Chapter 3

126 16 27
                                    

Ben's room has a balcony

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ben's room has a balcony. Tanaw ko mula rito ang nag-aagaw na kahel at asul sa langit na dala ng papasikat na araw.

Noong bata ako ay pangarap ko lamang itong ganitong klase ng tagpo. Iyong gigising ka sa umaga at pupunta sa balkonahe para lumanghap ng sariwang hangin habang dinadamdam ang banayad na sikat ng araw bago ka lumabas para mag-almusal.

Natupad na ang pangarap ko, sa kasamaang palad ay hindi ko bahay ito. Mas maganda sana sa pakiramdam kung sa sarili kong tahanan mararanasan iyon.

'Di bale na, makakaipon naman na ako dahil kay Ben. Malaki ang ibinibigay niya para sa gampanin ko, at hindi rin naman ako gumagastos dahil sinisiguro niyang sagot niya ang lahat ng kakailanganin ko.

He even gave me a supplementary credit card connected to his. Hindi ko pa iyon nagagamit dahil hindi pa naman ako nakakalabas.

"I heard about what happened yesterday, naikuwento sa akin ni Manang." There's a hint of annoyance in his voice. Abala ito sa pagbubutones ng kaniyang long sleeves pero nakatingin ito sa akin mula sa salamin.

Nag-iwas ako ng tingin bago ako muling naupo sa dulo ng kama at hinayaang kumuyakoy ang aking paa. Humugot ako ng malalim na hininga bago siya sinagot.

"It's nothing, Ben. Hindi naman ganoon ka-big deal ang nangyari. I know what I signed up for, and she wasn't even relevant to my job," simpleng sabi ko.

"She should've respected you because this is your household," he firmly said while tying his tie.

I giggled at him before I looked at him in the mirror. "I'm just an accessory here, and it's okay, wala namang talab sa akin kahit anong sabihin nila."

It's the truth. Walang talab ang mapang-insultong salita kung mukha kang pera. Walang mapanghusgang tingin ang siyang makakapanakit sa mga tulad kong alipin ng salapi.

We shouldn't blame people who were deprived of financial freedom when it comes to their practical decisions. Maaaring kakapalan ng mukha sa iba, pero praktikal iyon para sa mga katulad ko.

Makapal na kung makapal ang mukha pero ang mahalaga ay hindi ako nagpapakakuba para lang makaipon. Masamang tinatanggihan ang grasya, baka tuluyan kang layuan kaka-hindi mo sa mga lumalapit sa iyo.

"You're still my girlfriend by title, and I am giving you the right to kick out Blake's friends if ever they do that to you again," matigas na sabi ni Ben na agad kong kinontra.

"That's really unnecessary. Besides, I don't go out of this room that much because of the tasks you gave me," sagot ko. "Anyway, I have already sent the file to your email. I also added a forecast because I thought it might help," I continued.

"Thank you. You are a great help, Aliyah."

Napangiti ako sa tinuran ni Ben at naramdaman ko rin ang pag-iinit ng aking mga pisngi. It felt refreshing to be complimented because of your technical skills, and not just your face.

The Rich Man's GirlfriendWhere stories live. Discover now