Chapter 27

60 9 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


The two-week vacation was immediately cut short. I couldn't stand staying at the quietness of the hotel kaya naman nang mamataan ako ay nabigla si Ms. Geron, ang ninang ni Blake.

"What are you doing here? You are yet to report not until Monday next week. Umuwi ka," saad nito na nakapagpanguso sa akin.

Wala naman akong ibang gagawin. Hindi ko na matagalan iyong parte na I am not doing anything. Hindi ako sanay. Mas mainam na rin na abala ako para hindi ko masiyadong maisip ang nangyari.

"I'm all good po, mas okay ako na magtrabaho kaysa malunod sa katahimikan," simpleng sagot ko naman dito.

Napataas ang kaniyang kilay, halata sa mukha ang mga katanungan pero mas pinili na lamang niyang manahimik at hinayaan na lamang ako nito na magtrabaho sa aking work station.

Namataan ko pa ang assistant ni Blake na papasok sa aming area pero agad itong nagmartsa paalis nang magtama ang aming mga mata.

Ano? Am I gonna lose this job too? Does he have the right to remove me? Si Ben ang nagbigay sa akin ng trabahong ito, naniniwala akong hindi niya ako mapapatanggal, mapapaalis lamang ako sa sandaling magpasa ako ng resignation.

Bandang pananghalian na nang pumasok sa aming area ang assistant ni Blake para abutan ako ng isang paper bag na sa palagay ko ay naglalaman ng pagkain. Ipinatong niya ito sa aking work station bago ito nagsalita.

"Ms. Aliyah, Sir Blake told me to order food for you," sabi nito. Isang seryosong tingin ang kaniyang natanggap mula sa akin.

I politely smiled at him before I answered, "Thanks, but no thanks. I can buy my own food."

I pushed the paper bag back in his direction, and he did not know what to do. He just awkwardly stood there and stared at me. Siguro ay nag-aalangan ito dahil hindi baka iniisip niya ang magiging reaksyon ng kaniyang boss kapag ibinalik niya iyon.

Napailing na lamang ako bago ako lumapit kay Ms. Geron.

I can't take this day anymore. I want to rest, wallow in misery, and allow myself to feel things for once. I am slowly getting frustrated. I hate that I would rather function than be miserable.

"I changed my mind; I can't work right now. I don't feel really well." Medyo pahina ang aking boses nang ako ay magpaalam kay Ms. Geron.

She only looked at me before she nodded. May ngiti sa kaniyang labi na tila ba nagsasabing naiintindihan niya ako at ang sitwasyon ko subalit sa kabila no'n, pakiramdam ko ay walang makakaintindi sa akin kailanman.

Palagay ko ay agad akong tatapunan ng mapanghusgang thingin ng mga tao sa aking paligid sa sandaling malaman nila ang mga paniniwala ko.

I returned to the hotel, contacted the room service, and ordered a bottle of wine. I also asked if they do have pairings for the said wine. Some wines are better if you have something to pair with them; it elevates the experience.

The Rich Man's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon