Chapter 43

69 10 2
                                    

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.


Stained and stupid, that's how I would address myself. I never imagined that one night could fucking change how I view myself. I never imagined that one night could make me feel like the dirtiest filth ever in existence.

I used to call myself a goddess, too confident about my physical appearance. Never have I imagined it would become the reason for my breaking. I was too beautiful, too beautiful, that I had men lust over me and violate me.

Ilang ulit ko nang tinanong ang aking sarili. Ano bang ginawa ko para maranasan ang mga bagay na tulad nito?

Isang mapait na tawa ang aking pinakawalan habang umaalpas ang mga luhang akala ko ay naubos na kagabi, ngunit narito sila ngayon, tinutulungan akong ilabas ang sakit mula sa isang bangungot na kahit kailan ay hindi ko malilimutan.

Can the world tell me what are the sins I was paying for? Bakit ganito ang inaabot ko? Bakit ganito ang ginawa sa akin? Anong kasalanan ko? Anong kasalanan ko sa kanila?

I found myself on the floor. Naked and only covered with a blanket. I could not find the strength to get up and pick myself up. I was so drained that I just wanted everything to end. I want to die this instant, but I do not have the courage to kill myself because my system has always been telling me to fight for life because we have a lot of dreams we want to reach.

I was crying like crazy, sobbing so hard with snot uncontrollably coming out of my nose. I hardly clutched the blanket on my chest as I cried it all out.

What's going to happen to me? Sinong tatanggap sa isang tulad ko? Would Blake love someone ruined by his friends? Minahal niya nga ba talaga ako? Or did he kept me because I give everything he want?

Nang mahimasmasan ay pinilit kong tumayo. Sa isang gilid ay nakapatong ang malinis at nakatuping damit. Sa ibabaw ay nakalagay ang aking pitaka at cellphone, may kasama itong envelope na may nakasulat na para iyon sa aking pamasahe pauwi. Wow, so generous of them.

I picked up my phone. Habang sinusubukang tawagan ang numero ni Blake ay nanginginig ang aking daliri.

I was still crying, but I was a little calmer. Unti-unti nang tinatanggap ng aking sistema ang nangyari, unti-unti na nitong binubuong muli ang aking loob dahil nakasanayan na nitong hindi nagtatapos sa masasamang pangyayari ang daloy ng aking buhay.

Alam ng aking sistema kung gaano ako kaambisyosa kaya kahit na nais ko na lamang maglaho sa mundong ibabaw ay hindi ako nito pinapayagan. Parang pilit nitong ibinubulong sa akin na bumangon ako at gumanti.

Gumanti. Paano ko magagawa iyon? Ano ang magiging laban ko sa kanilang tatlo kung yaman lamang mula kay Ben ang mayroon ako? I need to have more power.

Ilang beses kong tinawagan si Blake subalit hindi ito sumasagot. Muli na namang nagalpasan ang mga luha sa aking mata. Muli ko na namang naramdaman ang pag-iisa.

The Rich Man's GirlfriendDove le storie prendono vita. Scoprilo ora