Chapter 2 - Type

26 1 1
                                    

KOH: CHAPTER 2

KAREN POV

Kikiligin na sana ako e. Kung hindi lang niya ako dinala dito sa Bodega na magulo, maalikabok. Hay naman!

Medyo romantic pa naman ang paghila niya sa 'kin at pagsakay ko sa kotse niya. Dinala niya ako sa isang malaking mansion. Sobrang haba pa nang dadaanan bago kami nakarating sa mala palasyong bahay. Akala ko pa naman papasok kami sa loob, bigla ba naman kaming lumiko at dinala niya ako dito sa may bodega.

"Maglinis ka."

Nakapameywang akong humarap sa kaniya. "Ito na ba ang una mong ipapagawa sa 'kin?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi. Free trial palang 'yan." Tumalikod siya sa 'kin at pumasok sa loob.

Tama nga ako! Maalikabok, madilim at madumi rito sa loob. May mga tambak na mga gamit.

"Gusto kong ayusin mo rito. Gawin mo na parang bago parin. Sayang kasi itong Bodegang 'to. Gagamitin ko lang. Gagawin kong tambayan tutal malapit lang naman ito sa may garden."

"Ano ako? Architect? Engineer para eh-renovate 'to? Tigil-tigilan mo nga ako Mister Atienza."

"Hindi ka nga Architect o Engineer pero may utang ka sa 'kin o baka gusto mong sabihin ko nalang kay-"

"Oo na! Oo na! Gagawin ko na. Hay naman e!"

Nag stretching muna ako bago nagsimula. Panay ang ubo ko sa mga alikabok. Hay naman, parusa ba 'to? Grabe naman kung gano'n.

Gusto ko mang hubarin ang jacket ko dahil ang init ay tinatamad akong gawin 'yon. Naglinis tuloy ako na nakajacket lang.

Ang mga gamit na may halaga pa ay tinatabi ko. Binubuhat ko ang mga gamit at inilabas lahat roon. Napakatanghaling tapat pa naman ako pinalinis.

"Nakakapagod, wala man lang snack," pagpaparinig ko.

Nasa gilid siya sa may harden. Nakaupo sa may bench hindi siya naiinitan dahil nakasilong siya sa may mga maraming bulaklak.

Mahihiya ang mga diwata ng bulaklak sa parang diyos na nakaupo roon. Napakagwapo e. Ilan na kaya ang mga naluko sa karisma nito?

Ramdam ko ang pagtingin niya sa 'kin kaya lumingon ako. Saktong pagkalingon ko ay inirapan niya ako bigla bago nagpatuloy sa ginagawa niya sa cellphone.

Aba! Attitude si Sir! Ang damot pa! Wala man lang snack! Kun'di juice man lang, ang init kaya.

Nakaramdam narin ako ng gutom pagkatapos kong buhatin ang mga gamit palabas sa bodega. Bago ako nag-vacuum at nagwalis. Hindi ko mapigilan ang itaas ang damit ko sa sobrang init. Pinusod ko narin ang buhok ko at nagpatuloy sa pagwawalis.

"'Wag mong itaas 'yang damit mo. Kay babae mong tao," biglang pagalit niyang sabi.

"Ay sorry naman po. Kay init naman po kasi," sarkastika kong sabi.

"Anong nangyayari rito?" Sabay kaming napabaling sa pumasok. Taka niyang tiningnan ang mga gamit na nasa labas at nilibot ang tingin sa bodega bago napako ang tingin niya sa 'kin at sa tiyan ko. Bigla akong tinubuan ng hiya kaya binaba ko na ulit ang jacket na sout ko. "May kasama ka pala."

"Hindi na mahalaga 'yon. Ipagpatuloy mo nga 'yang ginagawa mo!" biglang singhal niya sa 'kin.

"Hey Marlo. Don't be rude. Babae 'yan. Be gentleman naman." Pagalit bigla na sabi ng lalaki kay Marlo.

"Be gentle naman," he mocked. "Ay sus! Mas lalaki pa 'yan sa 'kin 'no!" Turo niya sa 'kin.

Natawa naman ang lalaki. Napaiwas ako ng tingin dahil gagi! Ang gwapo! Kung gwapo si Marlo mas gwapo itong kaharap namin.

"Kumain kana ba?" Biglang tanong niya sa 'kin.

"Busog pa po ako," nahihiya kong sabi.

"Busog pa daw. Kanina pa 'yan nagrereklamo. Wala daw snack."

Bigla siyang nakatikim ng batok. "Bakit 'di mo naman binigyan ng snack?"

"Masakit 'yon Kuya! Ang sakit mo mambatok!"

Kuya? Kuya niya 'to? Sabagay pareho silang gwapo e. Lalo na ang parehong kulay ng mata nila. Magkahawig rin sila. Mas matangkad nga lang ang Kuya niya ng k'unti.

"Ako si Echo. Tara sa loob, kumain muna tayo." Umuna na siya.

Sumunod naman kami sa kaniya. Pumasok kami sa loob ng mala palasyong bahay na 'to. Sobrang linis at kintab. Lalo na ang mahahabang sofa na panigurado akong malalambot ang mga ito. Ang malaking flat screen T.V may malaking chandelier ka din na makikita. At ang mahaba nitong hagdan.

"Ilan 'yong nakatira rito?" Hindi ko mapigilan ang 'wag magtanong.

"Kami lang dalawa," nakangiting sagot ni Echo bago kami nagtungo sa kusina.

Sila lang dalawa? Tapos pwede nang tumira ang buong barangay sa sobrang laki rito. Grabeng pinagpala naman.

Sobrang habang mesa ang tumambad kaagad sa 'min pagkarating namin sa Dining. May mga prutas at bulaklak sa gitna. May kandila pa. Para tuloy silang bampira.

"Maupo ka," utos niya sa 'kin na sinunod ko naman.

Napatingin ako kay Pres ng kinuha niya ang cellphone ng Kuya niya. "Bakit ang recent call mo ay ang number ng Carcar Kuya?" takang tanong nito. "'Wag mong sabihin sa 'kin na nag-order ka na naman ng Lechon! Kuya naman!"

"Kalma, hindi ako nag order para ulamin natin ngayon. 'Yong inorder kong lechon ibibigay ko sa bagong kasal. 'Yong isa naman sa isang may birthday, ninong kasi ako no'ng bata. Tapos 'yong limang lechon naman binigay ko sa Orphan."

"Ilan 'yong binili mo talaga?"

"Pitong lechon," parang wala lang na sagot nito.

The heck! Pitong lechon? Tapos sa pagkaalala ko ang presyo ng lechon ay 10 or 7 thousand 'ata ang medyo mura tapos nasa 20's na ang mahal baka nga sobra pa eh.

"Paborito mo talaga 'yong lechon 'no," wala sa sarili kong sabi.

Napabaling tuloy sa 'kin ang atensyon ng magkapatid. Nag-iwas ako ng tingin.

"Sobra," nakangiti nitong sagot. "Sobrang paborito ko 'yong lechon. 'Yan kasi 'yong ulam na hindi ko nakakain dati." Gusto ko pa sana magtanong kaya lang pinanatili kong tumahimik nalang. Baka may matanong o masabi pa akong sumobra na sa linya.

May nilapag siyang mga ulam na ininit lang niya.

"Pasensya na. 'Yan lang muna. Tinatamad ako magluto. Mag-pizza nalang tayo mamaya."

"Ayos lang ano kaba." Nahihiya na ako.

Hay naman, meron pa pala sa mundong ito na sobrang gwapo na, sobrang bait pa.

"Hindi ka type ng Kuya ko," biglang bulong ni Marlo sa 'kin pagkaalis ng Kuya niya dahil may tumawag sa cellphone nito.

Panira 'to!

"Hindi ka niya type pero type kita. Hindi naman sa sinasabi kong gusto kita pero sinasabi ko lang na... type kita." Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos sabihin 'yon. "'Wag kang feeling ha. Type lang naman kita hindi ko naman sinasabing gusto kita."

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now