Chapter 48

61 12 10
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hindi ko napigilan ang paghagikgik habang nasa harap ng salamin. Tumagilid ako at hinagod ang bestidang suot para lamang lumabas ang munting umbok sa aking tiyan.

Sa repleksyon sa salamin ay namataan ko si Conrad na nagsusuot ng relo habang nakatingin sa akin at natatawang umiiling. Palihim ko itong inirapan bago ko muling tiningnan ang aking tiyan.

Mabuti na lang at hindi ako pinahihirapan ng batang ito. Kung titingnan ang aking itsura ay tila ba nagliliwanag pa ang aking balat. Siguro dahil na rin sa aking pagtanggap na ginawa sa kaniya.

Ngayon ang unang pagkikita namin ng therapist na nahanap ni Conrad. Nagpasiya siyang samahan ako kahit na dapat ay magtatrabaho siya ngayong araw.

"You don't look like you need a therapist," sabi nito nang aking talikuran ang salamin.

"What they fix is on the inside. Isa iyan sa pagkukulang ng mga tao kaya namimiss nila ang 'signs' kung tawagin ng karamihan. Sasabihin nilang 'mukhang okay naman siya,' tapos mabibigla sila kasi iniwan na sila, not knowing that the battle is on the inside," mahabang sabi ko.

Isang ngiti ang ibinigay sa akin ni Conrad bago niya ini-abot sa akin ang aking bag.

"Kaya dapat lagi silang tinatanong," saad nito na para bang sa sarili lang niya sinasabi. "Anong nararamdaman mo ngayon?"

"Nagugutom kami, kaya tara na para makakain tayo bago ang appointment," nakatawang sabi ko sabay hila sa kaniya.

"Anong gusto mong kainin?"

Napatingin naman ako sa itaas at napa-isip. Parang gusto ko ng matamis na spaghetti.

"Gusto ko ng spaghetti!" masiglang sagot ko.

Conrad brought me to a famous fast food chain. I did not need to specify, parang nabasa nito ang nasa isip ko. Sinamahan niya lang akong humanap ng mauupuan bago ito nagtungo at um-order.

He quietly mixed the spaghetti before he gave it to me. Hindi ko naman maiwasang ngumiti dahil sa ginagawa nito.

"You're laughing at me," seryosong sabi nito.

"Hindi kaya. Natutuwa lang ako," simpleng sagot ko bago ko ipinatong ang aking baba sa aking kamay habang nakatukod ang aking siko sa lamesa. "It was as if you have read my mind. Paano mo nalaman na ito ang gusto ko?"

Conrad cleared his throat as he avoided my gaze. "I just remembered," sagot nito.

"Isang beses mo lang naman akong nakasamang kumain sa labas noon, nilibre mo pa nga ako kasi may ginagawa tayong group project," pang-aasar ko sa kaniya.

"I can vividly recall our classmate's faces when our professor announced we'd be in the same group."

"Tuwang-tuwa ka naman na ka-group mo ako," I teased.

The Rich Man's GirlfriendWhere stories live. Discover now