Chapter 60

75 9 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mauna na ako, Aliyah," magalang na saad ni Blake. Marahan naman akong tumango sa kaniya bago ito naglakad palayo.

"Mommy, where's Andi?" agad na tanong ko nang salubungin ko sina Mommy Connie at Tito Felix.

"Iniwan ko muna sa Ate Cassandra mo," sagot ni Mommy Connie. "How's Conrad? Where is he? How is he doing?"

"Wala pa pong lumalabas for update, Mommy," mahinahong saad ko. Wala naman kasing mangyayari kung hindi ako kakalma. Nakatulong din ang usapan namin ni Blake para kumalma ang aking kalooban.

"Ano bang nangyari?" she asked as she sat beside me.

"Pauwi na po sana kami ni Conrad. Nasa parking lot na po kami tapos may dalawang lalaking nakamotor ang dumaan tapos bumagsak na lang si Conrad," pagkukuwento ko.

"Do you think it has something to do with the three?" she asked.

Marahan akong napailing. "If it has something to do with them, bakit siya po ang pinuntirya nila? I was in the open with him, they could've done it to me."

"But it's possible. I remember you telling us that Theodore Sevilla's father threatened you," Tito Felix butted in.

It's my fault. I suddenly feel bad about going into that battle. Kung nanahimik na lang ako, sana hindi ito nangyari kay Conrad. Sana hinayaan ko na lang sila. Sana hindi sila nagalit. Sana hindi siya nasaktan.

Naramdaman ko ang pagpisil ni Mommy Connie sa aking kamay. Malamlam ang kaniyang tingin sa akin pero may bahagyang ngiti na nakaguhit sa kaniyang labi.

"He'll be fine, anak, don't worry," she comfortingly said before tucking my hair behind my ear. Bahagya niya akong hinila para mapasandig ako sa kaniyang balikat.

"Aalis muna ako," biglang paalam ni Tito Felix.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ni Mommy Connie.

"I'll talk to a friend. I'm going to have this investigated," kaswal na sagot ni Tito.

"Mag-iingat ka," sabi naman ni Mommy Connie.

We waited for a few hours before we finally had an update. Nakahinga naman ako nang maluwag nang malaman kong stable siya. He was now settled in a private room and resting.

I stood frozen before the closed door, what-ifs flooding my head.

What if I did not push for the battle against Theo? Would it change the fact that Conrad was there, lying on a hospital bed just because he is associated with me? Maling desisyon ba ang ginawa kong pagharap sa kanila? Conrad and I could have quiet lives kung pinili namin ang kapayapaan imbes na sumugod sa isang labang tulad nito, pero tunay nga bang kapayapaan ang madarama ko kung alam kong posibleng ulitin nila sa iba ang ginawa nila? Knowing that they have other victims aside from me?

The Rich Man's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon