Chapter 52

65 9 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Madam Ali! Excited na ako sa samples! Nakakakilig!" masiglang saad ni Sarah habang may buhat itong kahon na inilapag niya sa aking table.

Napahugot ako ng malalim na hininga dahil ito na iyon, iyong bagay na kailan lang ay pinapangarap ko. Narito siya ngayon sa aking harap at malapit na rin ilabas.

Matapos ang anim na buwang pagproseso ng mga papeles, permit, at paghahanap ng supplier ay narito na kami.

Nanginginig ang kamay kong binuksan ang kahon at tumambad ang isang handbag na gawa sa mataas na kalidad na leather. Kinuha ko iyon bago ko sinuri ang mga tahi, bulsa, pati ang mga lock at zipper upang masiguro ang kalidad ng pagkakagawa.

Wala naman akong masabi dahil maayos ang produkto. Pantay ang tahi, maayos na nakadikit ang mga lock at smooth ang pagbukas-sara ng zipper.

Tumayo ako mula sa aking kinauupan bago ko isinabit sa aking braso ang bag at nagpanggap na modelo.

"Oh, pak! Kabog magmodel si Madam, oh!" masayang sabi ni Sarah. "Lagyan natin laman, Ma'am, para makita natin kung gaano talaga siya katibay," suhestiyon pa nito.

"Anong ilalaman natin? Wala namang mabigat dito," sagot ko.

"Itong mga 'to, Ma'am. Mabigat ito, hirap na hirap ako minsan na itulak ito," saad nito sabay lapit sa isang bowl na design ng opisina na naglalaman ng flat marbles.

Ibinigay ko sa kaniya ang bag. Inilapag niya iyon bago niya nilagyan nang nilagyan. Nang matapos ay sinubukan niyang i-angat pero nahirapan siya kaya naman bahagya akong natawa.

Kahit na mabigat ang laman ay hindi nasira ang porma ng bag. Sigurado akong papatok ito dahil sa kalidad.

"Ang bigat, Ma'am. Kung may malaking bato lang dito sa office, iyon sana inilagay ko," natatawang sabi ni Sarah. "Anyway, ang ganda pa rin. Hindi halatang mabigat itong nasa loob. Hindi ba iyong ibang bag, parang lumulundo—ah basta! Kabogera itong bag na ito!" maligalig pa na pagpapatuloy nito.

Kaswal lang siyang makipag-usap sa akin dahil hindi naman nagkakalayo ang aming edad. Isa pa, ramdam ko naman na mabuti ang kalooban niya at genuine naman ang suportang ibinibigay niya.

"Ayos na ayos. Excited na rin ako. Sana ay maging maganda ang launch natin," saad ko habang ibinabalik naman ni Sarah ang mga marble sa pinanggalingan nito.

"Success iyan Ma'am. Si Sir Conrad ba naman ang nag-ayos ng marketing team mo! Ang galing kaya ng kumpanya nila pagdating sa ganiyan," sagot naman niya sa akin.

Bumukas ang pinto ng aking opisina at iniluwa no'n si Conrad na may dalang paper bag mula sa isang food stall na nagtitinda ng mga dim sum. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.

"I'm here. How are the samples?" Conrad asked. "Sarah, pasuyo naman ako nito. Salamat," he ordered as he handed her the paper bag.

Sarah excused herself to do what she had been told. Agad ko namang kinuha ang bag para ipakita sa kaniya. Conrad grabbed them and inspected them himself.

The Rich Man's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon