Chapter 41

64 9 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


It would be a lie if I said I wasn't devastated after that night. It felt like I wasn't me. What Blake said and did reminded me of my youth, those days that led to the breaking of my own family, and those days when I needed to pick myself up because no one ever did.

I immediately called work the morning after and filed for an indefinite leave.

Nababalot ng katahimikan ang aking kuwarto. Nakakuyom ang aking kamaong nakakapit sa kumot habang ako ay nakatingin sa malayo.

Regrets. I am slowly being filled with regrets that are turning to rage. I shouldn't have placed my heart at stake. I should have retained the wall I once built. Sana ay hindi na lang ako naniwala sa kaniyang mga salita.

Blake and his empty words. Why do they need to be so pleasing that I believe they are real, that they will last?

I was pulled back to reality when I heard a knock on the door. Hindi ko nagawang sumagot dahil hindi ko naman alam kung sino ang nasa kabila nito.

Nagpatuloy ito sa pagkatok kaya naman tumayo ako at marahang binuksan ang pinto.

"Aliyah, hija," mahinang pagtawag sa akin ni Manang. Bahagyang nakakunot ang kaniyang noo subalit nakaguhit sa kaniyang mata ang pag-aalala. "Kaninang umaga ka pa hindi kumakain," malambing na paninita nito.

"Huwag po kayong mag-alala, Manang. Bababa po ako kapag nagugutom na ako," magalang na sagot ko.

Isang malungkot na ngiti ang ibinigay sa akin ng matanda. Marahan lamang akong tumango bilang pagpapaalam bago ko isinara nang tuluyan ang pinto.

Muli akong sumampa sa kama at hinayaan ang sariling lukubin ng sakit na nadarama. Bakit, Blake? What did I do? What did I not do? I have devoted my loyalty to him. Sa lahat ng pagkakataon ay nasa panig niya ako, pero bakit ganito ang ginawa sa akin ni Blake?

Naisipan ko lamang lumabas ng aking kuwarto nang dumating ang ikatlong araw ng aking pagkukulong. Pagtingin ko sa orasan ay maaga pa kaya naman confident akong bumaba para kumuha ng wine, ang tanging kaibigan ko sa mga pagkakataong tulad nito.

Laking gulat ko nang aking datnan si Blake na kumakain ng hapunan at kausap si Manang Delia.

Humugot ito ng isang malalim na hininga bago ito nagsalita. "Sit and eat, Aliyah."

Hindi ko siya pinansin. Nagtungo ako malapit sa wine fridge kung saan mabilis akong kumuha ng isang boteng wine.

"Aliyah," matigas na tawag sa akin ni Blake, pero hindi ko siya kayang lingunin.

Ang kapal ng mukha niyang isiping may karapatan siyang utusan akong kumain matapos ang ginawa niya sa akin. Sinabi ko lang naman kung ano ang saloobin ko, pero bakit parang naging mali pa na inilabas ko ang mga bagay na bumabagabag sa isip ko?

Muling nagkaroon ng bara sa aking lalamunan matapos maalala ang gabing iyon.

Nagmamadali akong bumalik sa aking kuwarto kung saan inubos ko ang laman ng bote. Isang mapaklang tawa ang aking pinakawalan nang sumayad sa aking lalamunan ang huling patak ng alak.

The Rich Man's GirlfriendWhere stories live. Discover now