Chapter 40

60 7 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Making excuses for someone is a sign because normally, you shouldn't be doing it. Hindi mo kailangang i-rationalize ang mga ginagawa nila dahil hindi naman kwestiyonable ang mga ito.

Isa lang iyan sa mga napagtanto ko habang nag-iisip kung nararapat ko bang ikuwento sa aking kaibigan ang mga nagaganap sa pagitan namin ni Blake nitong nakaraan. I wouldn't hesitate to open my mouth if he isn't doing anything shameful, yet here I am, afraid of other people telling me that he wouldn't be good for me.

Nakakatawa lang na aware naman pala ako, pero narito pa rin ako. Ganoon siguro kapag mahal mo, dahil katulad ng parati kong sinasabi, siya ang unang taong nakapagparamdam sa akin ng seguridad at iba pang mga bagay.

Nakatingin lamang si Conrad sa server na isa-isang sinasabi ang pangalan ng aming order habang inilalapag niya iyon sa lamesa.

"Enjoy your meal, Sir, Ma'am," magalang na saad nito. Sabay kaming nagpasalamat ni Conrad sa kaniya bago siya lumakad palayo.

Sa kabila ng pag-aalangan ay pinili kong magbahagi. I need to get it out of my chest. Nahihirapan na rin naman akong makatulog dahil sa mga ginagawa ni Blake.

"My fiancé's so-called first love just returned to the country, and his friends looked like they were pushing him toward her," panimula ko.

Bahagyang napataas ang kilay ni Conrad bago ito nagtanong, "Tinotolerate niya ba ang mga kaibigan niya?"

"Noong una, tapos nagkatampuhan kami. Ang sabi niya ay kapag binabanggit ng mga kaibigan niya ang babaeng iyon ay dinidismiss niya. Hindi rin siya nakikipagkita o nakikipag-usap doon."

Bahagyang umalog ang balikat ni Conrad nang mahina itong tumawa. Tumikhim pa ito upang pigilin ang sarili. Hindi ko maiwasang mapasimangot dahil sa kaniya. Anong nakakatawa?

"I'm sorry. He is cheating on you," diretsong saad nito na nakapagpaawang ng aking labi. Paano naman niya nasabi? "I am not going to comfort you and tell you that maybe you should let it go because he is assuring you that he isn't doing anything. I just saw this before, and... well, it's a pattern."

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan matapos makaramdam ng kasikipan sa aking dibdib. Natarapat ko bang pakinggan ang sasabihin ni Conrad? O magbibingi-bingihan ako at agad na kalilimutan kung ano man ang sasabihin niya?

"'Di ba sa umpisa ay magseselos ka tapos susuyuin ka niya at sasabihin ang mga bagay na gusto mong marinig. He is going to reestablish the trust because secretly, he is doing something. Sasabihin niyang iwinaksi na niya para hindi mo na siya pag-isipan pa," pagpapatuloy nito.

Sinalubong ni Conrad ang aking tingin sa kaniya bago nito muling ibinuka ang kaniyang bibig. "Sa dulo ay magiging kasalanan mo pa dahil hindi ka nagtitiwala sa kaniya. A classic case of manipulation. Though it would be understandable if you are still going to stay with him, mahal mo, eh, mahirap pakawalan."

The Rich Man's GirlfriendWhere stories live. Discover now