Chapter 49

70 9 1
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Wool and crochet hooks saved me from boredom. Parenting videos filled the silence of Conrad's unit every time he worked in the office.

Ever since I started my freelance gigs, naging hybrid ang setup ni Conrad. Minsan ay nagpupunta siya sa kaniyang opisina, madalas ay kasama ko siya. He was helping his older sister manage their family business, a marketing company.

Naging co-working space ang pinagawa niyang wall-mounted na table. Malaki naman kasi at kasya kaming dalawa. Minsan ay nasa kama ako habang naroon siya dahil tapos na ako sa trabaho ko.

Nasanay na lang din siya sa aking daily routine. Matapos magtrabaho ay nag-gagantsilyo ako ng mga stuffed toy. Naisipan kong gumawa ng mga stuffed toy at pagkatapos ay dadalhin namin sa mga shelter para sa bata. I just felt comfort in knowing that what I made may comfort a child.

Sa kasalukuyan ay may higit sa sampu na akong nagawa. Gusto kong mag-ipon ng mas marami pa para mas marami akong mapasaya.

Matapos kong magawa ang isang bubuyog ay hinila ko mula sa ilalim ng kama ang isang itim na storage box kung saan ko nilalagay iyong stuffing para maging stuffed toy ang mga ginagawa ko. Pagbukas ko ay wala na itong laman.

Conrad just got off from a call. Tamang-tama!

"Conrad," mahinang tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako narinig kaya naman tumayo ako at lumapit sa kaniya. Kinalabit ko ito at hindi ko inaasahan ang kaniyang naging tugon.

"What now, Aliyah?" Medyo may kalakasan at kataasan ang paraan ng kaniyang pagtatanong.

I was taken aback. Napamaang ang aking labi bago ko siya tinitigan. Agad akong umatras dahil naramdaman ko ang pag-iinit sa aking mata. What's next? A slap?

I bit my lower lip as I slowly backed away.

"Sorry," I whispered as my breath hitched.

The next thing I knew, there were tears in my eyes. Hindi. Hindi ako dapat umiiyak, pero bakit hindi ko makontrol? Maliit na bagay lang iyon. Baka stressed lang siya tapos ang kulit-kulit ko pa. Hindi puwede. I shouldn't be crying about it.

Now, I am crying because I am crying. What the hell?

Despite the tears, I still saw how quickly Conrad got up from his seat. Mabilis itong lumapit sa akin at saka niya ako pinaupo sa kama.

He kneeled in front of me so our faces would be leveled.

"I'm sorry for raising my voice. Tell me what you need, Ali," malambing na sabi nito bago niya sinapo ang aking mukha gamit ang kaniyang mga kamay.

"Hindi ko sinasadya," muling pagpapaliwanag nito sa mababang tinig. "Let's go out and buy what you need. Ano bang gusto mo? Tell me."

My tears calmed down at the gentleness in Conrad's voice.

The Rich Man's GirlfriendWhere stories live. Discover now