'Tingin mo papatakasin kita pagtapos ng ginawa mo sa pamilya ko?' Tanong ni Calisto at mabilis na nahabol si Fernanda pero nakalabas ito sa pinaka pintuan ng dungeon, napangiti si Fernanda nang makita niya ulit ang liwanag sa buwan, pero agad din itong napalitan ng gulat nang maramdaman niya ang pagtilapon niya sa ere at malakas na pagbagsak niya sa damuhan ng Forestheart pack.

Babangon pa sana si Fernanda ngunit hindi niya maramdaman ang kanang braso niya, pagtingin niya sa kaniyang harapan ay nakita niya si Calisto na kagat-kagat ang kanan niyang braso, putol na ito at nakahiwalay sa kaniyang balikat.

"Ahhhhhh!!!" Malakas na napahiyaw si Fernanda at nakita rin ni Algern ang mismong bagay na nakita ni Fernanda.

Agad na dinura ni Calisto ang braso ni Fernanda at humanda na sa pagsugod niya kay Algern. 'Anong ginawa mo!?' Hiyaw ni Algern sa kaniya at hindi sumagot si Calisto, hindi niya alam kung bakit hindi siya nakaramdam ng ano mang pagsisisi sa pagsakmal niya sa braso ni Fernanda, pakiramdam nga ni Calisto ay kulang pa ang ginawa niya sa ginawang kasalanan ni Fernanda sa pamilya niya.

'Tumatakas siya, anong tingin niyo ang gagawin ko sa kaniya? Hindi ba't pipigilan? Hindi ko naman sinasadyang na sa lakas ng pagsakmal ko ay sumama ang buong braso niya sa mga pangil ko,' sarkastikong sagot ni Calisto.

Hindi naman makapaniwala ang mga gamma at iba pang warrior na nagising sa wolf call ni Calisto, lahat sila ay kitang kita ang kalunos-lunos na sinapit ni Fernanda. Duguan ito pero walang tumutulong sa kaniya ni isa, nagkakagulo na rin ang mga pack members sa loob ng pack house kaya naman agad nilang ginising si Elara at kapareho ng nadatnan ng mga pack members, iyon din ang sumalubong na eksena kay Elara.

Gulat na gulat siya sa pagdating ng kaniyang ama na si Calisto, ngayon niya lang ulit nakita ang wolf form ng kaniyang ama, isang malaking asong lobo na kakulay ng lupa pagtapos ng malakas na ulan. Ang mga mata ninto ay nanlilisik, duguan ang bibig ngunit hindi galing sa kaniya ang dugo na iyon kundi galing sa braso ni Fernanda na nakahiwalay na sa kaniyang katawan at hindi gumagalaw sa damuhan.

"Algern! Gumawa ka ng paraan!" Hiyaw ni Fernanda at automatikong gumalaw ang katawan ni Algern para kalabanin si Calisto. Nais tumulong ng ibang warrior at gamma ngunit ramdam nila ang matinding galit ni Calisto na tila ba pinipigilan silang humakbang sa kinatatayuan nila.

Naglaban ang dalawa, pangil sa pangil, kuko sa kuko. Mabilis na tumakbo si Algern para bumuwelo ng takbo at sugod kay Calisto ngunit sa pagsugod niya ay agad naman siyang nasunggaban ni Calisto ng isa nintong kamay na nagdulot ng malalim na kalmot sa bandang leeg ni Algern.

Nangangatog ang mga tuhod ni Elara nang makita niya nakikipaglaban ang kaniyang ama, lalo na ngayon na nasa wolf form ito. Mabilis ang kilos nilang dalawa at kahit gabi na ay mabilis itong nasusundan ni Elara kaya kitang-kita niya kung gano kabangis ang labanan na nangyayari.

Gumanti si Algern at dinamba si Calisto saka ito kinagat sa kaniyang tagiliran. Napahiyaw si Elara dahil nakita niya kung gano kalalim ang pagkakabaon ng mga pangil na iyon sa tagiliran ng kaniyang ama ngunit sinipa ni Calisto si Algern at siya naman ang dinamba ninto saka pinagkakalmot ang braso at dibdib ninto saka niya kinagat ang leeg ni Algern nang napakalalim.

Tila ba hihiwalay na ang ulo ni Algern sa kaniyang leeg ilang segundo pa kung hindi lang siya nakapalag at nakatakbo palayo kay Calisto, duguan na ang kaniyang leeg at balikat, umuungol na rin sa sakit ang kaniyang wolf na hindi na kinakaya pa ang dami ng sugat na kanilang natamo.

'Sumuko ka na kung gusto mo pa mabuhay, pero kung ako sa iyo ay piliin mo na lang mamatay sa kamay ko kaysa mabulok ka habang buhay sa kulungan Algern,' tugon ni Calisto sa pamamagitan ng mind link. Hindi ito marinig ni Elara, pero rinig iya ang usapan ng mga gamma at ibang warrior sa paligid niya, ngayon alam niya na kung bakit pamilyar si Algern sa kaniya, dahil nakita niya ito sa lumang photo album ng kaniyang ama noong bago pa ang pack ng Forestheart, isa si Algern sa mga founding members ninto pero may isa pang pagkakataon na nakita niya ito, iyon ay tuwing nasa mission si Calisto at si Algern ang nagdadala ng gamot niya sa bahay nila at si Fernanda ang laging tumatanggap ninto.

Revenge of a RejectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon