Chapter 17 - Amira

9 0 0
                                    

KOH: CHAPTER 17

KAREN POV

Hindi ko alam kung pa'no siya haharapin dahil sa biglaang pag-amin ko kagabi. Paalis na sana ako sa bahay ng biglang lumitaw sa harapan ko si Echo. Tumaas ang kilay niya ng makita ako.

"Hindi pa rin kayo nagkakabati?" Ramdam ko ang pamumula ng buo kong mukha dahil sa tanong niya. Bigla kong naalala ang kahihiyan ko kagabi. "Ba't ka namumula? Hinalikan ka ba niya?"

"Hindi 'no!" Mabilis na sagot ko.

"Ohayo kuya." Humihikab pa si Marlo na bumaba sa hagdan.

"European ka, bakit ka biglang naging Hapones?" pagbibiro niya sa kapatid.

"Ginagawa mo rito? Ayos na kaming dalawa. Bati na kami. Diba?" Humarap siya sa 'kin at kumindat.

Nanlaki ang mata ko at nag-iwas ng tingin. Why did he wink? At bakit ang sexy niya tingnan?

"Umamin na ba siya sa 'yo o ikaw ang umamin?" Agad kong tinulak palayo sa 'kin si Echo ng bumulong siya sa 'kin.

"Tsismoso ka!" singhal ko sa kaniya.

Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. "Mukhang maayos na nga kayo." Tumatango pa siyang kinakausap ang sarili. "Alis na ako! Stay strong." Tumalikod na siya at tuluyan na ngang umalis.

Agad akong tumakbo palabas at hinabol si Echo. Nang tumunog ang alarm ng sasakyan niya ay pumasok ako sa loob at umupo. Nang nasa tabi ko na siya ay nagtaka pa siya. "Ihatid mo 'ko," mataray na sabi ko sa kaniya.

Napakamot siya sa ulo niya pero kalaunay hinatid niya rin ako sa school. Panay ang iwas ko kay Shang na sinigawan ko. Nang mag-lunch ay kahit na gusto kong kumain na dahil hindi ako nakapag agahan ay umalis na ako roon ng makita si Marlo at Amira na kumakain. Kita ko pang napatingin sa 'kin si Marlo bago ako tumalikod.

Wala akong choice kun'di sa labas na lang kumain. May maliit na karenderya naman hindi kalayuan sa paaralan. Mura na masarap pa.

Simula no'ng tumira ako sa mga Atienza marami rami na rin akong naipon. Hindi ko minsan naisip na mangyayari ito sa buhay ko. Minalas ako sa pamilyang kumopkup sa 'kin habang nagttrabaho si Mama. Pero maswerte naman ako sa mga taong kumupkop sa 'kin ngayon.

Masarap ang timpla ng adobo nila lalo na sa meat ball. Naparami ako ng kain lalo na't hindi ako kumain kaninang umaga.

"Isa pang rice ate!" sigaw ko.

"Lumpia at kanin din sa 'kin."

"Lumpia at kanin din daw sa kan—" Napahinto ako ng mapansin na wala naman akong katabi kanina. Lalo na't familiar pa ang boses niya. Nang nilingon ko siya ay hindi ko mapigilan ang magtaka. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ito na Sir Marlo." Nilapag ni Ysang ang inorder ni Marlo. Si Ysang ang dalagang nagmamay-ari ng karenderya. Pumanaw ang Lola niya last year, sa kaniya pinamana ang karenderya nito. Tinuruan naman siya kung pa'no magluto, kung ano ang lasa at kung pa'no patakbuhin ang karenderya nila ng hindi bumabagsak.

"Salamat Ysang!" Masiglang sabi ni Marlo at kumain na. Hindi ko mapigilan ang tumingin sa kaniya habang kumakain. "Binati ko lang si Ysang nagseselos ka na."

"Pinagsasabi mo?!" Hindi ko mapigilang singhal sa kaniya.

Rinig ko naman ang tawa ni Ysang na nasa harapan ko pa pala. May lumapit na isang nagttrabaho sa karenderya niya at nilapag ang kanin.

"Girlfriend mo na ba siya Sir Marlo?" Sinamaan ko ng tingin si Ysang ngunit tinawanan lang niya ako.

"Gusto niya raw ako, Ysang," pagkkuwento niya.

Kiss Of Hate || #1 || COMPLETED ||Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt