyari kaya wala siya.

"Hindi na sa 'kin nakatira si Marlo."

"What? Nasa'n siya?" Biglang lumaki ang tainga ko sa narinig mula sa kaniya.

"Galit si Marlo sa 'kin. Lumayas siya, no'ng una hinayaan ko. Pero naging sarado na ang puso niya sa 'kin. Kailangan ko pang mag hire ng private investigator para lang malaman ang mga ginagawa niya. K-Karen." Bigla nalang pumiyok ang boses niya ng tinawag ang pangalan ko. Napatigil ako ng makitang nagsimula nang mamula ang mata at ilong niya. "Umalis sa poder ko si Marco. Ayaw kong pati si Marlo lumayo na rin sa 'kin. Wala na ba talaga? Hindi mo na ba siya mahal? Karen nakikiusap ako sa 'yo. Sa 'kin ka na magalit, ako ang gantihan mo, ako ang saktan mo. Gagawin ko lahat ng ipapagawa mo. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Sa 'kin ka na lang gumanti 'wag na sa kaniya."

Napapikit ako at sinubukan kalmahin ang sarili, pero sumisikip ang lalamunan ko dahil sa pagpigil kong umiyak.

"Sorry, h-hindi ko alam na dahil sa ginawa ko may madadamay na buhay. Nakikiramay ako. Nang mawala si Daddy, namuhay mag-isa si Marco. At dahil tanging kaming dalawa na lang ni Marlo sa bahay, hindi na namin kailangan ng mga katulong. Patawad, h-hindi... h-hindi ko alam na mangyayari 'yon. K-kung alam ko lang, natulungan ko sana kayo."

Napaatras ako ng lumuhod siya sa harapan ko. "Patawarin si Marlo, ako na lang. Ako na lang ang pahirapan mo, 'wag na siya."

"Mecho!" Agad napasinghap si Mama ng makitang lumuhod sa harapan ko si Echo. Sinubukan niya itong patayuin pero nagmatigas ito.

"Hayaan niyo po ako Nanny Karla, pakiusap." Wala na ring nagawa si Mama kun'di ang hayaan si Echo sa ginagawa niya.

"Tumigil ka na Echo," matigas kong sabi.

Umiling siya. "Ako na lang sige na. Wala siyang alam sa nangyari dati. Ako na lang, 'wag na siya. Saktan mo 'ko, gamitin mo 'ko, ipagawa mo sa 'kin lahat. Gagawin ko, hahayaan kita. Hanggang sa makuntento ka."

"Tama na please."

"Alam kong mahal mo siya."

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Napapadyak ako sa inis. "Luluhod ka kahit kanino para lang sa dahilan na 'yan?"

"Gagawin ko lahat. Ibibigay ko lahat sa mga kapatid ko kahit na maubos pa ako." Nakayuko sabi ni Echo habang nakaluhod sa harapan ko.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin