Chapter 11

113 10 0
                                    

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.


May mga bagay tayong nagagawa na dala ng kagipitan at pangangailangan. May mga desisyon tayong pinipili natin base sa benepisyong matatanggap natin at sa ating pansariling layunin.

May mga daan tayong tinatahak na hindi tayo sigurado kung nararapat ba sa pag-abot ng ating pangarap. Hindi naman natin malalaman kung tama ba ang ating ginagawa hanggang hindi pa natin naaabot ang resulta. Palaging nariyang ang pag-aalinlangan, pero kung ito ang paulit-ulit nating paiiralin, maaabot ba natin ang pangarap nating puntahan?

Sa balkonahe ng silid namin ni Ben ay pinapanood ko ang marahang pagsasayaw ng mga puno sa simoy ng banayad na hangin. Dinaramdam ko rin ang dampi ng sinag ng araw sa aking balat. Habang nakatingin sa liwanag ng kalangitan ay unti-unting umuusbong ang mga pangamba na may kinalaman sa isang kasunduan na aking pinasok nang walang pagdadalawang-isip.

Masiyado akong nasilaw sa magiging kapalit nitong yaman, masiyado akong nadala ng damdamin kaya agad ko iyong sinunggaban.

I could hold on to Blake's words that he would not tell his father, but it felt like it was not enough. Paano kung naroon pa rin ang kaniyang layunin na sirain ako sa kaniyang ama? What if he was just a puppet to his mom? What if his mother told him to mess with me? Who would spend almost five million for a one-night stand?

Parang kailangan kong gumawa ng kasulatan na talagang hindi niya sasabihin sa kaniyang ama ang kung ano mang magaganap sa aming pagitan mamayang gabi.

Pagkagising ko kanina ay wala na si Blake sa kama ng kaniyang ama. Mukhang lumipat ito sa kaniyang kuwarto noong tulog pa ako.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Parang hindi na ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko. Sana naman ay hindi ito ang maging wakas ng kasunduan namin ni Ben. Bakit ba kasi ako tatanga-tanga?

Sana kasi ay pinag-isipan ko munang mabuti, hindi iyong basta na lamang akong nagpasya. Sino ba naman kasing makakapag-isip nang matuwid kung pinasasabik ka ng kausap mo? Tama ba iyong ginawa niya? He clouded my judgment, so I would agree to what he wanted!

Sa kabila ng bahagyang stress dahil sa nangyayari ay napagdesisyunan kong bumaba at maghabilin sa kung sino man ang aking makita na sabihan si Blake na puntahan ako sa opisina ng kaniyang ama.

"Magandang umaga po, Manang. Kumusta ang pakiramdam mo?" nakangiting bati ko sa matandang naabutan kong nagkakape sa kusina. Nakatayo ito at nakasandal sa banggera habang nakatitig sa kung ano.

"Maayos naman, anak. Gusto mo na bang mag-almusal?" malumanay na tanong nito.

"Hindi muna po," saad ko kasabay ang isang marahang iling. "Kapag po pala nakita n'yo si Blake ay pakisabihan naman siya na puntahan ako sa opisina ng kaniyang ama, may pag-uusapan lang kaming dalawa," pagbibilin ko naman sa matanda.

"Sasabihan ko siya kapag nakita ko siya," nakangiting sabi nito. Magalang akong nagpaalam sa kaniya bago ako dumiretso sa opisina ni Ben.

Kinuha ko ang laptop na kaniyang binili para sa akin. Nakatambak lamang iyon sa isang gilid dahil wala naman akong gaanong ginagawa. Hindi naman ganoon kadalas magbigay ng gagawin si Ben sa akin.

The Rich Man's GirlfriendDove le storie prendono vita. Scoprilo ora