Hindi niya rin alam ang kaniyang sasabihin, nais niya na lamang makabawi kay Elara kapag dumating na ang panahon na papayagan na silang magmahal ng todo at wala ng limitasyon dahil sa sakit ni Elara.

"Magandang uamaga, Alpha Damian, Luna Elara," pumasok si Andie sa loob ng opisina at inabot ang piraso ng papel na galing kay Fiona.

"May bago na naman siyang sulat? Pero walang sulat na binibigay si Francis pabalik?" Tanong ni Damian habang hawak ang kapirasong papel at binabasa ang sulat ni Fiona kay Francis.

Ang totoo niyan ay kinokopya ni Andie ang sulat ni Fiona sa kapirasong papel at ito ang binibigay kay Francis, ang orihinal na papel ay binibigay niya naman kay Alpha Damian upang maging matibay na pruweba sa kampihan na ginagawa ni Fiona at Francis.

"Mukhang tama ang hinala ko kay Elijah," sagot ni Damian, natawag ninto ang atensyon ni Elara at lumapit sa table ni Damian upang basahin ang nakasulat sa kapirasong papel. Inabot ni Damian ang papel at binasa naman ito ni Elara, sa pagbaba ng kaniyang mga mata habang sinusundan ang mga salitang nakasulat roon ay unti-unting nagbabago ang reaksyon ng kaniyang mukha.

"Hindi si Elijah ang ama ng pinagbubuntis ni Fiona?" Tanong ni Elara at tumango naman si Damian at Andie sa kaniya.

"Pero hindi ba naamoy ng mga elders na may dugo ng Reed ang bata sa sinapupunan ni Fiona?" Tanong ni Elara, buong akala niya ay kay Elijah nga ang pinagbubuntis ni Fiona, pero mali siya ng akala.

"Si Francis ang tatay ninto, may dugong Reed din si Francis kaya siguro napagkamalan nila na kay Elijah ang pinagbubuntis ni Fiona. Isa pa, alam kong baog si Elijah," sagot ni Damian dahil iyon ang nabasa niya sa medical record ni Elijah. 

"Baog? Si Elijah?" Nagtatakang tanong ni Elara, dahil hindi maaari iyon, nabuntis siya ni Elijah sa past life niya kaya papanong baog ito.

"Oo, ngayon ay pinapahanap ko na ang doc na kumuha ng medical ni Elijah para patunayan ito. Hinahanap ko na rin ang medical record niya pero mukhang tinatago ito ni Elijah para walang makaalam na hindi siya makakapabigay ng tiga pagmana sa Forestheart," tugon ni Damian at iniisip pa rin kung saan maaaring tinago ni Elijah ang mga medical records niya.

Napayuko si Elara, napatingin siya sa kaniyang tiyan at nakita niya ang maliit na baby bump na noon ay paborito niyang hipuin at tignan. Hinipo niya ito at doon lang siya nabalik sa katotohanan na ngayon ay flat na ang kanyang tiyan at hindi na pinagbubuntis ang kaniyang anak kay Elijah.

Napansin ito ni Damian, nagtaka siya sa malungkot na reaksyon sa mukha ng kaniyang Luna na tila ba nawalan ito at kulang na kulang ng isang malaking piraso sa kaniyang pagkatao.

"Kailangan ko na bumalik sa pagbabantay ko, baka makahalata na si Fiona sa ginagawa ko kaya mauna na po ako," sagot naman ni Andie. 

"Ah, sige salamat ulit," sagot ni Damian saka nagpaalam si Andie at lumabas na ng opisina. Bumalik naman sa kaniyang upuan si Elara at nanatiling nakayuko at nakatingin sa kaniyang tiyan.

Pansin ito ni Damian, at hindi na mabura sa kaniyang isipan ang lungkot sa mukha ni Elara. 

"Elara, ayos ka lang ba talaga rito mag-isa?" Tanong ni Damian, nais niya magsimula ng conversation dahil buong araw na siyang hindi pinapansin ni Elara. Kakausapin lang siya ninto kapag business related topic.

"Oo naman, bukas naman ay uuwi na rin si Dad," sagot ni Elara, ayaw niya nang intindihin pa siya ni Damian dahil alam niyang marami pa itong kailangan gawin at asikasuhin. Hindi niya naman nais na hindi pansinin o kausapin ang kaniyang Alpha, pero hindi niya maiwasan na magtampo lalo na't alam niya na napakaraming bagay ang hindi sinasabi sa kaniya ni Damian.

Revenge of a RejectedWhere stories live. Discover now