Chapter 23

82 8 1
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Hindi tayo papasok ngayong araw."

Agad akong lumingon sa direksyon ni Blake habang pinatutuyo ko ang aking buhok gamit ang hair blower. May balak yata siyang sirain ang attendance record ko.

"Don't look at me like that. I have surprise for you kaya hindi tayo papasok," saad nito bago nito isinubo ang kaniyang toothbrush.

Hindi maiwasang gumala ng aking mata sa kaniyang matipunong katawan, lantad na lantad kasi ito sa aking harapan dahil tanging tuwalya lamang na nakasabit sa kaniyang bewang ang suot nito.

"Baka mamaya ikakadena mo na naman ako," saad ko na nakapagpailing dito. Naramdaman ko ang pabirong pagpalo niya sa aking puwet kaya kinurot ko ito sa kaniyang tagiliran.

"Matutuwa ka sa supresa ko, sigurado ako," saad nito matapos magsipilyo.

Ano na naman kaya ang pakulo nito? Dapat ko na bang ihanda ang katawan ko?

Napatingin ako sa aking telepono at napasulyap ako sa petsa, ngayong araw tatagpuin ni Benedict si Christina. Alam kaya ni Blake ito? Ano kaya ang mangyayari sa pag-uusap nila? Sana ay maging maayos ang lahat.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Agad akong tiningnan ni Blake at halata sa kaniyang mukha ang pagtataka.

"Anong problema?" he asked, to which I replied by shaking my head.

Hindi ko naman kasi alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya, wala naman kasing nabanggit sa akin si Ben.

Hinalikan lamang ni Blake ang aking noo bago namin ipinagpatuloy ang pag-gayak.

Sabay kaming bumaba ni Blake at pagbaba namin ay naabutan namin si Ben. Hinihingi nito ang susi ng kaniyang sasakyan sa driver.

"Dad, saan ka pupunta? Bakit ikaw ang magd-drive?" seryosong tanong ni Blake sa kaniyang ama.

"I'm going to meet your Mom," simpleng sagot ni Ben habang may magaan na ngiti sa kaniyang labi. "She invited me the other day, magkape raw kami sa favorite spot namin," masayang pagpapatuloy nito na tila ba kuntento na ito sa paanyaya ng kaniyang asawa.

"What for? Akala ko ba maghihiwalay na kayo?" nagtatakang tanong ni Blake.

"I don't know, Blake. Can't you be happy for me?" mapang-asar na tugon naman ni Ben.

"Whatever," simpleng sabi ni Blake. "Mag-ingat ka lang sa pagmamaneho dahil ilang taon ka ring hindi nag-drive."

"Hindi naman ako tanga."

"Alam ko. Aalis na kami," Blake declared, ending the conversation and grabbing my hand. Agad kaming nagtungo sa kaniyang sasakyan at tahimik lamang itong nagmaneho.

Blake parked in a huge building, pagkatapos ay inaya niya ako sa isang coffee shop. Pinili nito ang pwesto na malapit sa glass wall kung saan tanaw ang mga taong nagmamadali sa paglalakad.

The Rich Man's GirlfriendWhere stories live. Discover now